Friday, December 2, 2011

Mga sagot sa text

meron akong mga na-re-receive na mga texts galing sa PB.  share ko lang sa inyo ha =)

1) puwede wag ka na mag-comment sa program?

OK, sure.  E wala naman pong program e paano ako mag-co-comment?  hehehe

2) sino ang pinaparinggan mo nung sinabi mong ____ ___  ___________________?

Naman,  2012 na nga po next month, di na po uso ang mga parinig na yan.  At saka, di po bagay sa akin ang mga nagpaparinig.  Kaya ko namang sabihin diretsa lalo na kung mabuti naman ang objective.  For example, yung mga comments tungkol sa impersonification na yan, ay diretsa ko na ring tinext sa committee dating dating pa.  Kung nakinig lang sana sila dati...hahaha.  nagparinig pa.  ang kulit!

3) di ba mas mahirap mang-inis dahil asa Cebu ka na?

Akala ko nga dati ganun.  Pero mas madali pala, at mas masarap pa.  Kasi di naman kayo nagkikita.  So yun lang comment ka lang ng comment hanggang gusto mo.  Nakaka-adik pala. hehehe

4) so, ano na naman ang kaartehan mo at sinasabi mong di ka magigising sa pilahan?

haha.  well, si Tito Jim na ang magpapatunay sa inyo na nung isang PB Xmas na magkateam kami - na-miss ko ang 3 games ng Blue Team dahil di ako magising.  Nagsasabi lang naman ng totoo.  Di ko naman sinasadya, e sa di ako magising e.  Paano, 2am na nag-blo-blog pa ko.

5) alam mo parang walang gana masyado ang 2G pag sa mga meetings. at si ____ tinutulugan ang meetings

OH HEENDE!  at bakit naman kayo ganyan mga 2G.  Binoto-boto ang mga officers na yan, tapos wala kayong gana.  That is so unfair.  Ako nga di ko sila binoto, so ako ang puwedeng walang gana mwa haahaha.  Kayo dapat may gana.

Seriously, what is happening?  pero yun na nga kasi 2 kasi ang 50th bday this year.  so posibleng nagkaka-presentation at party fatigue ang aking mga pinsan.  Alam nyo namang tumatanda na rin sila. hihihi

No comments: