Friday, May 15, 2009

Starstruck

Di ko pala nakuwento na nakita ko si John Lloyd sa GB2. Kumain kami sa Masas, tapos kasama nya ata mga manager nya at mga kaibigan nun. Office day yun e lunch time. Kakatawa, talagang naka-shades pa siya, cap at jacket na tinatago ang mukha nya. Akala ata nya pagkakaguluhan sya ng Makati Lunch Crowd. Diyos ko die!

Si Maricel Soriano naman kita namin sa Nu-Vo, GB 2 din. Kasama nya iyong anak nya at 2 pang taong di ko kilala. Pero siya astig, kasi sa labas talaga siya kumakain. Lunch din yon e. Sobrang daming dumadaan, ang daming tumitingin pero alam naman niyang behaved ang Makati GB crowd hehe.

Pero nung minsa na-starstruck ako kay Jett Pangan! Haha. iyong vocalist ng The Dawn. Nag-yosi kasi ako sa may balcony ng Shangri-la. Tapos lumapit siya at nakisindi. Nahulog ko talaga ang lighter sa gulat hehe.

Si Ryan Agoncillo, madalas namin makita dati. Siya kasi ang may-ari ng 6 Underground sa Palanca (Makati din). Kaso, nabubuwisit kami sa kanya dahil pinabagsak niya ang paboritong bar namin.

Ang pinakamagandang nakita namin si Mylene Dizon. Grabe kakaiba talaga, saka mapapatingin ka sa kanya.

No comments: