Thursday, March 4, 2010

Pangalawa

Tignan naman natin ang Pangalawang anak.  Galing nga pala ito sa ChildDevelopmentInfo - na isinalin natin sa wikang Pinoy.

Ang mga pangalawang anak sa PB ay sina:  Nanay, Tito Par, Tito Boyet, Tita Yet, Tito Ayo, Kriza, Camae, MM, Gab, AJ

- Ang siste, ang pangalawang anak ay puwedeng maging Sobrang Successful at Sobrang Pasaway.  So madalas extremes
- Tandaan na meron syang kapatid na mas matanda o mas advanced.  Ang pangalawang anak obviously ay merong hating attention ng mga magulang
- Puwedeng maging competetive.  Gustong i-overtake ang kuya o ate.  Pag nagtagumpay dito, ang pangalawang anak ay magiging sobrang successful.  Pag hindi, hmmm malamang na maging sobrang pasaway =).
- Madalas opposite ng panganay.  Kung ang panganay ay "good", malamang ang pangalawa ay "bad".  Kung panganay ay salbahe, malamang siya ay mabait.
- Madalas ay rebelde
- Hindi mahilig sa "position" o di masyado nagpapahalaga sa importansya ng position sa trabaho o sa eskuwelahan.
- Siga sa magkakapatid, may tendency na i-bully ang mga nakababatang kapatid

3 comments:

camae said...

hahahaha. natawa nman ako dito tito, lalo na dun sa i-bully kapatid. ang di lang po totoo dyan ay ung rebelde, haha

Darwin's Theory said...

ah talaga camae, marami bang tama dito? kinopya ko lang ito sa isang child psychology site. hehe

tetes said...

tito ido si popoy di pangalawa...sya ung panganay so dapat si mm dito...parang para sa kanya ung iba dito...hehehe!!!