Thursday, August 13, 2009

Tokyo Earthquake from Ia

"Hello po Tito Ido. :D Nabasa ko po yung question niyo po sa blog.

Thank you po sa pagkamusta :D

May dalawang earthquakes po kahapon, isa po nang 5am tsaka isa po nang 6pm. Meron rin po nung Sunday night.Nung Sunday po parang mahina lang po, gumalaw po yung mga gamit, pero po 7.1 na pala po yun sa Richter Scale.

Yung earthquake po kahapon nang morning, 6.9 po sa Richter scale, pero po mas matagal. Yung feeling po parang may tumutulak lang po sa chair. Pag po may earthquake ginagawa po namin lumalabas po sa pinto, nag-iistay po sa corridor ng dorm, medyo kakabahan po, after, balik na po ulit sa rooms. Pag po may malaking earthquake na nahuhulog po yung mga gamit, dapat po magtatago po kami sa ilalim ng desk.

Gumagalaw po yung building pero wala naman pong damages/cracks. Sanay na po sila sa earthquake kaya po designed na po yung building para sa ganung situation.

Safe naman po dito :D Ngayon po wala pong earthquake, pero po kung magkaroon po ulit, mag-iingat po ako. :D

3 comments:

che said...

Wow, sa maikling balita ni Ia ay gumamit sya (kung tama ang bilang ko) ng 37 na "po".

Napakagalang talaga ng mga batang PB :)

Buti naman safe ka Ia, siguro sinasabihan ka lagi ni Tatay mo ng "Ingat"!

Ninang Yet said...

Ingat ka lagi dyan.

We will always pray for you.

Ninang Yet said...

Ingat ka lagi dyan.

We will always pray for you.