Na-delay ang flight namin ng 3 oras. So dapat asa Singapore na kami ng 9am, naging 12:30pm na. Pero OK na rin, pagdating dun check-in na kami kaagad.
Sa Sentosa kami nag-stay. Ganda ng hotel namin. Medyo mahal, so huwag na tayo mag-stay dun during the PB 2011 Outing, marami pa naman na OK.
Eto sa Lake of Dreams at Sentosa Park, katabi lang ng hotel namin
Merong mall sa loob ng park. Bagong bago nung June 2010 lang nagawa.
Day 1 namin sa Universal Studios. Kung pupunta ng Sentosa, e pumunta na dito
May kamahalan nga lang ang entrance sa Universal Studios. Kasing presyo ng hotel bale 66 SG$. So sa pesos, mga 2,200 pesos. Medyo mahal nga e, pero iyon naman ang isang major destination sa trip.
Wala po si Snow White dito o kaya si Mickey Mouse, kasi Universal Studios nga e. =). Andun si Woody Wedpecker.
Divided ang lugar into 8 areas - isa sa pinakamalaki ay ang Jurassic Park. Kaso ang haba ng pila! Andito iyong ride na pupunta ka sa jungle na maraming dinosaurs tapos didilim at ilalaglag ka sa mataas na parang logjam.
Eto ang aming naging favorite attraction. Ang live performance ng Waterworld. The best, mahirap ikuwento sa blog, pero para kang nanunuod ng pelikula pero Live ginagawa.
4D naman ang ride ng Shrek. Kakaaliw, maski pambata enjoy pa rin kami.
Kelangan ng picture with the Madagascar crew. Binili nga namin si Chanel ng Marty stuffed toy =)
At kung asa Sentosa ka, aba mag-RW ka na =)
Matindi sa Sentosa, ang escalator area ay mas maganda pa sa simbahan pag pasko.
The next day, bago kami pumunta ng Malaysia, lumibot muna kami sa area.
Mid-afternoon pumunta kami sa Sentosa Beach. Yes may bagong beach na sa Singapore! White-sand beach din naman - e paano galing sa Pilipinas ang sand (totoo po!). Tignan nyo naman ang pangalan ng beach.
Nung hapon, sumakay na kami ng bus for more than 6 hours - papuntang Genting Highlands, Malaysia.
5 comments:
same lang kaya yung palabas/story/ride sa shrek 4D at sa waterworld at sa Jurassic park sa Universal studios sa SG at sa LA? super ganda nga nung mga palabas/story/ride na yun. si charisse lang sumakay sa jurassic park na ride kasi mejo natakot ako sa taas ng babagsakan...hehehe...
meron din ba the mummy return na ride at Terminator 3D sa universal studios SG?
So tito ido eh limpak limpak nanaman yung points mo sa RW membership card mo?hehehe... sana magkaroon ng RW sa SF...
mukha ngang parehas ang rides sa LA at Sing. Nung nagpunta kasi ako sa Universal Studios e Back to the Future pa ang ride (1990's pa yun e hehe).
Unfortunately, tama ka Evot. POints lang ang dumami sa akin! haha
so parehos lang pala ang rides sa singapore at LA , san kaya makapunta , sino kaya maunang magyaya ?
paano ido yon get away ng pb sa singapore ? napuntahan mo na pala ? pasok ba yon propose budget natin sa singapore sa entrance pa lang mahal na pala .
yung entrance pala sa Universal Studios sa LA eh $100/person pero yung pumunta kami eh $50/person lang kasi meron nakuha discount yung pinsan ni charisse...
sige papa, pagnagpunta ka na sa US eh punta tayo sa Universal Studios at Disney Land at cyempre kasama na yung bagong apo mo nun...hehehe...
Sama ko dyan Jim ha!!!!
Post a Comment