Friday, December 2, 2011

Dec 1

Kung ang araw na ito ang indikasyon kung gaano magiging busy ang buwan na ito...anak ng tinapa, kelangan ng mag-red bull araw-araw.

Kanina kasi binisita ang opisina namin ng Ambassador ng US, yes si Ambassador Harry po.  So since ako in-charge sa buong opisina so ako ang responsible sa buong visit.  OK na ba ang pagkain, secured ba ang elevators, ilang guwardiya ba ang naka-station (the answer a grand total of 15).  Well inside lang yon. dahil meron pang 20 na pulis at security sa labas.

And of course ako ang kelangan mag-present for 10 minutes.

OK naman.  walang problema at mukhang na-impress si Ambassador sa amin.  Yun nga lang after the visit, wala na laspag na laspag na ako.  Daig ko pa ang nag-marathon ng 10k.  At siyempre di rin ako nakakain ng matino.  Ayun pala ang paraan para pumayat!  hahaha.  magtrabaho ng magtrabaho ng super intense, promise di ka tataba.  hehehe

1 comment:

Evot said...

wow...astig talaga ang ACN cebu...dati eh si gloria pumunta dyan at ngayon eh US ambassador naman.. ano ginawa nya sa acn cebu ofc?