Monday, May 4, 2009

Random Thoughts May4

- Marami nagsasabi na panis si Hatton. We have to remember na 1 pa lang ang talo ni Hatton, at ang dami nyang KO win. So di ata panis si Hatton. Sobrang galing lang talaga ni Manny. Muntik na palang itigil ng referee ang laban nung 1st round.

- Dumating na raw si Tito Boyet ng Sat night, pero sobrang gabi na. Wala pang reported sightings kay Tito Boyet so far. So ang 1st magpadala ng picture nila taken with Tito Boyet, wins a Starbucks gift cert. (Except of course for Tita Rhoda, Di, AJ, Pat at Ian).

- Thanks Tita Eyan for the revelations. So may taga- St.Therese na3rd na pala si Unyoy. Ang bangis, kakalipat pa lang. Si Carlo pala e medyo loyalist type-kasi taga-Calamba pa rin ang gf niya.

- Thanks din Alex for the Canadian revelations. Pero parang di ata naniniwala ang PB na walang gf si Popoy. Popoy?

- Oo nga pala, may gf nga pala si Kevs at matagal na nga pala sila. Sorry Kevs. Cinompare ko nga pala siya kay Kriza dati. Ewan kung compliment yan.

Naalala ko lang dati, tine-terrorize ng PB ang mga manliligaw at ang mga nililigawan ng 2G. Si Par ang pinakamatindi. One time may nanliligaw kay Ate Vicky, e merong handaan. Grabe pinakain nya talaga ng sobrang dami. "Naku, pag di mo kinain yan, magagalit si Tiyang, Lola Maam, Loli, Nanay, Ditse". So kain naman ang loko, malamang naimptaso yun! kaya ayun si Tita Vicky Sr. na ngayon.

Si Tita Helen e dumaan din sa terrorism na ito. Nung first time syang pinakilala sa PB, e pinakanta ba naman siya ni Par. Honestly, kinakabahan ako kung 1) mapapahiya ba si Kuya Jorge or 2) si Par ang mapapahiya pag di kumanta si Tita Helen. Pero ako'y nagkamali, dahil kakanta naman pala talaga si Tita Helen, kahit walang minus one.

Question: Anong kinanta ni Tita Helen nung first time nyang Meet the PB? The winner gets Starbucks na naman.

Ang initiation ni Tita Dang ay medyo matindi din. Paano ba naman, merong GF si Tito Egay nun ano, at kelan lang. Tapos ilang linggo lang ang lumipas...tadaan, may bago na hahaha! So dito nagsimula yung "Ah siya ba iyong taga-Laguna?" (which is tama naman), "Hindi. siya yung taga Ilocos" (nice, tama pa rin), "Hindi siya iyong taga-Maynila (Tumpak pa rin). So mahusay talaga si Tito Egay pumili ng gf na maraming bahay.

masyado pa kong maliit para maalala ang PB INITIATION ni Tita Bhogs at Tita Vangie. Pero ang alam ko e merong IYAKAN Ceremony for both. (para intriguing)

9 comments:

ayo said...

hula ko sa kinanta ni Ate Helen:

Reflections (theme song from Pocahontas) "Who is this girl I see, staring straight back at me. When will my reflections show, who am I inside?

evot said...

tito ido, ano naman ang initiation ni charisse sa PB?

Cha, paano ka ba nainitiate sa PB? hahaha... =)

charisse said...

Hahaha...Parang medyo nkaka-relate nga ako sa terrorism na 'to. hahaha... Actually, nung una kong na-meet ang Lising family si Lolo ang unang nakakita saken tapos ba naman napagkamalan yung isa naming friend(Elen) ang GF ni evot kasi maganda eh. Tapos wow mali nga si Lolo ako pala. And then, for what I remembered meron big party din yun nung si Tito Ido eh medyo nagpatama sa isa sa mga Lola about sa ken.hahaha...Yaw ko na mention pero I think 'lam na nila yun. Pero masasabi ko lang talaga at first kong nakilala itong family na 'to nkktkot kasi ang dami nila eh but, when u get to know them better, tlgang masaya sila and maging proud tlaga kau to be part of them...

egay said...

hula ko sa kinanta ni Tita Helen- "The Nearness of You".

che said...

Oh my gosh naunahan ako ni tito egay

ido said...

Congratulations kay Tito Egay! Tumpak. Tita Helen, libre mo kaming tatlo ng cofee (Tito Egay, Tita Che-Che at me). Di namin nakalimutan ang kanta mo from 20 years ago =).

Promise ha. =).

egay said...

Pwede bang sa Starbucks Singapore claim yung coffee natin? ...Tokyo? k lang din.

jorge said...

Ay naku, yang "Nearness of You" theme song namin yan. Ngayon, gusto ko nang baguhin, "Far Away" na lang kaya.

Helen said...

sa totoo lang, si jorge ang nagpakanta sa kin nun, bulungan ba naman si Par.

To tatay (jorge): sus! kung di ko pa alam, ayaw mong lumayo sa kin nun, kaya "nearness of you" ang pinagpilitan mong theme song natin. kung ako lang, kahit "bawal na gamot" ok na!

To Tito Ido, Tito Egay, and Tita Che2: re coffee: oo naman! natandaan nyo talaga!! ako nga kinalimutan ko na yun e. =)