Monday, September 28, 2009

Akala

#1)  1-day after kasagsagan ng baha dahil sa bagyong Ondoy, nagdagsaan naman ang tulong.  Kaso nag-piyesta ang internet at ang Facebook sa isang kakaibang tulong...

"Akala mo tulong, yun pala campaign."






#2)  Habang nag-iikot si Gilbert Teodoro at GMA nung kasagsagan ng baha, iisipin mong ang pamilya Arroyo ay tumutulong din sa relief operations.  After all, many of them are government officials.

Eto galing sa Facebook, at ang caption ay ganito:

“Was buying food for keeps… then we saw Mikey Arroyo in Rustans Liquor Section asking the salesman for a brand of hard alcoholic drink. &$%*^@ Crazy! Just a few kilometers away from Katipunan, people are needing help for search and rescue, and there he was buying bottles of alcohol. See for yourself and tell me what you think.”"


Akala mo affected siya sa mga scandals ng pamilya nila???



3)  Pati pala Bulacan ay sobrang affected ng baha. So, nagpunta si Tita Edith kila Tita Rhoda sa Mecauyan para tumulong. Kasi yung baha sa loob ng bahay naging putik, so mas mahirap linisin. Habang nagwawalis si Tita Edith sa labas, meron humintong magarang sasakyan. Ibinaba ng may-ari ang bintana ng sasakyan at sinabing “Ne, konting tulong para sa inyo”. Aba siyempre kinuha naman ni Tita Edith ang relief goods.

Actually meron pang isang humintong sasakyan. Pansit naman ang binigay, at siyempre kinuha ni TIta Edith. Ewan nga bakit binigyan pa nila si Tita Edith, e sa itsura pa language mukhang milyonarya na! haha.

Akala mo kasambahay yun pala milyonarya.

4)  Syempre sobrang devastating talaga ang damage ng Bagyong Ondoy.  Pero sobra akong natutuwa na marami pa ring Pinoy na positive ang disposition at outlook sa buhay despite what happened.

CNN headline the past 2 days was:  Philippine death toll rises after floods

Pero today ang bagong headline ay:   Philippines flood survivors count blessings
Akala mo down na, yun pala positive pa rin.
 

4 comments:

che said...

Sino yung nakalagay sa styro, di masyado mabasa?

haha nakakatawa naman re yung Tita Edith. But nakakatuwa naman na talagang madaming nagbbigay.

Helen said...

Si Villar pa!! Lahat yata ng ginagawa nyan pangangampanya.

Sa opinyon ko lang kay Villar:
Kung successful ka ng negosyante at isa ka sa mga pinakamayaman sa bansa bakit ka pa mamumulitika, kundi ba naman..

Kung ang hangarin mo ay tumulong sa bayan, kahit negosyante ka naman pwede mong gawin yun. tsk, tsk, tsk..

Sa relief centers maraming nagbibigay ng tulong na hindi na nagpapakilala..

Helen said...

Sa pagbabasa ng dyaryo, makikita natin maraming bumabatikos sa gobyerno sa panahon na 'to. (Si Loren, KMU, atbp) Hindi na lang manahimik at tumulong.

Palagay ko sa panahong ganito, tulungan na lang. Wala ng batikos. Kahit malalaking bansa pag ganito ang inabot mabibigla din.

Mas mabuti pa ang mga ordinaryong tao, tumutulong na lang at nagbibigay ng walang sinasabi, di ba? Katulad si Tita Edet na nagwalis pa :) atsaka yung mga nagbigay ng pansit at relief goods sa kanya.:)

agri said...

agri ako ke tita helen. sa panahon ngayon dapat magtulungan. Puwede ring mangbatikos, pero saka na yan, dapat tumulong muna. Dami pa rin lugar na baha. Imbes na mambatikos, magpadala ng tulong o tumulong.