Monday, December 8, 2008

Aalis na Naman

Tama nga ata ang paghulog ng barya sa Trevi Fountain...dahil babalik na naman ako ng Europe.

Sabi ng Nanay ko, e pag pinapadala ka raw ng opisina e ibig sabihin e magaling ka. Pero parang dumadalas naman ata ang pagpapadala sa akin. Nakakatakot na ito...baka gusto na nila ako talaga paalisin.

OK na rin kasi sobrang traffic talaga sa SLEX pag Dec. Saka, naka-schedule naman akong bumalik bago magPasko. Since nadagdagan ng 2 ang fans ng travel...e itutuloy ko na rin. So bago pa man ako umalis e pictures na kaagad, para maka-practice na tayo.

Sa Tuesday na ang alis ko. Medyo hectic ang byahe na ito kasi 4 na bansa ang pupuntahan - Germany, Austria, France (ulit) at Spain. Sana makapag-blog pa rin ako, para sama-sama pa rin tayo sa byahe.

Napuntahan ko na ang 4 na bansa. Iyong iba matagal na. Itong unang picture ay sa Munich, Germany. Ang binasagang Oktoberfest o Beerfest Capital ng mundo. (Alam nyo bang ang Oktoberfest ay dapat cinecelebrate sa Sept?) Last time ko duon ay 2005, kasagsagan ng laban ng US at ni Saddam. Kaya nung nakita ko ang isang building, pa-picture ako sa sign na: 'Kein Krieg in Irak' meaning 'No To War in Iraq'.



Kasama ko ang mga kaibigan ko at nagpunta kami noong 2003 sa Vienna, Austria. Sobrang sikat ni Mozart dito. Pero mas sikat ang...Sound of Music. Kaya ayan, ang picture-an namin ay sa set ng "I am Sixteen Going on Seventeen" ni Captain at ni Maria. Naaalala nyo ba?



Noong February 2008 ay umattend ako ng training sa Madrid. Pero ang huling beses ko sa Barcelona ay nung 2004 pa. Iyon ang summer na umabot ng 40degrees sa Europe. Ang picture sa baba ay against the famous "Sagrada Familia" ni Gaudi (na sosi na restaurant sa Greenbelt 2)

Excited din akong bumalik ng Spain dahil ito na ang pinakamainit sa pupuntahan namin. Sabi sa weather.com ay -3 degrees sa Germany at Austria (patay!), 0 degrees naman sa France (nyay!). Pero sa Spain ang pinakamainit - 8 degrees. (nye!)

1 comment:

Anonymous said...

Oh my gosh kuya sobrang bata mo pa dito mukha ka pang OFW! Bumili ka naman ng isang pack ng stroopwafel at droste(dark)sa amsterdam airport please! super lamig na ba jan sa europe? kakabalik ko lang din from beijing, syempre frozen delight ako at -12 pala ang pinakamalamig.