Friday, December 19, 2008

Tribute to Par

Isnabero, Pasaway, pero Ginagalang ng lahat. Iyan si Par.

Kilala ko na si Par sa loob ng 35 years. Ang kuwento e matalino talaga siya bata pa lang. Di masyadong nag-aaral, pero laging scholar at honor student. Masipag, at working student nga. Puwede nyang ikuwento sa inyo ang mga 'negosyo' nya nung bata pa siya para lang magkaroon ng baon. Malamang magulat ang 3rd generation at baka nga di sila maniwala.

Kuyang ang tawag namin sa kanya nung maliit pa kami. Si Kuyang ata ang unang nagkasasakyan sa aming magpipinsan. So ang memories namin ni Che-Che ay may kinalaman sa paghahatid sa amin sa school, since taga-QC kami. Par would go out of his way para ihatid kami ni Che-Che. Alam naman naming di talaga on the way. At ang matindi ibaba pa nya kami sa gate ng school, para sosyal ang dating namin.

Ang kaso, di talaga siya nakikipag-usap sa amin! Mwa haha. So sa loob ng 30-45 minutes na byahe e silent movie ang eksena sa kotse. Walang talkies at puro radyo, hehe. Minsan nga nagtatago na kami, pero siyempre si Ditse ay pupuntahan pa kami sa bahay para tawagin at bistuhin na nagtatago kami sa likod ng pinto. So dapat makilala mo si Par (ang pangit ng Kuyang, parang datans), otherwise iisipin mong isnabish talaga siya. Kaya nung nagkatrabaho na kami, e nag-uusap na kami sa kotse ni Par haha. Kelangan mo lang siyang kausapin at sasagot naman pala siya.

Naaalala ko rin nung nagkasakit siya ng malubha at tumigil nga ng trabaho. Syempre ang daming tsismis nuon, lalo na nung isang beses na nagtinda siya ng isda. Tawa ako ng tawa sa tsismis, dahil ako rin naisip kong magnegosyo ng isda, dahil taga-Malabon tayo malapit sa dagat. Medyo maugong ang tsismis nun, e ako walang kahilig-hilig sa tsismis =). So kinausap ko si Par at tinanong ng diretso "Par, totoo bang naghihirap ka na?". Ano ba ang iniisip ko noon? 1) di ako naniniwala sa bali-balita so mabuti malaman ang totoo 2) actually di ko sure kung magagalit ba siya sa tanong ko, dahil sobrang personal at ano nga ba paki ko.

Anong sagot ni Par? weeeeeeeh! ayoko ngang sabihin, sana tinanong nyo siya nun! haha.

Si Par very honest at transparent. Obviously, na-appreciate ko na hindi nya ako binara sa tanong ko. Sinagot niya ng may paggalang (maski bata ako) at nalaman kong alam nyang concern ako sa kanila. So after noon, lalo ko na siya naging role model. Nung maliit pa naman ako, sinasabi namin na gusto naming maging katulad ni Par - matalino, ginagalang ng lahat, maraming kaibigan, de-kotse at mayaman. Tinatanong namin lagi kila Mommy na "Pag-nagkatrabaho po ba kami, makakabigay din kami ng gifts SA LAHAT katulad ni Par"?.

Siyempre ang sagot ay HINDI, not necessarily. Kelangan daw magaling sa school at magaling sa trabaho. At syempre, mahirap maging natural na generous - iyan di natutunan sa school o sa trabaho.

Idol ko talaga si Par sa maraming bagay. Una, pag nagsasalita siya lahat nakikinig. At pag may mahirap na issue, siya ang humaharap hindi siya umiiwas. Idol ko rin siya sa pagiging generous. Kasi alam ko rin na generous ang isang tao kapag masipag siya. Ano ang resources of generosity mo kung di magsisipag? Sana maging idol din si Par ng 3rd generation - intindihin na mahirap ang buhay at mahirap kumita kaya kailangang magsipag. Di dapat mahiya na magtinda dahil walang nakakahiya dito. Si Par ma-prinsipyo at laging totoo. May mood swings din minsan at di nga namamansin (yes, naisingit ko ito ha ha ha). Pero OK nga sa akin yun, at least consistent at di pabago-bago ng isip.

