Wednesday, August 5, 2009

Random Thoughts on 'Paalam Tita Cory'

Bago tuluyang magpaalam kay President Cory, e isummarize muna natin ang ilang obserbasyon nung nakaraang araw. Unless wala kayo sa Pilipinas o nagtatago sa ilalim ng bato, matindi ang coverage ng wake, at funeral ni Tita Cory.

1) Sabi ng Boss Ko during the interview ni Kris Aquino sa 'The Buzz'
"Nakakaiyak naman ang mga sinabi ni Kris. Pero ang ganda talaga ng earrings/hikaw niya".

- Haha! In fairness, Chanel daw pala ang silver/grey na hikaw niya.

2) Maisip nyo bang magkakamay ang isang Aquino at isang Marcos sa lifetime na ito?

3) Nagpunta naman pala si GMA sa wake. Around 4am and only for 10 minutes. That's a good strategy. Para wala ng masyadong makakita.

Hindi kaya kinakabahan si GMA sa dami ng taong pumunta sa wake at sa funeral ni Tita Cory?

4) Galing naman ng kanta ni Jose Mari Chan nung misa. May dala daw siyang lyrics sa papel, kasi natatakot siyang pag umiyak siya baka malimutan nya ang words.

5) Cyber-bashing at Blog-bashing vs. Willie sa buong cyberdom, dahil sa comment niya sa motorcade ni Tita Cory.

6) The only head of state during the funeral was the President of East Timor, Jose Ramos-Horta. He said that the people of East Timor drew inspiration from Ninoy, Cory and the Filipinos for his countrymen's own struggle for freedom - thus breaking the protocol. Remember it is NOT a State Funeral.

7) Wala sa eksena si Enrile, ano?

8) Bakit ganun naman ang mukha ni FVR through-out the mass? Naiinis ba siya o Na-c-c-cr?

2 comments:

Che said...

Napansin nyo ba na parang pirming slightly open ang bibig ni Noynoy throughout the funeral/libing (parang nahihirapan syang huminga?)

Yung 10-min visit ni GMA (sobrang glum ng mukha at parang mamantika at di na-shampoo buhok nya)-- mukhang naiinis sya na naunsyami ang pagpaparada nya ng results ng Obama meeting dahil sa pagkamatay ni Cory...

Joey Marquez said...

Hmp. Bakit di ako imbitado?