(konsensya: e paano comment ka ng comment)
Ha ha. eto talagang konsensya, KJ. Eh kasi naman sa dinami-dami na puwedeng gawing theme, e modern pa ang naisip. Sana yung mas simple na lang. Kasi po, medyo mahirap gawing theme ang modern. Naisip ko nga sana ang theme ay "In" na lang. So parang "are you in this Christmas". Yun bang mga uso o sikat sa kasalukuyan. Kesa sa Modern na napakahirap talagang idescribe at lalo namang gawin.
Kasi halimbawa pag sinabing Modern lalo na sa technology, eto yung para sa mga trends na paparating pa lang. Yun bang mga hindi pa nangyayari. Kasi pag yung mga ginagamit na ngayon, contemporary na yun o kaya uso.
Example, modern technology pa ba ang iPhone. Ang sagot hindi na ano. Pero si Siri puwede pang tawaging modern, in the next 3 months siguro. Until ilabas na ng Samsung at Android ang bago nilang pantapat kay Siri.
Pero again, asa definition lang naman yan. Ano ba ang modern, e di let's look at examples
Nabanggit ko last time na bakit hindi mag-Angry Birds Live? Modern na at masaya pa. Well, I guess hindi na modern itong idea na ito. Dahil ...tadaaan. Welcome to the Angry Birds Theme Park in China.
O di ba, astig ng China! Pero kung modern = In. aba'y puwede pa rin.
Para mas ma-explain ng mabuti kung paano puwedeng gawin Modern, e tignan natin ang PAGKAIN.
Ang tinatawag na Modern Food preparation ay Molecular Gastronomy. Dumating sa Pilipinas ito 3+ years ago. Dahil wala pang kasunod na trend, eto pa ang modern for now.
Isasalang ang pagkain sa machine sa itaas, tapos lalagyan ng Liquid Nitrogen para ma-shock frozen ang mga ingredients. Pagkatapos, tadaaan.... eto ang itsura. Ang 5 na ingredients (say fish, vinegar, egg, salt, pepper) ay nagiging ganito...parang sago. Pero grabe sa lasa, at parang nag-e-explode sa bibig.
Ang problema, may kamahalan nga lang...so next example.
Eto naman ang isa pang tinatawag na modern preparation...ang Deconstruction. Example ang picture sa ibaba ay Kare-Kare. Pero para gawing modern, e pinaghiwa-hiwalay ang mga sangkap. Gagawing crispy ang baboy, na parang crispy pata na, hiwalay ang mga gulay. At ang sauce na sobrang malinamnam dapat ay hiwalay din. Ikaw ang maghahalo. Tadaan. eto ang Kare-Kare ng C2 restaurant.
Puwede ring tawaging modern food ang mga pangkaraniwang pagkain na iniba ang presentation. Tignan naman natin ang adobo. Para gawing modern - tustahin ng mabuti tapos gayatin na parang itsurang corned beef na. Tadaaan...Crispy Adobo Flakes. Lasang adobo, pero di na mukhang adobo - modern ba.
At kung iniisip ninyong mahal ang modern. E eto ang last Modern Food example natin. Ang squid balls. Ilagay sa shot glass at ang suka ay nasa loob. Pag hiniwa ang squid balls, lalabas ang pagka-linamnam na keso. so maghahalo-halo silang lahat. Sobrang sarap! mukha lang hindi. try ninyo.
So modern din ang pag-experimento ng mga lasa. Lalo na kung masarap.
So ayan po ang different examples ng modern
Following the concepts, paano kaya gawing modern ang wishlist at kris kringle? Ang pilahan? hmmm.
No comments:
Post a Comment