Sunday, December 4, 2011

Stage Parents

Last night sumali ang kumpanya namin sa Inter-Company Bowling Tournament.  Syempre kasama ako sa team.  Pag dating namin sa venue, grabe naman puros professional bowlers naman pala kalaban namin.

Ang nabunot naming unang kalaban ay tadaaan...mga teenagers!  ewan paano ba sila naging employees ng company.  Sabi nila mga COOs pala ang mga ito - child of owners, so part sila ng board.  Fine.

3 games at knock-out competition.  Game 1:  obviously lampaso kami.  Juice ko die naman sa galing ang mga batang ito.  Kaso meron isang bata na ang baba ng score niya (parang 141 ata).  So nilapitan siya ng tatay niya at pinagalitan (di ko naintindihan kasi bisaya), akala ko sasakalin pero parang inalog-alog.

Game 2: sobrang malas nila.  Di kami gumaling kasi ganun pa rin ang scores namin.  Sila ang sobrang baba.  Ang nangyari, lamang na kami ng 7 pins.

Eto na, nanay naman ang lumapit at pasigaw na may sinabi in bisaya.  Tinanong ko sa kaopisina ko na umiiling-iling lang.  Parang sinabi ata ng nanay na "pag di mo ginalingan humanda ka sa akin".

Nyeee!  ano ba yon.  e kami tawanan ng tawanan tapos ang mga kalaban naman ay dead serious.  At by this time umiiyak na ang bata.  At ang mga kakampi niya ay namumutla na rin.  Di ata sila makapaniwala na tatalunin sila ng mga amateurs.

Game 3:  Gumaling kami ng konti, at sila ay nagpatuloy-tuloy sa downward spiral.

In summary, we won.  Pero what an unforgettable experience.  Yung bowling ko ay forgettable hehe, pero ang makita na pinapagalitan ng nanay at tatay ang isang teenager dahil sa mababang scores e matagal siguro bago ko makalimutan. 

Saturday, December 3, 2011

Happiness - OFW version

Mukhang patok na naman ang bagong commercial ng Coca Cola - entitled Where will Happiness Strike Next (OFW version).  Sobrang sikat sa FB at Twitter.  Take a look...


Friday, December 2, 2011

22 Days

22 days na lang po before Xmas, in case nalimutan ninyo.  At lalong pang bibilis ang mga araw papalapit ng Dec 25. 

Kanina nga may nakikita akong nanga-ngaroling.  At una kong naalala ay si Ditse.  Paanong saway na naman kaya ang ginagawa niya sa mga batang pumapasok sa gate?  hahaha.

Tapos even dito, traffic is getting heavier and heavier everyday.  Malamang dahil ito sa mga tao na nag-no-novena sa mga malls.  Bukas meron ngang Sale sa Metro Gaisano.  Very interesting.  Kasi sa Manila pag December nag x2 ang presyo dito nag-sa-sale.

Ang medyo madalang dito ay mga Christmas decors.  I saw the christmas lights at PSE (Stock Exchange) sa Ayala Triangle Gardens nung asa Manila ako 2 weeks ago.  Grabe naman sa ganda.  Punta kayo when you get a chance.

Enjoy the next 22 days.

Mga sagot sa text

meron akong mga na-re-receive na mga texts galing sa PB.  share ko lang sa inyo ha =)

1) puwede wag ka na mag-comment sa program?

OK, sure.  E wala naman pong program e paano ako mag-co-comment?  hehehe

2) sino ang pinaparinggan mo nung sinabi mong ____ ___  ___________________?

Naman,  2012 na nga po next month, di na po uso ang mga parinig na yan.  At saka, di po bagay sa akin ang mga nagpaparinig.  Kaya ko namang sabihin diretsa lalo na kung mabuti naman ang objective.  For example, yung mga comments tungkol sa impersonification na yan, ay diretsa ko na ring tinext sa committee dating dating pa.  Kung nakinig lang sana sila dati...hahaha.  nagparinig pa.  ang kulit!

3) di ba mas mahirap mang-inis dahil asa Cebu ka na?

