Saturday, May 16, 2009

Kaliwete

7-10 percent pala ng mga adults ang left-handed o kaliwete. Saka mas marami palang lalaki ang left-handed kesa sa mga babae.

Nung unang panahon, persecuted ang mga kaliwete, dahil nga sa paniniwalang ang kanan ang tama at ang kaliwa ay para sa demonyo. Siguro din kaya konti lang ang lumaking kaliwete, kasi nga pinilit nilang maging right-handed, para hindi alaskahin ng mga tao. Ang persecution (pang-aapi) ay laganap sa buong mundo - Europe, Americas at lalo na sa Asia.

Nung nakaraang 10 taon, mas dumarami na ang mga left-handed. Actually, sa ibang bansa meron ng mga tindahan para sa mga kaliwete. Example: Notebook na di spring. Kasi imaginin nyo na lang kung kaliwete ka e di gasgas ang kamay dahil nakakatang sa spring. O kaya naman sa mga mugs - pag kaliwa ginamit mo, di na makikita ang design.

Alam naman natin ang mga successful left-handed people:
Bill Clinton at si current Pres. Barack Obama
si Bart Simpson =)
Kurt Cobain, Phil Collins
Tom Cruise, Julia Roberts
at si Paeng Nepomuceno

Nag-uusap nga kami ni Ayo kung sino ba sa PB ang kaliwete?
Tito Jim
Tito Egay
Kevin
Tita Eyan (parang puwede kaliwa, puwede kanan mag-drawing ata)
Alex (di ko alam ito a)

Meron pa kong nakalimutan?

2 comments:

Anonymous said...

c alex po kaliwete

ayo said...

si Siony din kaliwete