December na kasi so puwede ng pag-usapan ang pila.
Paano ba ang pinaka-OK na papila?
1) Pantay-pantay ba dapat?
Ibig sabihin, for example kung 100 pesos ang papila mo. Mula iyong di pa nag-aaral na bata e 100 ang pila. Tapos maski yung college student e 100 pa rin? Ganun ba? E di ba nga iba ang baon ng elementary sa high school sa college, so ang pila ba dapat iba din? ayon sa kung asan ka na sa school?
2) Rewardan ba ang matatalino at masisipag?
Tama ba na bigyan ang mga may achievement sa school ng mas malaki? Well kasi nga nagpakahirap sila sa school? E paano yung mga dota lang ng dota, o facebook lang ng facebook maghapon, dapat mas onti ang pila para sa kanila?
3) Yung mas nangangailangan?
Tataasan mo ba ang papila mo kung alam mo ang pumipila ay mas nangangailangan? Good question, di ko alam ang sagot. Ibig sabihin, maski elementary pa lang o di pa nag-aaral tapos medyo nakakaasar pa, basta nangangailangan e mas mataas ang pila? Hmmm. I don't know the answer
4) Favoritism?
Masama bang mag-favoritism sa pilahan? Iyong tipong iyong iba e mas malaki talaga kesa sa iba. Dahil ...yun nga walang dahilan. E sa yun ang gusto mo e. Ako ata puwede kong gawin ito, e wala pa naman akong anak so, care ko ba kung di nyo papilahin ang anak ko, e wala pa nga. Magtampo man kayo sa akin, alalahanin nyo na lang ako rin ay na-itsapwera sa PB Outing sa December. So all is fair. mwa hahaha.
Well, di ko pa alam kung anong formula gagawin ko this year. Di ko pa rin kasi alam kung magpapapila ako. Aba e gawin bang umaga ang pilahan! e alam nyo namang di ako nagigising ng maaga. So pag umaga ang pilahan, yehey ako ang pinakamasaya, mas masaya pa ako sa mga pumipila! mwa hahaha. Pero seriously, for sure wala ako sa mood mamigay ng pera sa umaga. So kung mapilit kayong gawin yan sa umaga, don't tell me later you've been warned =).
Kayo paano? Ano ba ang pinaka-OK? At dahil bday ni Supremo Andres, ano ba ang pinaka-makatao at makatarungang pilahan?
7 comments:
ako eh Im thinking na by age or school level(elementary, HS, college)...so ibig sabihin eh masmalaki ang papila for college students kasi masmalaki ang gastos nila sa school compare sa mga elementary at HS student... at cyempre meron din slight favoritism...hehehe
bka pwedeng gawin na after lunch or during merienda yung pilahan at exchange gift para lahat eh gising na at meron na energy magpapila at magpamudmod ng datung...
or pwedeng per hour or every 30mins eh meron nagpapapila at hindi yung sunod sunod yung nagpapapila... para pwede sa bandang gabi si tito ido magpapila...hehehe...
Mukhang walang suggestion yung mga pipila kung paano ang pila formula. wala ata sila ganang pumila.
Exag naman itong si Anonimus. I guess mahirap naman talaga ang formula para sa pilahan.
Sige nga , ikaw nga anong suggestion mo? hehehe
Ako, laging may plano. pero pag pilahan na, e nababago naman.
teka, ilan na nga ba pipila this year?
Ilan nga ba ang mga non-working/students this year? Pakitama in case may nalimutan ako.
1. camae
2. kat
3. kacey
4. aj
5. patricia
6. ivan
7. miguel
8. gab
9. meg
10.pia
11.unyoy
12. denniel
13. anton
14. rap
15. carl
16. tehya
17. mm
18. alex
19. ash
20. andrei
21. jc
22. joshua
23. julienne
24. ia
25. chanel
really sorry kung may nalimutan ako. pero 25 looks like a really nice number.
simple lang ang formula na yan , magpapalit ng beyte at sinong gustong pumila bibigyan ko .
maganda nga ata yung suggestion ni Evot na every hour me pilahan, wag tuloy-tuloy para iba naman. so parang whole day me pilahan hehe
Post a Comment