Akala ko nga dati ganun.  Pero mas madali pala, at mas masarap pa.  Kasi di naman kayo nagkikita.  So yun lang comment ka lang ng comment hanggang gusto mo.  Nakaka-adik pala. hehehe

4) so, ano na naman ang kaartehan mo at sinasabi mong di ka magigising sa pilahan?

haha.  well, si Tito Jim na ang magpapatunay sa inyo na nung isang PB Xmas na magkateam kami - na-miss ko ang 3 games ng Blue Team dahil di ako magising.  Nagsasabi lang naman ng totoo.  Di ko naman sinasadya, e sa di ako magising e.  Paano, 2am na nag-blo-blog pa ko.

5) alam mo parang walang gana masyado ang 2G pag sa mga meetings. at si ____ tinutulugan ang meetings

OH HEENDE!  at bakit naman kayo ganyan mga 2G.  Binoto-boto ang mga officers na yan, tapos wala kayong gana.  That is so unfair.  Ako nga di ko sila binoto, so ako ang puwedeng walang gana mwa haahaha.  Kayo dapat may gana.

Seriously, what is happening?  pero yun na nga kasi 2 kasi ang 50th bday this year.  so posibleng nagkaka-presentation at party fatigue ang aking mga pinsan.  Alam nyo namang tumatanda na rin sila. hihihi

Dec 1

Kung ang araw na ito ang indikasyon kung gaano magiging busy ang buwan na ito...anak ng tinapa, kelangan ng mag-red bull araw-araw.

Kanina kasi binisita ang opisina namin ng Ambassador ng US, yes si Ambassador Harry po.  So since ako in-charge sa buong opisina so ako ang responsible sa buong visit.  OK na ba ang pagkain, secured ba ang elevators, ilang guwardiya ba ang naka-station (the answer a grand total of 15).  Well inside lang yon. dahil meron pang 20 na pulis at security sa labas.

And of course ako ang kelangan mag-present for 10 minutes.

OK naman.  walang problema at mukhang na-impress si Ambassador sa amin.  Yun nga lang after the visit, wala na laspag na laspag na ako.  Daig ko pa ang nag-marathon ng 10k.  At siyempre di rin ako nakakain ng matino.  Ayun pala ang paraan para pumayat!  hahaha.  magtrabaho ng magtrabaho ng super intense, promise di ka tataba.  hehehe

Thursday, December 1, 2011

The Pila Formula

December na kasi so puwede ng pag-usapan ang pila.

Paano ba ang pinaka-OK na papila? 

1) Pantay-pantay ba dapat?
Ibig sabihin, for example kung 100 pesos ang papila mo.  Mula iyong di pa nag-aaral na bata e 100 ang pila.  Tapos maski yung college student e 100 pa rin?  Ganun ba?  E di ba nga iba ang baon ng elementary sa high school sa college, so ang pila ba dapat iba din?  ayon sa kung asan ka na sa school?

2) Rewardan ba ang matatalino at masisipag?
Tama ba na bigyan ang mga may achievement sa school ng mas malaki?  Well kasi nga nagpakahirap sila sa school?  E paano yung mga dota lang ng dota, o facebook lang ng facebook maghapon, dapat mas onti ang pila para sa kanila?

3) Yung mas nangangailangan?
Tataasan mo ba ang papila mo kung alam mo ang pumipila ay mas nangangailangan?  Good question, di ko alam ang sagot.  Ibig sabihin, maski elementary pa lang o di pa nag-aaral tapos medyo nakakaasar pa, basta nangangailangan e mas mataas ang pila?  Hmmm.  I don't know the answer

4) Favoritism?
Masama bang mag-favoritism sa pilahan?  Iyong tipong iyong iba e mas malaki talaga kesa sa iba.  Dahil ...yun nga walang dahilan.  E sa yun ang gusto mo e.  Ako ata puwede kong gawin ito, e wala pa naman akong anak so, care ko ba kung di nyo papilahin ang anak ko, e wala pa nga.  Magtampo man kayo sa akin, alalahanin nyo na lang ako rin ay na-itsapwera sa PB Outing sa December.  So all is fair.  mwa hahaha.

Well, di ko pa alam kung anong formula gagawin ko this year.  Di ko pa rin kasi alam kung magpapapila ako. Aba e gawin bang umaga ang pilahan! e alam nyo namang di ako nagigising ng maaga. So pag umaga ang pilahan, yehey ako ang pinakamasaya, mas masaya pa ako sa mga pumipila!  mwa hahaha.  Pero seriously, for sure wala ako sa mood mamigay ng pera sa umaga.  So kung mapilit kayong gawin yan sa umaga, don't tell me later you've been warned =).

