Wednesday, September 29, 2010

Estimates PB 2G Asia Getaway 2011

Ayan, kumpleto na ang estimates per person para sa 2011 PB Outing.  Eto ang aming actual cost sa buong trip.

Singapore - Sentosa/RW/Universal Studios/City Tour
1.  Eroplano Round Trip  - 6,600
- nakamura kami ng plane fare.  matagal na rin kasing naplano.
- kung mas matagal pa, puwede itong maging mas mababa pa, mga

2.  Hotel - pinakamura ay S$66 a night - mga 2,200 pesos ito
- City Hotel ito dun sa Red Light District hehe. 
- Mga x4 kasi dun sa Sentosa-RW Hotel, huwag na dun dahil mahal

3.  Universal Studios - S$66, entrance o mga 2,200 pesos

Malaysia - Genting Highlands
Malamang magenjoy din ang PB sa trip na ito.  7 hours bus trip at 2 nights sa Genting.  Actually, sumakto ang trip namin sa Sale.

4.  Hotel and Bus Transpo - S$110 o 3,630 per peson.
- kasama na ang transpo dito
- kasama na ang hotel for 2 nights
- actually ito ang pinaka-sulit

5.  Cable Car - 4 Malaysian Ringgit which is 75 pesos
- eto yung magugustuhan daw ni Tito Jim =)

6.  Outdoor Theme Park - 66 Malysian Ringgit which is 858 pesos
- mura talaga sa Malaysia


ETO NA PO ANG COMPUTATIONS.   Mahal syempre, pero di naman sobrang mahal.  Pag pinag-ipunan kaya natin yan.  Di ko na sinama ang pasalubong, kasi iyon ang mahal.  Generally speaking, x3 ang gastos sa Singapore kumpara sa Malaysia.  Example:  ang souvenir na Shrek stuffed toy at 25Sing$ which is 825 pesos, di ba ang mahal.  Pero sa Malaysia, 25 din ito, pero Ringgit, which is around 300 pesos.

Again, ang mga estimates na presyo sa ibaba ay Sale at promo.  So kelangang planuhin ng matagal.  Kung mabilisan sobrang mahal.  Example:  ang hotel namin sa Sentosa ay naging ~9,000 pesos.  Syempre, pag konti ang oras mas mahal ang presyo.




Para sa mga 3G na nag-express ng interest sumama.  Eto ang 2 news:
Bad News:  Walang nagsabing puwede kayong sumama
Good News: Wala ring nagsabing di kayo puwedeng sumama
So di ko pa rin alam ang status nyo =)



Gas and Location

Hi Tito Jim and JayE,  we can meet around 6:30pm.

Asa Greenbelt ParkPlace ako sa Palanca St.  Malapit lang ito sa Baci Restaurant para sa despedida ni Evot.

Directions:
- From EDSA turn right to Ayala
- Drive 2 blocks to Makati Ave pumuwesto sa kaliwa.  Pag dating sa Makati Ave, kaliwa.  Puwesto sa kanan.
- Kanan sa Dela Rosa.  Diretso lang hanggang sa major traffic light.  Tatawarin ninyo ang Paseo de Roxas at tatawarin rin ang Herrera (Rufino St.)
- Pagtawid ng Herrera kaliwa sa pangalawang kanto.  Pangalan ng Street ay Palanca, lagpasan ang mini-stop.  Sa bandang gitna ng Palanca ang Greenbelt Parkplace.  Dun na ko =).

eto ang itsura nya


Eto naman ang mapa, paki-sundan ang Pulang Arrows:


Text lang kayo pag nagka-problema.  Kita-kits!

Tuesday, September 28, 2010

Pangarap na iPad

ay manananatiling pangarap.  hehe.  Nag-ipon ako ng 5 months para makabili ng iPad sa Singapore, di ba nga mas mura daw kasi.  So ready na kong bumili - mga 4 na Mac stores din ang napuntahan namin.

