Ano ang pagkakapare-pareho nila Ditse, Tita Ate, Tita Edith, Tito Jim, Tito Ido, Jay E, Karen, Kevin, Dianne, Popoy, Carlo, RapRap, Miguel, Ashlie? Bukod sa pagiging mga panganay na anak, hmmmm wala na akong masyadong makitang common characteristics.
Si Alfred Alder, isang psychologist na kasabayan ni Sigmund Freud ang nagsabi na ang bilang mo ng pagiging anak ay may impluwensiya sa iyong pag-uugali. Pero maraming siyentipiko ang nagsasabing hindi totoo ito. Marami rin ang nagsasabing ang panganay na anak ay mas matalino kumpara sa iba. Ang totoo wala namang pag-aaral ang nagpapatotoo dito.
Pero eto raw ang karaniwang katangian ng mga panganay ayon sa mga alagad ni Adler
- May pagka-mayabang. HIndi mahiyain. Kasi nga di na nila kelangan makipaglaban sa atensyon ng magulang e.
- Ang mga panganay, may confidence at bihira ang may inferiority complex kasi nga - madalas na bago ang damit at kumpleto pa ang photo album nung bata pa. Di ba nga ang mga panganay may party sa 1st monthsary, 2nd monthsary etc.
- Masunurin din ang mga panganay. Maganda ito o pangit. Madalas iniisip ng mga panganay na para mapasaya ang magulang, susundin na lang ang utos ni Inay at Itay
- Karamihan nga rin sa panganay ay masisipag at kailangan ng pansin. Kelangan nilang mapasaya ang magulang - kasi nga nakasanayan na.
- May pagka-perfectionist din daw ang karamihan sa mga panganay at madaling mawalan ng gana sa mga tao (at kapatid) na hindi masisipag
- Ang mga panganay daw ay may pagka-emosyonal at passionate sa mga bagay. Nawawalan din sila ng gana sa mga taong walang kabuhay-buhay.
Susunod naman ang mga pang-gitna at mga bunso.
2 comments:
Masunurin din ang mga panganay. Maganda ito o pangit. Madalas iniisip ng mga panganay na para mapasaya ang magulang, susundin na lang ang utos ni Inay at Itay.
(hindi po tugma kay ate karen,hehe)
mwa hahaha
Post a Comment