Monday, March 1, 2010

Paborito ni Tiyong

Sobrang daming rebelasyon kahapon sa birthday ni Tiyong.  Sobra akong nagulat sa kung sino ang mga bagong kabati ni Tiyong.  Nabalitaan ko kasi na parang kelan lang ang mga ibang pag-aaway na iyon.  Very good give peace a chance.  Having said that...parang meron na naman palang bago si Tiyong hahaha.  Yoko na ilagay dito kung sino.  Puwede mag-effort naman kayo mag-research.

Tapos during the speeches, walang patumanggang dineclare ni Tiyong na si Tito Jorge na pala ang paborito nyang anak hahaha.  Naging speechless si Tito JIm , kasi akala niya siya ang favorite.  At least si Ate Yet di na niya iisiipin na siya ang favorite ni Tiyong mwe hehehehe.  Paano naman di magiging paborito si Tito Jorge, e ginaya kasi niya kahapon ang regalo ni Tita Edith kay Camae nung Debut - yun bang i-i-ispell ang pangalan tapos bawat letter ay may katumbas na money of a different currency.  E di ba ang haba ng pangalan ni Tiyong Alberto S. Lising JR.  Kayo na ang magregalo nyan kay Tiyong!

Di naman sinabi ni Tiyong kung sino ang favorite nyang pamangkin.  Although si Ate ay nag-claim na siya raw yun.  Hula ko hindi, kasi di naman sumang-ayon si Tiyong (haha mang-intriga pa ba?).  Ang alam kasi ng PB si Ate Edith ang paborito ni Tiyong.  Kaso kahapon, iniisip ng iba na malapit na itong mapalitan ni Tito Egay.  Wow, di ba? 

No comments: