Wednesday, May 6, 2009

Trabaho



Pag mahirap ang buhay, marami ang kumakapit sa patalim. Maski na anong trabaho, pinapatos. Pero, meron bang trabaho na ayaw ninyong gawin? Mararangal na trabaho, syempre. Pero ayaw pa rin. eto sabi sa internet. Kayo, alin ang sa inyo?

1) Tagalinis ng Poso Negro - sabi sa Jessica Soho, meron talagang nag-dive sa loob para tanggalin ang bara. Inaaay.

2) Basurero - di ba?

3) Taga-turok ng Lethal Injection bago mag-silya elektrika

4) Elevator Operator - lalo na kung sa SM Sta. Rosa. Di ba 2 floors lang naman dun. Parang ang corny naman.

5) Foot Powder and Deodorant Tester - aamuyin mo kung effective ba? You like?

6) Security Guard =)

7) Taga-linis sa Motel - hehe, parang kadiri

8) Taga-xerox

9) PR Man ni GMA - hehe. Parang di ka na mapupunta sa langit (kung meron man)
10) Taga-kuha ng ebak ng mga hayop sa zoo/farm


Ano pa?

3 comments:

ayo said...

sparring partner ni Pacman! zzzZZ

taga pakain ng leon sa zoo!

binabato ng kutsilyo sa circus, naka blind fold ang bumabato!

ayo said...

eto pa pala:

taga make-up ng bangkay o embalsamador. kaya nyo?

Helen said...

Eto siguro, the best:

Una, yung tagatikim ng pagkaing para sa hari para malaman kung may lason o wala.

Pangalawa, yung tipong pang "Last Emperor" movie, taga-amoy ng dumi ng hari sa arinola para malaman kung nag-e-lbm ba siya o may sakit.

Puwedeng sabay na ginagawa ng isang staff 'to, para multi-tasking.
=)