Ano ba ang pagsisinungaling? Sa Ingles kasi, meron tinatawag na "White Lies". Eto yung, may naghahanap sa iyo, pero ayaw mo siyang makita o makausap, kaya papasabi mo na lang sa kasama mo sa bahay na umalis ka at di alam kung anong oras babalik.
Kung 3G ka na galing sa inuman, pag-uwi mo tinanong ka ng nanay mo kung uminom ka. Kung sinabi mong "di ka uminom", pagsisinungaling yun. Pero kung di naman tinanong, at di mo rin sinabi, OK ba yon? Pagsisinungaling ba ang di pag sasabi ng totoo kung wala namang nagtatanong?
Pag-sisinungaling bang matatawag kung maganda naman ang inensyon mo? Kung alam mong pag-sinabi mo ang totoong sakit ng isang tao, malamang atakehin siya sa puso, dahil sobrang taas ng blood pressure niya. Pag sinabi mo at intake siya, kasalanan mo ba yon? Pag di mo sinabi, pagsisinungaling ba yon?
Ang pagsisinungaling ba ay talagang masama o depende sa sitwasyon at intensyon?
No comments:
Post a Comment