Thursday, December 1, 2011

Nov 30 ng PB

Tinawagan ko si Lola Maam, kanina, paano ang aming mahal na kapatid ay may binabalak na naman na bigla-bigla.  Hay naku, sayang di ako makakasama.

Anyway, bukod sa Piolo-KC break-up at sa paglipat ni Ate Shawie sa Channel 5 to the tune of 1 Billion pesos (bakit, ang talent fee ba ngayon ay por kilo na?  hahaha sabi po yan ni Superstarmarian, kilala nyo siya?), inaabangan ng PB ang mangyayari sa Nov 30.  So napag-usapan din namin ni Ma.

Sabi niya OK daw ang Fun Run.  Ang saya-saya nga raw.  Kasi nga ang daming PB na tumakbo at parang lahat nga excited.  Medyo na-late atang nag-start, pero ok naman.  Tapos bigla niyang sinabi na nanalo raw siya sa isang event.  Sabi ko, ha?  paano naman nangyari yon.  E kaya naman pala natuwa siya sa Fun Run e nanalo siya. at first place pa ata.  wahahaha.

Nanalo din daw ata sila Unyoy, Christian, Tita Helen, Tita Bhogs, Julienne.  Di ko na maalala kung sino pa ibang nanalo.

Tapos wala na nga raw palang impersonification (nga ba ang tawag dun).  Sabi ko naman, OK ang modern impersonation sa school o kaya sa office.  Kasi nga magkaka-age ang mga tao more or less.  Pero sa pamilya natin na ang ages range from 0 to 80+, e mahirap talaga yun.  Haaay salamat natanggal na yan.

Pero teka muna, kung wala ng MTV at wala ng personification, e ano ng mangyayari?  Ang balita, e mag-pe-perform daw ata ang mga 3G tapos manonood na lang daw ang 1G at 2G.  Tapos pilahan ay sa umaga na raw.   Hmmmm.  O sige, ipapagpaliban ko muna ang mag-comment.

Tapos lunch na nga raw.  Sabi ko, OK.

Tapos sabi ko anong mangyayari after lunch?  Di na ata ma-explain ni Ma.  Parang ang sabi niya ay WII at mga iba pang games.    Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.   Hahaha, teka saka na lang ako magco-comment.  Dahil inaantok na rin ako.  Maaga pa bukas.

At saka baka naman meron pang ibang mangyayari at di lang ganyan so napaka-premature naman na mag-comment.  For sure magkakaroon ng malaman na program ang PB Modern Christmas, di po ba? 

3 comments:

che said...

Hello syempre naman no ang kalaban ni ma ay sila diche, at chanel, syempre panalo!

Darwin's Theory said...

ah ganun ba! hahaha so sya nga pala talaga ang mananalo. pero akala ko kasi dun sa 1.5 k siya nanalo, so ako ay namangha.

anyway, congratulations Ma and to all the winners

ma said...

ah hindi naman sa 1.5k d ko na kaya yun...500m lang nagkamali lang ng tawag nung awarding he he...kaya nga may nagprotesta eh. sabi ko naman aba ibinibigay ang award e di tanggapin!