Thursday, August 13, 2009

Ang Wedding

Siguro, mga 20 weddings na ang host ko. Merong taga-opisina at meron sa mga kaibigan, at iyong iba nga hindi ko kilala dati.

Marami namang weddings ang OK, pero minsan merong mga di magandang pangyayari na paulit-ulit na nangyayari. Lista nga natin, para may guide din sila Evot and Charisse:

1. Flower Girls at Ring Bearer
- Maayos ang marcha sa simbahan, at very solemn...until...ayaw maglakad ng Flower Girl o kaya Ringbearer. Siguro dahil masyadong bata pa. Minsan, akay akay ng nanay o yaya. Yikes! ang corny. Di ba puwedeng malalaki ang flowergirl o ringbearers?

2. Simbahan
- Walang tao sa simbahan. Di maganda sa picture e hehe. Pero sa reception dadami bigla =).

3. Host
- Dapat magaling ang emcee sa reception. Kasi halos 2 hours yun di ba. Kung walang kuwenta, sayang naman ang oras. Turn-off din kasi yung nag-e-english na pangit mag-pronounce at mali-mali ang grammar. Puwede naman magtagalog di ba. Sayang di na ko puwede mag-host, baka matanggal ako sa trabaho. So hanap kayo ng magaling, evot ha.

4. Speech
- Alam naman ng magulang ng bride and groom na hihingan sila ng speech, e hindi pa maghanda! haha. Di naman nakakahiyang may binabasa, kasi talaga namang magsasalita sila. Actually hindi lang bride and groom, pati yung mga ibang magsasalita. Sana sabihan na sila kaagad at mag-prepare.

5. Bouquet and Garter
- Haaay, hindi pa ba tinatanggal ito. One of the most awkward moments in a wedding, maski para sa host. Iyong 15 minutos na nagtatawag pa ng mga single ladies at single men. Nagiging corny at nakakainis na di ba? Tawag ng tawag ng pangalan na ayaw naman pumunta.

Iyong isa kong hinost na wedding, ang makakakuha ng bouquet at garter, tumanggap ng Trip to Boracay. Iyong isa naman binigyan ng his and hers na mamamahaling relo. Grabe nag-a-agawan talaga ang mga singles. So di na nahirapan tumawag ng volunteers.

6. PIcture PIcture PIcture
- Walang masama sa picture, OK nga ang magagandang picture. Pero meron akong hinost na wedding, na lagi akong pinapahinto, dahil mag-pi-picture.

7. Kainan
- Ang tagal kumain minsan. Talagang gutom na ang mga guests wala pa ang food.

Meron din ba kayong pet peeves (o kinakainisan) sa mga weddings.

4 comments:

ANONA said...

Yung sandamakmak ang sponsors!!! D magkasya sa harap ng altar. Ginagawang negosyo ang pagkuha ng ninang.

Allergic sa weddings said...

Yung nagpapasabit ng pera sa damit, habang nagsasayaw yung bride and groom. Isipin mo sa una, tradisyon yun. Pag tinanong mo, "sinong taga-Batangas?". Tapos sagutin ka, "wala, taga-Manila pareho yan."
Nyek. Pinagkaperahan lang pala!!

che said...

Pinaka-ayaw ko about weddings yung mga guests na after imbitahin at pakainin ay pipintas pa sa food at make-up ng bride, sponsors, damit, at arrangements...haha

charisse said...

Dalawa lang naman maliliit sa mga entourage namin. Isa sa flower girls and coin bearer. I think maglalakad naman yun if hindi my sisters are ready to walk with them. Or yung mga kasali din sa entourage and mg guide sa kanila. Sa simbahan naman ewan lang if people will be on time dahil sbrang aga ng ceremony. Host naman sabi2 ok naman yung isang emcee na dapat kasama ni tito ido and yung bestfriend ko ok sya magspeech din kasi fluent sya mgenglish. Sa toss naman ng bouquet and garter dpat lang na mawalang maarte dpat lahat ng single sumali. Pero wla kaming gift sa kanila sbra na yta yun.hehe. Picture2x naman eh meron naman kami professional photographer so enough na yun. Yung mga may sariling camera pde sila makasingit bsta hindi makulit. Sa kainan naman I think we hired a very reputable caterer kaya i dont think they will leave us a bad impression. So far so good ang wedding preps kaya hopefully everything will run smoothly sa wedding namin.