Marami ang nagulat dahil sa Special Guest ni TIto Jorge during the Pizza Party. Yes! Andito nga si Ia, for a couple of weeks. Wala na kasing pasok. So andito siya hanggang April 1. April 1 babalik na siya ng Japan.
Magkatapat kami ni Ia sa table. So sa pagitan ng mga subo ko ng pizza, nakapagkuwentuhan din naman ako. hehe. Marami nga kami napagkuwentuhan ni Ia. Kaso nga itong si Ashlie e pasaway din, at ang sarap nga ng pizza, so ang daming interruptions. Pero eto ang napagkuentuhan namin.
SALITA
Magaling na pong mag-Nihonggo (o Japanese) si Ia. In fact, ang usap nila sa klase ay Japanese na nga. Tinanong ko nga siya kung nanunood na siya ng sine in Japanese - the answer is yes!
UNIVERSITY
After ng isang taon sa pag-aaral ni Ia ng Japanese, mag-a-aral na siya ng kursong Economics sa Shiga University. Ito raw kasi ang ni-recommend ng teacher niya. Nalimutan kong itanong kung sa Otsu campus ba siya o sa Hikone. Malamang sa Otsu, kasi may lake dun. Sabi ni Tito Jorge, in his next visit, mag-fi-fishing siya.
Ang Otsu ay paboritong tambayan ng sikat na poet na si (Matsuo) Basho. Naging inspirasyon malamang niya ang lake sa kanyang mga Haiku (mga tula). Kilalanin ninyo si Basho ha? Mahusay talaga siya, at isa nga sya sa paborito kong poet.
MAG-ISA
Tinanong ko si Ia, kung nagluluto ba siya. Ang sagot niya ay isang matamis na ngiti, at sinabing bumibili po. Hehehe. Sabi ko kasi sa kanya, isa sa mga problema ng mag-isa ay ang pagkain. Minsan nakakatamad ng maghanda ng pagkain - dahil nga isa ka lang. Pero kung bibili hehe, ayos yun! at least lagi kang may pagkain.
PERA
Ang yen pala ngayon ay halos kalahati ng piso. Ibig sabihin 500 Yen = 250 Pesos. (tama ba ito, Ia?). Tinanong ko kasi siya kung magkano ang sushi at sashimi dun e. Iniisip ko kasi na baka sobrang mura dun. Parang hindi naman pala sobrang mura, pero at least sashimi di naman sobrang mahal, compared sa ibang lugar.
CLASSMATE
Kinuwento rin ni Ia na (syempre) ang mga classmates niya ay foreigners. (Parehas lang tayo kung di nyo naisip kaagad yun). Di ba nga, language class iyon, so wala siyang classmates na Japanese =). Meron daw siyang classmate from Mongolia at Romania, at kung saan-saan pa. Pero nag-iisa raw po siyang taga-Pilipinas.
POCKY
May pasalubong si Ia sa mga nagpunta sa dinner. Napakasarap na Chocolate Pretzels. Sa sobrang sarap, sinantabi na ni Tita Yet ang kahihiyan niya at harap-harapang nagbulsa. Silid sa bag, silid sa plastic. Pati po kahon at plastic ay gusto pang iuwi, kung di ko lang napuna.
Promise, eto po ang best Chocolate Pretzel sa buong mundo. (teka, wala namang Pretzel ang Royce ano? Eto kasi ang pasalubong ni Ia kay Tito Jorge - ang mala-ginto sa presyong chocolate)
1 comment:
I agreed sbrng sarap po tlga ng pocky..snack ko po yan after gym..mdyo mhal lng po dito din yan pero worth it.
Post a Comment