Eto ang presyo (1Sing$ = 33 Pesos)
Wi-Fi 
16 G = 728 (P24,024)
32 G = 878  (P28,974)
64 G = 1028 (P33,924)

Wi-Fi with 3G
16 G = 928 (P30,624)
32 G  = 1078 (P35,574)
64G  = 1228 (40,524)

Pero ewan nga ba kung bakit di ako napabili.  Basta biglang ayaw ko ng bumili hehehe  ang labo.  So in summary, wala pa rin akong iPad.  Sorry Karen, di na kita na-ping sa Facebook, wala kasi kami access habang asa Singapore.

Eto ang presyo ng iPad sa US, in US$  at 44P = 1$
Wi-Fi

16 G = 499 (P21,956)
32 G = 599 (P26,356)
64 G = 699 (P30,756)

Wi-Fi with 3G
16 G = 629 (P27,676)
32 G = 729 (P32,076)
64G = 829 (36,476)

hmmm.  dapat pala talaga sa US magpabili - mas mura ng mga 5k kesa Singapore.

Gas?

Naku Tito Jim, sorry deadline kasi e end-of-the-month, so di na puwede sa Friday.  Latest siguro ay Thursday lunch time.  Kasi pag walang mag-cla-claim e i-do-donate ko na sa mga ibang tao =(.

Last call for full tank gas.  Kaya mga 2 at kalahating full tank.  Kung kotse - maski 3 full tank.  First come first serve ito =).

Favoritism: Tito Jim

Ako lang ba ang nakakapansin nito?  Pero may favoritism ang maraming Older PB with Tito Jim.

Sa Malaysia, sumakay kami ng Cable Car.  Tapos nagkukuwentuhan kami ng PB 2G 2011 Asia Outing.  Sabi kaagad ni Mommy:  "Naku OK dito, matutuwa nyan si Jimmy".  Actually, pati si Tita Edith, madalas nyang sabihin yan e, "Matutuwa si Jimmy diyan".

Favoritism ba ito?  =)

Lola Maam's Bday @ Genting Highlands, Malaysia Part 2

Since mga 7 hours ang trip from Singapore to Genting Highlands Malaysia - nilibre kami ni Tita Che-Che sa astig na bus.  Eto iyong bus na parang eroplano ang upuan.  Merong TV, music at nahihiga ang upuan, at meron pang patungan ng paa na nag-a-adjust.  Astigin!



Dumating kami ng Genting ng mga 6am.  9am pa ang check-in so picture muna.  Sa Genting pala, merong indoor at outdoor theme park.  Eto ang picture sa Indoor Theme park na merong Around the World theme.


Eto naman si Ma sa hotel lobby


Eto ang aming hotel (libre na naman ni Tita Che-Che) - makulay ang buhay sa hotel na ito


 Obviously ang aming tour ay naging RW Tour - RW Singapore Sentosa


RW Manila


at RW Genting =).  Tatlo lang po kasi ang RW e


Eto ang picture ng Outdoor Theme Park - biggest in Asia.


Syempre di naman sasakay si Lola Maam sa Roller Coaster at dun sa Mega Drop - babagsak from 25-storey high building.  So sumakay kami dun sa Overhead Carousel - iyong maraming bulaklak na umiilaw-ilaw.


Meron ding Ripley's museum dun.


Ang Genting ay mga 2 and a half hours from Kuala Lumpur.


So after almost 3 days sa Genting, balik na kami ng Singapore for shopping =).  Inferness, bago po ang t-shirt ko dito hehe


For our last night in Singapore nagstay-kami sa medyo di mahal na hotel.  Lugar po ng mga prostitutes - very interesting.  Nakikita namin sa gabi ang mga transaksyong nagaganap.

Bago pumunta ng airport.  Nagkita kami nila Tita Petite - para kumain at magshopping.  At magkuwentuhan ng mahabang-mahaba at bonggang-bongga.

Wala pong size yung gustong bag ni Mommy, kaya di namin siya nabilhan dito



At lalong wala namang nabili dito:


In summary, 6 days of fun fun fun.  Sarap mag-travel, sarap kumain ng kumain at mag-RW ng mag-RW haha.

