Thursday, March 4, 2010

Pangatlo, Pang-apat, Panggitna

Tandaan, Pangatlo o Pang-apat ka kung meron ka pang kapatid na mas bata.  Otherwise, ikaw ang bunso - iba raw iyon.  Gets?

Sa PB eto sila:  Lola Tiyang, Lolipot, Sr. Vicky, Tito Egay, Tita Eyan, Meg.  Hmmm puro girls except for Tito Egay - interesting.

- Marami dito ang nag-iisip na "Life is Unfair"  (grabe naman ito!)
- Pakiramdam madalas sila ay wala masyadong karapatan
- Mahilig makipag-away sa mga kapatid (hahaha!), maski na anong bagay maliit o malaki
- Magaling makipag-kapwa tao(except sa mga kapatid).  Magaling mag-adjust.  Pala-kaibigan.
- Kapag successful, magiging mahusay na Manager, CEO, o taga-pamahala ng mga tao
- Kapag hindi, mega-pasaway.  Pasaway pa ito kesa sa Pangalawang anak.

Ewan kung totoo ang mga ito.  Kayo na po ang magsabi =)

No comments: