Thursday, March 4, 2010

Birth Order Psychology

Kinailangan natin ang 4 na posts ng Panganay, Gitna, Bunso at Only Child - para sabihing hindi totoo ang mga ito.  Korek!  matapos nyong basahin ang pagkahaba-haba e di naman pala totoo.

Op kors, maraming nakasulat dun ay tama.  Pero marami rin ang mali.  Ang pag-uugali ata ng tao ay walang kinalaman sa kung siya ba ay unang pinanganak, pangawala o bunso.  Baka may kinalaman pa kung paano ka pinalaki, saan ka lumaki, saan ka nag-aral, nagtrabaho etc.

Tayo nga PB na, e wala pa tayong makuhang pattern sa pagkaka-pare-pareho o pagkakaiba. 

Pero at least interesting na basahin at intindihin di ba?

1 comment:

Che said...

Korek! Sa palagay ko ay panganay ang psychologist na sumulat dahil parang partial sa panganay, at parang inis sa bunso...hehe

Pero ayon sa PB poll, pinakamababait talaga ang mga bunso :D