Yung mga resthouse po dito sa Karuizawa, mga bigtime na tao po sa Japan yung may ari. Usually po mga politicians tsaka po mga artista. Sobrang ganda po nung mga loghouses, tsaka po European style. Pangmayaman po talaga kasi rin po mahirap po pumunta dito, either by car lang po or shinkansen. Tapos po may trivia pa po na yung current emperor ng Japan tsaka po si Empress Michiko, first nagmeet sa tennis court po sa Karuizawa.
Yung main na pinuntahan po namin, street po ng ibang ibang shops. Nagandahan po ako dito kasi po yung mga shops, para pong luma tsaka cozy, tapos po ang dami pa po nila. Nakabrick pa po yung pavement. Pinakamaganda ko pong description dito, para po silang twenty na (Cafe) Breton na pinagtabitabi. Hehe.Maliban po sa madaming bakeries at coffeeshops (btw may trivia po ako regarding bakeries, later) - marami po ditong tindahan ng damit na sobrang sobrang mura.
Ang normal price po ay 1500 yen. Ang mura po na damit ay nasa 600 yen. Pero po dito may mga damit na 350 yen. Haha.May mga special stores po dito katulad ng isang sikat na restaurant ng homemade sausage.
Tapos po may special store ng honey na yung may ari daw po palagi pong nafeafeature sa TV kasi po parang professional na nagaalaga po ng bee siya. May picture po ako kasama nya. Yung mga artista daw po pinupuntahan po sya sa bee farm nya para po magpapicture. Naalala ko pala po may magaling po sya na ginawa - kumuha po sya ng isang maliit na bee, pinakagat nya po sa noo nya. Namatay po yung bee, tinapon po nya, pero po may naiwan na honeysa noo nya. Meron pong shop ng super super sarap na fresh caramel. Yung may ari daw po nun ang pinangbayad nya po sa house rental yung kinikita po sa caramel lang (para pong Rodick's story).
Tapos meron pong photo studio na nakaVictorian na damit po yung mga tao, ang galing.
Babalik po ako sa bakeries. May isa pa po kaming pinuntahan na significant kasi po yun po yung favorite na bakery ni John Lennon sa Karuizawa. In fact, Karuizawa po ang favorite place ni John Lennon sa Japan, and madalas daw po sya dun. May picture rin po ako nung bakery. 〓
Pumunta pala po kami sa Karuizawa by car. May kasama po akong dalawang tita na pinsan naman po ni nanay, tsaka po yung anak po nung isa sa mga tita ko po. Nasa Gunma po kasi sila, na malapit po sa Karuizawa, tsaka po meron po silang kotse kaya po medyo madali. Nung naisip ko po na gusto ko pong bumalik sa Karuizawa, tiningnan ko po yung shinkansen fare galing Tokyo- 5000 yen po nang one-way. Ang mahal po masyado. 〓
Isa pa pala po - pumunta po ako sa Gunma kasi po bakasyon po kami ngayon. Golden Week po ngayon - series po ng Japanese holidays (Green Holiday, Children's Day, etc) hanggang Wednesday po. Yung mga kaklase ko po mostly sa Yokohama po pumunta.All in all (in nihonggo translated: "Zen bu de") Karuizawa po yung nicest place na napuntahan ko po sa Japan. Hindi naman po sya yung klase ng lugar na culture/history-laden (na maganda rin po) pero siya po yung klaseng lugar na maganda po yung pakiramdam mo kapag po naglalakad ka po dito.
Tito Ido pwede mo po ipost ito sa blog. Isesend ko rin po yung photos.Yehey. Sana po naentertain po kayo sa kwento ko and sana po naanswer po yung question nyo.
-Ia
Fondue Party in Tokyo
Fondue Party in Tokyo
5 comments:
anak, kung saan saan ka na nakakarating! samantalang dati ni hindi ka marunong tumawid.=)
haha. natawa ako dito. given na wala pang 1 month, mukhang malaya po mararating ni ia-san.
Nice Ia! Thanks for sharing!
Actually para ngang European street ito, so ibig sabihin ba ay ang Japanese rich and famous tend to be less traditional Japanese and more Western in taste also?
Anak, napanood ko nga yung mama na may bee sa guiness dati, tama. Galing ni anak, inggit si tatay.
Ingat anak!
ganda ng blog ni Ia, kakainggit!
buti naman at enjoy ka dyan Ia.
Tama yan, pag walang school... relax lang at magtanggal ng stress.
Post a Comment