Lumabas na naman si Charice sa Oprah para kantahin ang first US single niya - Note to God. Ang composer nito ay si Dianne Warren at producer ay si David Foster. So astig na kombinasyon para maging hit single. Sila din kasi ang combinasyon para sa hits nila Whitney Houston, Celine Dion etc.
Tapos mag-guest ka pa sa Oprah para kantahin ang 1st single mo. Ayos!
Ang resulta...asa Top 5 na kaagad siya ng US iTunes Download. At siguradong papasok na ito sa Billboard Hot100 this week or next week.
Di talaga ako mahilig sa pop music. at medyo naaalibadbaran ako dito kay Charice - pag kumakanta laging dapat abutin ang pinakamataas - sakit sa tenga. Pero OK na rin at merong Pinoy na nakakapasok sa US charts at international scene.
Eto ang Top 10 as of 5/19.
1. Boom Boom Pow - Black Eyed Peas
2. Waking Up In Vegas - Katy Perry
3. Fire Burning - Sean Kingston
4. Note to God - Charice
5. I Know You Want Me (Calle Ocho)
6. Poker Face - Lady GaGa
7. New Divide - Linkin Park
8. Don't Trust Me - 3OH!3
9. Sugar (feat. Wynter) - Flo Rida
10. Halo - Beyoncé
3 comments:
akala ko si charisse tan (si cha) yung tinutukoy dito sa blog topic.hehehe...magaling din kasi kumanta si cha. =)
wow! sige cha, isip ka na ng kakantahin mo ha. di puwede nearness of you ha
nku wag po kayo mniwlA dyn ky evot.d nmn me mgaling kumantA..never kong nging talent ang singing..
Post a Comment