OK Naman pala si Lolipot. Medyo pasaway pa rin at kain ng kain ng kung anu-ano.
Lalabas na siya bukas. Gusto na rin niya. Yun na nga lang, kelangan nyang ipasa ang Memory Test at and Spelling Test. Sabi ko na sa inyo may scientific relevance and mga spelling contests.
Medyo marami palang komplikasyon kaya ang hirap mag-prescribe ng gamot. Gagaling ang isang parte pero maaapektuhan naman ng isa. Lahat ng tests nagawa na raw nya - including MRI na sabi ni Miguel ay Magnetic Resonance (shucks! nakalimutan ko ang I). Imaging pala! Kinukuwento nga ni Tita Pin ang ginawa sa kanya sa MRI - na parang na-hypnotize daw siya. Tulog daw siya, pero nakakasagot siya sa mga tanong ng doctor. Shinampoo daw siya at kinabitan ng mga 6 na cable sa ulo niya. Pina-taas ang kilay niya at pinangiti.
Apparently, hindi naman ganun nawala ang memory niya.
Pero gusto ata ng duktor na di niya mawala ang detalyadong memory ni Lolipot, kaya meron siyang memory tests halos araw-araw. Ang medyo problema raw niya ay sense of balance. Di siya makalakad ng diretso sa isang guhit.
Medyo sumablay nga lang pala siya kanina sa Sugar Test - mataas ng konti. Kasi nga pasaway po di ba?
Anyway, overall OK naman si Lolipot. Sana lang kung makalabas nga siya bukas from the hospital, e talagang magpahinga na siya.
No comments:
Post a Comment