Lola Maam's Bday @ Sentosa Part 1

As you know, we spent Lola Maam's 66 bday at Sentosa and then Genting.  Since wala akong mai-blog lately dahil di naman tayo nagkikita, at ayoko namang puro na lang tsismis, share na lang ang mga pics from the trip.

Na-delay ang flight namin ng 3 oras.  So dapat asa Singapore na kami ng 9am, naging 12:30pm na.  Pero OK na rin, pagdating dun check-in na kami kaagad.

Sa Sentosa kami nag-stay.  Ganda ng hotel namin.  Medyo mahal, so huwag na tayo mag-stay dun during the PB 2011 Outing, marami pa naman na OK.


Eto sa Lake of Dreams at Sentosa Park, katabi lang ng hotel namin

Merong mall sa loob ng park.  Bagong bago nung June 2010 lang nagawa.


Day 1 namin sa Universal Studios.  Kung pupunta ng Sentosa, e pumunta na dito


May kamahalan nga lang ang entrance sa Universal Studios.  Kasing presyo ng hotel bale 66 SG$.  So sa pesos, mga 2,200 pesos.  Medyo mahal nga e, pero iyon naman ang isang major destination sa trip. 

Wala po si Snow White dito o kaya si Mickey Mouse, kasi Universal Studios nga e. =).  Andun si Woody Wedpecker.



Divided ang lugar into 8 areas - isa sa pinakamalaki ay ang Jurassic Park.  Kaso ang haba ng pila!  Andito iyong ride na pupunta ka sa jungle na maraming dinosaurs tapos didilim at ilalaglag ka sa mataas na parang logjam.


Eto ang aming naging favorite attraction.  Ang live performance ng Waterworld.  The best, mahirap ikuwento sa blog, pero para kang nanunuod ng pelikula pero Live ginagawa.


4D naman ang ride ng Shrek.  Kakaaliw, maski pambata enjoy pa rin kami.


Kelangan ng picture with the Madagascar crew.  Binili nga namin si Chanel ng Marty stuffed toy =)

At kung asa Sentosa ka, aba mag-RW ka na =)


Matindi sa Sentosa, ang escalator area ay mas maganda pa sa simbahan pag pasko.

The next day, bago kami pumunta ng Malaysia, lumibot muna kami sa area. 

Mid-afternoon pumunta kami sa Sentosa Beach.  Yes may bagong beach na sa Singapore!  White-sand beach din naman - e paano galing sa Pilipinas ang sand (totoo po!).  Tignan nyo naman ang pangalan ng beach.


Nung hapon, sumakay na kami ng bus for more than 6 hours - papuntang Genting Highlands, Malaysia.

Mahilig sa Spicy Food

Finally, may nahanap na rin akong OK na restaurant serving very spicy food.  Not sure kung sino pa sa PB ang mahilig sa maanghang, pero ako eto talaga ang trip kong pagkain.

Tara, libre ko kayo.  Sabihin nyo lang kung ready kayo sa challenge.  Eto ang guidelines:
- SOOOOBRAAAng spicy talaga ng pagkain dito ha.  Pero spicy na masarap.  Mahirap kasing i-describe kung gaano ka-anghang.  Paano kaya?  Baka ganito, lagyan ng hotsauce ang pizza, iyong maraming-marami ha.  Iyong wala ng makikitang pizza - puro pula na lang.
- Puwede rin pala iyong lalagay mo ang wasabi sa isang kutsarita, tapos susubo mo.  Ayun parang ganun - ang sarap!
- Pag uminom ng tubig o coke o juice, di na libre ha

Try natin ha?  Sino-sino kayo?

Gusto nyo Gas?

Since nagbakasyon ako ng 1 week, dami ko pa gasolina.  Kaya siguro full tank 3 sasakyan.

Yun nga lang, asa Makati ako.  So kung nagawi kayo sa Makati ng Tue or Wed (Sept 28 or 29), text nyo lang ako.  Sundo nyo ko, pa-gas tayo, tapos pakibalik nyo ko ng Makati.  Da best time after 6pm.  Text lang kayo.

