Thursday, September 16, 2010

Internet Killed the Video Star

Napanood nyo na ang video ng Internet Killed the Video Star?  Limousines ang pangalan ng grupo na kumanta nyan.  Interesting kasi, maaalala nyo nung 80's meron namang banda (Gaga) na kumanta ng Video Killed the Radio Star.

Marami talagang patayang nagaganap ngayon - gawa ng technology, gawa ng innovation at gawa ni Henry Sy.

Pinatay ng Cellphone
1) Beeper.  Sobrang sikat nung 90's, ngayon patay na ang beepers.  Alam ko si Par at si Tito Egay meron nito dati.
2) Telegram.  Napadala ang huling telegrama sa buong mundo nuong 2008. 
3) Naghihingalo na ang Yellow Pages na papel.  Kaya dyaryo na lang ang pinapambalot ng tinapa ngayon.  Wala na gumagamit ng Yellow Pages, maliban sa patungan.

Papatayin ng Internet
1) Music Stores/CDs.  Well malapit ng mamatay.  Naaalala natin malamang na ang Music/1 sa Glorietta at Quezon Avenue ay 3 stories.  Ngayon 0.5 na lang.  Wala na rin ang Tower Records
2) Encyclopedia.  Dati di puwedeng lumagpas ang isang linggo na walang naglalako ng Encyclopedia.  Ngayon naka-imbak na ang mga mabibigat na librong ito sa glass cabinet =(.
3)  Bookstores.  Mga isang dekada pa siguro.  Pero pag laganap na ang Amazon Kindle at ang iPad, malamang school supplies na lang ang laman ng National Bookstore.  Kaya bili pa tayo ng books please!

Pinapatay ng SM
1) Robinsons!  hahaha.  Grabe naman ang SM kung asan ang Robinson's tinatabihan tapos pinapatay.
2) Maliit na Groceries.  Naghihingalo na rin ang mga Hi-Top at South Supermarket.  Tabihan ka ba naman ang Hypermarket at Supercenter.  Pambihira.
3) Mais, Scramble, Fishball.  Dito ako kinakabahan.  Kung nakapasok kayo lately sa SM, ang tindi talaga.  Meron ng nagtitinda ng nilagaang mais, bananacue at scramble sa gilid.  At di sya sobrang mahal.  Example, nilagang mais ay 10 pesos lang.  Ang bananacue 10 pesos din.  Sa labas, 8-10 pesos ang bananacue.  So para sa mga natatakot sa hepa, sa SM na sila bibili ng bananacue.  How sad.  Sana ma-realize ng mga tao na nakakapagpalakas ng katawan ang alikabok.

2 comments:

che said...

Na experience ko ang pager/beeper era, super cool ng pager nun dahil easily makakatangap ka ng message kahit nasan ka. Haha imagine compared sa wala -- di pa uso ang cellfone nun, pag may urgent message ka, antayin mo muna na magkita kayo face to face. di ko alam pano maimagine nila kacey faye ang ganung time.


Pinatay ng computer ang typewriter. Iba ang tunog ng typewriter, maingay, at walang formatting, mano mano. Naaalala ko pa ang brother typewriter namin nun. Mga ilang oras bago ka makapatpos magtype ng 1 page.


Interestingly, parang at sana hindi pa mawawala ang bookstore. Dahil for some reason kahit matagal nang available ang e-book, hindi pa rin obsolete ang printed books. Iba pa rin kasi magbasa ng totoong book. I notice na pati ang mas batang generation who like to read seem to still prefer to buy actual books...

ayo said...

video city din sikat dati, naghihingalo na ngayun