And...presenting the 'parol' entries of the 4 teams...
From the pink team -
Wow, buti na lang ang pictures ang makakapagpatunay na hindi naman talaga mukhang layag ng bangka ang kanilang entry. Actually, mukha palang 5-star (na paputok) iyong sa kaliwa at judas belt ang sa kanan, in fairness makulay ang whistle bomb.
From the Green Team...
Sinadya ko talagang diliman, kasi mas mabagay. Seryoso, takpan nyo ng kamay nyo ang ibabang bahagi ng picture sa ibaba (mula sa 'Pamilya Banal' na sulat ha).
Ginawa nyo na? ...Promise?
Talagang ginawa nyo na?
Mukha talagang pang-horror movie, ano?
From the Yellow team...
Sino ang kumuha ng ilaw sa gate ng kapit-bahay namin?
Ito ata ang dapat nanalo, dahil maraming symbolism. Kapag mag-isa lang, puwedeng maging ilaw sa Roxas Boulevard. Kapag dalawa at may tali, puwedeng boka-boka. At kapag pinaghiwa-hiwalay e puwede ka ng mag-Toning.
Ayan, cino-convince ni Tito Par si Tita Tetes na puwede rin iyang maging parol
From the Blue Team...the winning Parol
Pag kinuwento nyo sa mga friends nyo ang ating winning Parol, puwede i-describe nyo na lang ang meaning, huwag nyo ng ipakita ang picture! At saka puwede pabulong nyo lang sabihin ha.
Ito ang good news about our winning parol:
Imaginin nyo ang Parol na project sa Morning Breeze sa Grade 5, section 16. Eto iyong pang-hapon na section na 75 students sila sa klase, ha. At iyong classroom nila sa tabi ng puno ng mangga, duon sa may gilid ng stage sa tabi ng CR. Well, mas maganda naman ang winning parol natin kesa sa parol nila.
1 comment:
ang saya saya ...
Post a Comment