Sunday, September 12, 2010

Banggaan

Isang araw, aksidenteng nasagi ng isang Vios ang isang guwapong-guwapong BMW.  Mukhang di naman sinasadya.  Huminto ang Vios.  Umandar ang BMW at sindyang sagiin ang Vios.  Bumukas ang bintana ng BMW, bumukas ang bintana ng Vios.  Sabi ng asa BMW, "Quits na tayo!", at nag-drive na paalis.

Ang estimate ng Toyota sa damage ng Vios ay 6,400 pesos.  Meron namang insurance, kaya participation fee lang ang binayaran - 3,700.

Ang estimate sa damage ng BMW ay 13,000 pesos.  Meron namang insurance kaya participation fee lang ang binayaran - 8,400.

Quits!

1 comment:

evot said...

quits na quits nga...hahaha...
eh barya lang naman sa driver nung BMW yung 8400...hehehe