Thursday, September 16, 2010

Greenwich, KFC, Jollibee

Nakakain ako sa Greenwich after a very long time.  Nagulat ako dahil ang mahal naman.  Lagpas 200 pesos ang binayaran ko para sa pasta and pizza.  Naaalala ko dati na pag ganun ang inorder mga 125 ang babayaran.  Kasalanan ba ni John Lloyd ito?  hehehe.  Baka mahal ang bayad sa kanya.

Is it me, or papangit ng papangit ang lasa ng KFC?  Bakit ganun na.  Iyong pagkakain mo parang merong sumasabit na mapait na lasa sa ngala-ngala mo.  But why?  Naalala ko dati na 2 lang ang KFC sa buong Metro Manila.  Eto yung malapit sa Bonanza along Edsa, before Munoz (pag galing ka ng Santan).  Naaalala ninyo?  Dati pag KFC, asa silver plate ka pa kakain.  Tapos tuwa pa kami nung nagbukas ang KFC sa food court ng SM Cubao.  Those were the nicer days of KFC. 

OK nga pala ang Jollibee Chicken Barbecue.  Na-try nyo na?  Di kasi maganda ang itsura nya sa personal e, pero OK ang lasa.  Kaso ang naalala ko ay ang Chicken Barbecue ng Cindy's.  Naalala nyo ang Cindy's?  "When you're hungry (ta ta ta ta ta ta), Cindy's is the place to be".  Ewan nga bakit namatay ang Cindy's, dami namang kumakain dun dati.  Sarap talaga ng barbecue dun - mapa chicken or pork.

No comments: