Tuesday, September 7, 2010

Kriza

Mahirap din sigurong maging isang nurse sa malaking pamilya.  Merong unwritten rule na maging nurse ka sa kung sino mang may sakit sa buong PB.  Nagiging automatic kang taga kuha ng blood pressure, at nagiging default kang first aid.

Naalala ko lang nung magka-cramps ang isang PB nung outing.  Syempre, Kriza to the rescue.  Nakakatuwa rin minsan - kasi ang buong PB mega-pakialam sa kung paano ba gagamutin ang cramps.  E si Nurse Kriza, e syempre magalang talaga so di talaga nya masabi sa mga nakakatanda sa kanya kung ano ang dapat (itaas ba ang paa o hindi?  hehehe). 

So sana masanay na si Kriza na masabi sa mga Tito/TIta/Lolo/Lola nya kung ano ang nagpag-aralan, maski di ito sang-ayon sa nakagisnan na.  OK lang yan, di naman mamasamain ng PB iyan.  Explain mo lang mabuti at makikinig naman kami.  Pag di sila naniwala, birahan mo na lang ng mga scientific terms ex. the hemoglobin traversing from the right aorta is blocked by a nervous congestion in the right tibia - in Tagalog, pulikat.  hehe

Wala akong maisip sa 2G at 3G na bagay or may natural inclination na maging nurse.  Tita Ate? huwag.  Ate Edith?  no!  Tita Yet?  please no.  Tita Che-Che?  patay ang pasyente.  Sa 3G naman, Karen?  mwa haha masisilaw ang pasyente sa Bulgari nya.  Camae, Dianne, Rap, Kevin?  No, please mahalaga ang buhay. 

Anyway, ako at ang buong PB malamang ay masaya na meron tayong nurse sa PB. At mas masaya tayo na ang ating nurse ay si Nurse Kriza.

8 comments:

che said...

Yeees thank you Kriza!!! Kumbaga sa awards night, deserve mo nga ang gawad parangal para sa libreng consultation, walang sawang pagpapayo sa mga matatanda, at pag BP sa PB! *Clap clap*

kriza said...

Thanks for the column Ninong Ido, I was really surprise hehe... I know that my knowledge is not enough, but I’m willing to study & share it so that I can facilitate other PB, specifically in emergency & first aid cases like what happen last time...I would like to say sorry to Karl, because I worsen the pain he's feeling that increases his anxiety... I do really love my profession, since I’m learning a lot while helping other people in need of my service as a nurse...Tita Che-Che it’s nothing, I’m happy when I do see patient especially my family got well… ^_^

Evot said...

Wow!!! English speaking...naiintindihan ba ng pinoy patient mo ang sinasabi mo english sa kanila kriza? Hehe

lola tyang said...

in tagalog , ano daw ?

ayo said...

nice 1 nurse Kriza! Agree ako sa blog. Habaan mo lang talaga pasensya sa mga pasyente mo lalo na sa mga PB patients, matitigas ulo hehe.

chanel said...

tentyu nurse Kriza for helping me cope with my cough. tentyu for the nebulization. hihi

Unknown said...

Agree, good job Nurse Kriza, thank you for all the help!

kriza said...

@tito ayo & tito jorge:opo mas hahabaan ko na lang po pasensya ko sa PB,saka love ko po kayo kaya extra tender loving care ang treatment ko po...
@chanel:wala yung baby chanel,kahit matagalan pa basta wag ka lang masydo iyak kasi para sa iyo naman yung e...love you baby chanel nicole!