Monday, February 6, 2012

Scandals

When I was younger, a scandal would mean a classmate peeing in front of the class.  Eto yung nag-re-recite ang classmate mo sa harap, tapos sa sobrang kaba, naihi siya sa harap.  Scandal din dati iyong naglagay ng salamin ang classmate mo para silipan ang maganda mong teacher.  Tapos ipapagkalat mo kung puti ba o puli ang panty niya.

Nung paglaki, scandal naman ang pagsama ng kapitbahay para maging kabit ng isang mayamang matanda sa kabilang kanto.  Biruin nyo iiwan nya ang 2 anak niya, para maging kabit.  Scandal, din ang pagbubuntis ng kamag-anak habang teenager pa ito.

Pero ngayon, milyong bata na ang naihi sa harap ng classroom, daang-libong kapitbahay na ang naging kabit.  At milyong kabataan na rin ang buntis at nakabuntis.  Well, papagalitan pa rin sila for sure, at yung iba nga pinapalayas pa.  Pero sa panahon ngayon ay di na scandal iyan.

Ang scandal ngayon ay ang mga videos na na-u-upload sa youtube.  Madalas ng mga celebrities, pero minsan nga maski iyong mga kapitbahay lang at kung sino-sino pa nga.  Kadalasan nga ang papangit pa.  Pero malapit na rin atang maging milyon-milyon ang mga scandal na ito.  At marami nga sa mga scandals na ito e di naman scandal.  Scripted at talagang professional actors ang gumanap.

10 years from now, ano kaya ang susunod na scandal? 

No comments: