Wednesday, September 29, 2010

Estimates PB 2G Asia Getaway 2011

Ayan, kumpleto na ang estimates per person para sa 2011 PB Outing.  Eto ang aming actual cost sa buong trip.

Singapore - Sentosa/RW/Universal Studios/City Tour
1.  Eroplano Round Trip  - 6,600
- nakamura kami ng plane fare.  matagal na rin kasing naplano.
- kung mas matagal pa, puwede itong maging mas mababa pa, mga

2.  Hotel - pinakamura ay S$66 a night - mga 2,200 pesos ito
- City Hotel ito dun sa Red Light District hehe. 
- Mga x4 kasi dun sa Sentosa-RW Hotel, huwag na dun dahil mahal

3.  Universal Studios - S$66, entrance o mga 2,200 pesos

Malaysia - Genting Highlands
Malamang magenjoy din ang PB sa trip na ito.  7 hours bus trip at 2 nights sa Genting.  Actually, sumakto ang trip namin sa Sale.

4.  Hotel and Bus Transpo - S$110 o 3,630 per peson.
- kasama na ang transpo dito
- kasama na ang hotel for 2 nights
- actually ito ang pinaka-sulit

5.  Cable Car - 4 Malaysian Ringgit which is 75 pesos
- eto yung magugustuhan daw ni Tito Jim =)

6.  Outdoor Theme Park - 66 Malysian Ringgit which is 858 pesos
- mura talaga sa Malaysia


ETO NA PO ANG COMPUTATIONS.   Mahal syempre, pero di naman sobrang mahal.  Pag pinag-ipunan kaya natin yan.  Di ko na sinama ang pasalubong, kasi iyon ang mahal.  Generally speaking, x3 ang gastos sa Singapore kumpara sa Malaysia.  Example:  ang souvenir na Shrek stuffed toy at 25Sing$ which is 825 pesos, di ba ang mahal.  Pero sa Malaysia, 25 din ito, pero Ringgit, which is around 300 pesos.

Again, ang mga estimates na presyo sa ibaba ay Sale at promo.  So kelangang planuhin ng matagal.  Kung mabilisan sobrang mahal.  Example:  ang hotel namin sa Sentosa ay naging ~9,000 pesos.  Syempre, pag konti ang oras mas mahal ang presyo.




Para sa mga 3G na nag-express ng interest sumama.  Eto ang 2 news:
Bad News:  Walang nagsabing puwede kayong sumama
Good News: Wala ring nagsabing di kayo puwedeng sumama
So di ko pa rin alam ang status nyo =)



8 comments:

evot said...

wow...ang mura nun huh...29960/person for 6days/5night SG/Malaysia trip kasi super complete package na... sana pwede sumama ang 3G basta sariling gastos ng 3G at walang hihingi sa mga magulang or sa tito/tita or sa kapwa 3G...hehehe

tita tetes said...

ilang days ba itong PB 2G Asia Getaway 2011??? at kela??? Interesado ako, sana maiayos ko ung sked ko...

che said...

Wow, parang matutuloy!!! Yehey!

Affordable naman talaga basta mapaplano ng maaga kasi makakakuha tayo ng promos :) Pag last minute kasi kadalasan nagmamahal.

Egay said...

Tito Ido, thanks for the estimates!!! Pwede na yan.
Sked na lng problema...kung klan at ilang araw.
If ever matuloy,eh pag nasa sentosa na kyo, dun na lng ako sama....mukhang di ako pwede 6 days mag-disappear...he he he

ido said...

oo nga tito egay. ang haba nga pala ng 6 days.

puwede rin. 2 days sentosa/singapore + 2 days malaysia. para 4 days lang. at makakamura ng 2 gabi.

Edet said...

Oo nga Ido, I think 4 days nga lang. Madyado matagal 6 days on leave. Baka wala na ko table pag balik ko. Please re compute, mas reasonable na yan, tapos mag confirm na mga sasama para schedule na natin.

Egay said...

Para tipid sa time, wag na isama Ocean Park, meron na dito sa Manila nun, mas maganda pa.

Basta wag kalimutan ang Sentosa/Universal Studios.

tetes said...

ido may estimate ka ba kung galing toronto-singapore-toronto? kahit isa lang ako sana may promo pa din...un nga lang basta depende kung kelan ang trip. Mahirap magbakasyon pag busy season sa work ko...i really maka-join ako this time...