Last night sumali ang kumpanya namin sa Inter-Company Bowling Tournament. Syempre kasama ako sa team. Pag dating namin sa venue, grabe naman puros professional bowlers naman pala kalaban namin.
Ang nabunot naming unang kalaban ay tadaaan...mga teenagers! ewan paano ba sila naging employees ng company. Sabi nila mga COOs pala ang mga ito - child of owners, so part sila ng board. Fine.
3 games at knock-out competition. Game 1: obviously lampaso kami. Juice ko die naman sa galing ang mga batang ito. Kaso meron isang bata na ang baba ng score niya (parang 141 ata). So nilapitan siya ng tatay niya at pinagalitan (di ko naintindihan kasi bisaya), akala ko sasakalin pero parang inalog-alog.
Game 2: sobrang malas nila. Di kami gumaling kasi ganun pa rin ang scores namin. Sila ang sobrang baba. Ang nangyari, lamang na kami ng 7 pins.
Eto na, nanay naman ang lumapit at pasigaw na may sinabi in bisaya. Tinanong ko sa kaopisina ko na umiiling-iling lang. Parang sinabi ata ng nanay na "pag di mo ginalingan humanda ka sa akin".
Nyeee! ano ba yon. e kami tawanan ng tawanan tapos ang mga kalaban naman ay dead serious. At by this time umiiyak na ang bata. At ang mga kakampi niya ay namumutla na rin. Di ata sila makapaniwala na tatalunin sila ng mga amateurs.
Game 3: Gumaling kami ng konti, at sila ay nagpatuloy-tuloy sa downward spiral.
In summary, we won. Pero what an unforgettable experience. Yung bowling ko ay forgettable hehe, pero ang makita na pinapagalitan ng nanay at tatay ang isang teenager dahil sa mababang scores e matagal siguro bago ko makalimutan.
No comments:
Post a Comment