Kayo paano?  Ano ba ang pinaka-OK?  At dahil bday ni Supremo Andres, ano ba ang pinaka-makatao at makatarungang pilahan?

Nov 30 ng PB

Tinawagan ko si Lola Maam, kanina, paano ang aming mahal na kapatid ay may binabalak na naman na bigla-bigla.  Hay naku, sayang di ako makakasama.

Anyway, bukod sa Piolo-KC break-up at sa paglipat ni Ate Shawie sa Channel 5 to the tune of 1 Billion pesos (bakit, ang talent fee ba ngayon ay por kilo na?  hahaha sabi po yan ni Superstarmarian, kilala nyo siya?), inaabangan ng PB ang mangyayari sa Nov 30.  So napag-usapan din namin ni Ma.

Sabi niya OK daw ang Fun Run.  Ang saya-saya nga raw.  Kasi nga ang daming PB na tumakbo at parang lahat nga excited.  Medyo na-late atang nag-start, pero ok naman.  Tapos bigla niyang sinabi na nanalo raw siya sa isang event.  Sabi ko, ha?  paano naman nangyari yon.  E kaya naman pala natuwa siya sa Fun Run e nanalo siya. at first place pa ata.  wahahaha.

Nanalo din daw ata sila Unyoy, Christian, Tita Helen, Tita Bhogs, Julienne.  Di ko na maalala kung sino pa ibang nanalo.

Tapos wala na nga raw palang impersonification (nga ba ang tawag dun).  Sabi ko naman, OK ang modern impersonation sa school o kaya sa office.  Kasi nga magkaka-age ang mga tao more or less.  Pero sa pamilya natin na ang ages range from 0 to 80+, e mahirap talaga yun.  Haaay salamat natanggal na yan.

Pero teka muna, kung wala ng MTV at wala ng personification, e ano ng mangyayari?  Ang balita, e mag-pe-perform daw ata ang mga 3G tapos manonood na lang daw ang 1G at 2G.  Tapos pilahan ay sa umaga na raw.   Hmmmm.  O sige, ipapagpaliban ko muna ang mag-comment.

Tapos lunch na nga raw.  Sabi ko, OK.

Tapos sabi ko anong mangyayari after lunch?  Di na ata ma-explain ni Ma.  Parang ang sabi niya ay WII at mga iba pang games.    Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.   Hahaha, teka saka na lang ako magco-comment.  Dahil inaantok na rin ako.  Maaga pa bukas.

At saka baka naman meron pang ibang mangyayari at di lang ganyan so napaka-premature naman na mag-comment.  For sure magkakaroon ng malaman na program ang PB Modern Christmas, di po ba? 

Puro Kain

4 days andito ang mga kaibigan kong galing Manila.  Ibig sabihin 4 days din ng kain. Mura nga kasi ng food dito e, relatively speaking.

Example:  nag-dinner kami nung Sunday sa Larsian's.  We had a total of 25 barbecue (7 ang sa akin doon), tapos 2 pusit, at 8 isaw (di po ako kumakain nun, at alam nyo ba ang cebuano for isaw?  gusto nyong malaman), tapos mga 15 na kanin na puso.  Grand total: 524 pesos.  O di ba, solve na solve.

Mura din dito ang scallops.  Ang picture sa ibaba ay sa STK ta Bai.  Ang scallops nila na 10 pieces ay 85 pesos.  So dahil nga mura, naging favorite na namin ito.  Look, 2 pang plate ng scallops ang order namin.
Usual naming order ay:  Tinolang Isda, Inihaw na Panga, 2 Scallops, 2 rice platter, Crabs na medyo chilli, Adobong kangong, at monggo.  Medyo mahal kasi dito dahil restaurant ito e - so 1,020 pesos =)



Interestingly, despite all the kains, I managed to lose 11 pounds.  Kita nyo naman ang aking katawan - modern!  pangbata hahaha.  I don't why - maybe because food here is relatively healthier.  (Di po kumakain kasi ng lechon o kaya chicharon).  Puwede rin dahil mainit dito.  O puwede rin na walang katotohanan na ang rice ay nakakataba =).  Di ko lang po sure.