Ano ba talaga gusto kong mapala dito:
1) Na ma-realize ng kabataan na naging successful si Par dahil sa talino, sipag at tiyaga. At hindi madali ang buhay bago mag-succeed. Wala namang mayaman sa atin dati ano.
2) Na iba-iba ang personality ng taga-PB. May ugaling gusto natin at meron hindi. Pero dapat makilala muna ang bawat isa bago maghusaga. Tingin mo, gusto rin nila ugali mo? Hahaha.
3) Na malapit na ang Pasko. At maisip niya na papilahin ako!

Happy Birthday Par!

8 comments:

Anonymous said...

Worth reading...

Anonymous said...

Makiki chu-chuwa na rin ako kay Ido. Oks na oks ang tribute mo kay Par, idol nating lahat yan lalo na ng mga 2nd gen. Madami tayong natutunan kay Par, natatandaan ko pa tuwing magpipintura sa nitso, sasabihin ni Par, and pintura pag hinaluan ng tubig hindi magbabago ang kulay nyan, lalabnaw lang. Ang moral ng story, kung kailangan magtipid ay pwepwede kailangan lang pag-isipan, parehas din naman ang resulta. Madami pang kwentong matutunan kay Par- yung pagtulog nya sa ilalim ng silong (pati kami minsan na ring nakatulog don), nung may nahuling magnanakaw, at saka kung gagawa rin lang ay gandahan na, etc. mga bagay na hindi matutunuan sa school. Pero siguro yung detalye sa 50th birthday na lang ni Par next year para masaya. Happy birthday Par! Cheers!

Anonymous said...

Hahaha pano nga makakalimutan ang paghahatid ni Par! Sobrang agree ako dito. Nakakatakot talaga si Par nun,kaya hinahatid ka na parang ayaw mo pa...and alam kong hindi nga along the way ang school dahil mag u uturn pa sya sa may SM, tapos maglalakbay ng malayo para makabalik sa EDSA) pero ok din dahil sosyal nga ang dating at nung panahon na yun ilan lang naman sa Quesci (public school kasi) ang di-hatid ng coche. At papalit palit pa nga ng coche si Par!

Ang isang di mo nabanggit ay ang pag oorganize ng sugal!? I'm sure di lang naman adik si Par sa sugal, hehe...gusto nya rin mag initiate ng bonding ng pamilya. Hindi ba kahit kakaopera lang nya nun, nago-organize na sha agad ng session. Naalala ko noon na tuwing friday night ay lahat kasali hanggang magdamag na nga, whether in between, poker, tong-its o mahjong. Saka kahit sobrang talunan pa sya minsan (o madalas ba?)ay nagttyaga pa rin sya magorganize lagi, so baka nagsh share lang si Par talaga ng pera nya nun... :-)

Anyway saludo talaga ako sa sipag at tyaga ni Par (aba parang Manny Villar). At I think incomparable ang kanyang command of respect sa entire pamilya banal (pati sa mga pasaway na bata!). Nakakatuwa na naligaw sya dito sa Singapore last month at nakapagmerienda kami ng siomai... Happy birthday Par! Sana magaling na tiyan mo.

Anonymous said...

HBD Par!

Ang naaalala ko kay par e yung kumukuha siya ng kangkong sa likod ng compound para ibenta nila ni Kakang lalaki. Imagine mo kung matuklaw ng ahas. Delikado talaga pero talagang kailangan kaya ginagawa niya. Masipag talaga siya at idol sa kasipagan. Minsan, magtataka ka nga lang bakit di ka binabati eh di naman galit. Basta ganun' lang talaga siya. Silent movies. Minsan, inaway ako niya pero ok na sa akin 'yon kasi I respect him din talaga. Ang isa pang nagustuhan ko sa kanya e pag siya na ang nagrequest sa mga 3rd generations e siguardong susunod sila. Higit sa lahat, how he loves his wife and children very much. Sana tumagal pa ng madaming-madaming taon ang buhay niya.

Nag-iisa lang si Par! God bless you! yet

To: IDO
Thnx for posting a Tribute for me!

To: IDO, HELEN, JORGE, AYO, CHE2, ONE, and ANONYMOUS (YET)
Thnx for d B-Day Greetings!!!

I luv u all PB!