Thursday, December 1, 2011

Puro Kain

4 days andito ang mga kaibigan kong galing Manila.  Ibig sabihin 4 days din ng kain. Mura nga kasi ng food dito e, relatively speaking.

Example:  nag-dinner kami nung Sunday sa Larsian's.  We had a total of 25 barbecue (7 ang sa akin doon), tapos 2 pusit, at 8 isaw (di po ako kumakain nun, at alam nyo ba ang cebuano for isaw?  gusto nyong malaman), tapos mga 15 na kanin na puso.  Grand total: 524 pesos.  O di ba, solve na solve.

Mura din dito ang scallops.  Ang picture sa ibaba ay sa STK ta Bai.  Ang scallops nila na 10 pieces ay 85 pesos.  So dahil nga mura, naging favorite na namin ito.  Look, 2 pang plate ng scallops ang order namin.
Usual naming order ay:  Tinolang Isda, Inihaw na Panga, 2 Scallops, 2 rice platter, Crabs na medyo chilli, Adobong kangong, at monggo.  Medyo mahal kasi dito dahil restaurant ito e - so 1,020 pesos =)



Interestingly, despite all the kains, I managed to lose 11 pounds.  Kita nyo naman ang aking katawan - modern!  pangbata hahaha.  I don't why - maybe because food here is relatively healthier.  (Di po kumakain kasi ng lechon o kaya chicharon).  Puwede rin dahil mainit dito.  O puwede rin na walang katotohanan na ang rice ay nakakataba =).  Di ko lang po sure.

1 comment:

che said...

bakit di tayo kumain dyan sa STK sa bai