Alam nyo bang may Formal Training na about "Be Happy". Medyo cynical nga kami nung una - kasi 200 kaming partners, tapos ang topic ay ito. Pero interesting naman.
Iyong kumpanya sa UK ay nag-aral ng 10 taon para suriin ang lagpas 500,000 na tao sa buong mundo. Ang topic: alamin kung sino ba ang Masaya at kung ano ang dahilan kung bakit sila masaya.
Di ko na-memorize ang mga sinabi, dahil nga exciting at di ako nakapag-notes. Pero eto ang mga naalala ko:
1) DI PORKET MAYAMAN, MASAYA NA
- Totoo raw na mas maraming mayaman (above poverty line) ang mas masaya
- Pero di ibig sabihin na ang mas mayaman ay mas masaya. Sa katunayan daw, ang mga mas mayayaman, di na masaya.
- Pero totoo rin na mas maraming mahirap ang hindi masaya (mga 80% daw)
2) HURRY SICKNESS
- Mga taong laging nagmamadali ay hindi masaya.
- Example niya, ang mga taong pumipindot ng "Close" sa elevator. Sabi niya kasi, ang mga mabibilis na elevators automatic nag-close within 0.7 seconds. Tapos iyon lang di mo pa mahintay =).
3) GARDENING
- 92% of people who does regular gardening are happy
- Galing ano? Di niya sinabi kung bakit dahil iba iba ang reason ng mga tao. Pero sa 50,000 daw na mga taong nag-garden na na-aral nila 90+ ang masaya. Ayos di ba.
4) MATAAS ANG SUWELDO, MASAYA?
- Di raw ganun. Di porket mataas ang suweldo, masaya.
- Pero 90% ng mababang suweldo DI masaya.
- So importante na OK ang suweldo para maging masaya. Pero pag tumataas ang suweldo HINDI ibig sabihin na mas masaya ka
5) SEX
- Sex makes a person temporarily happy. Sex does not make a person happy for a long period of time =)
6) RELIGION DOES NOT MAKE A PERSON HAPPY
- Ang personal spirituality daw ang source ng happiness
No comments:
Post a Comment