Lost Symbol

OK naman kasi ang Da Vinci Code at Angels and Demons, in terms of thriller and suspense.  Actually, pati na nga ang Deception Point, carry na lang.  Pero ano ba naman itong Lost Symbol na ito ni Dan Brown. Excited pa naman akong bilhin dahil after 1 year asa paperback na.  Pero huuuwaat a book.

Sino gusto humiram (para di na kayo bumili at sayang ang pera haaay)?  Text nyo lang ako. 

Monday, September 27, 2010

Happy Birthday Tita Cheche

Sept 28 is Tita Che-Che's 33rd birthday.  (binisto pa ang edad). 

Happy BIrthday Dianne

Sept 28 is Dianne's birthday


Sunday, September 26, 2010

PB September Bdays

Sorry po sa mga PB na may bday last week, nadelay ang pagbati.  Di ko naisip na ang hirap mag-internet sa Singapore - considering hightech country.

Anyway, para po sa mga di nakabati.  don't forget ang mga may bday sa PB last week:

Sept 21 - Denniel
Sept 21 - RapRap
Sept 22 - Lola Maam
Sept 22 - Patricia
Sept 26 - Ashlie
Sept 27 - Tita Helen

Eto naman po ang mga merong papalapit na bday - this week:

Sept 28 - Tita Che-Che
Sept 28 - Dianne

Huwag po natin silang kalimutang batiin, para masaya.

Happy Birthday Tita Helen

Sept 26 (pala, mali ang records) is Tita Helen's Bday.  Happy Birthday Tita Helen.



Belated Happy Birthday Rap

Belated Happy Birthday RapRap.


B-lated Happy Birthday Deniel

Sept 21 was Deniel's bday. 

Belated Happy Birthday Deniel.

Happy Birthday Ashlie

Today, Sept 26 is Ashlie' bday.


Happy Birthday Ashlie!

Thursday, September 23, 2010

Hello from Genting Highlands

Thanks kay Tito Ayo for the birthday greetings ng mga ka-PB, paki-tuloy mo na rin ha hanggang makarating kami dyan, kasi di sure ang connection dito e.  Dito kami ngayon sa Genting Highlands in Malaysia celebrating Mommy's bday. 

Past days asa Sentosa Island kami - so di madali ang internet access.

So far so good ang trip.  The other night, naka-dinner namin si Tita Petite.  Panalo ang buffet dinner na yon.  May chili crab + mga different curry food.  at da best din ang dessert - may raspberry sorbet.

more kuwento next time.  See u

Sunday, September 19, 2010

Bawal na ang Homework sa School

Sa Public School at sa elementary.  Ayon yan sa DepEd Memo no.392.  Ginawa raw ito para ang mga kabataan ay ma-enjoy ang kanilang childhood at para magkaraoon ng panahon para sa pamilya.

Hmmm.  Agree ba kayo dito? 

MANILA, Philippines—It’s TGIF (Thank God, it’s Friday) for public elementary students as the Department of Education (DepEd) has prohibited their teachers from giving homework during the weekend.


DepEd Memorandum No. 392, issued on Sept. 16, ordered teachers to avoid giving assignments to students over the weekend so they could bond with their families.

“No homework/assignments shall be given during weekends [so] pupils can enjoy their childhood and spend quality time with their parents without being burdened by the thought of doing homework,” said Education Secretary Armin Luistro in his memo.

The order was addressed to DepEd bureau directors, regional directors, school division and city superintendents and heads of public elementary schools nationwide. The memo covers more than 12.5 million students attending some 37,600 public elementary schools across the country.

Noting the amount of effort that goes into making assignments, Luistro’s memo said teachers should give a “reasonable” amount of work to be done at home “to give their pupils ample time to rest and relax at home for the rest of the day.”



No more quality time



“Common homework/assignments may include a period of reading to be done and writing to be completed, problems to be solved and projects to be worked on, among others. The purpose of which is for pupils to increase their knowledge and improve their abilities and skills,” Luistro said.



“However, it has been observed that parents complain [that pupils] have too much homework/assignments, which rob them and their children of quality time to be together in more enjoyable activities,” the memo added.



But the Teachers’ Dignity Coalition (TDC) said doing weekend homework was a worthwhile way for parents and their children to spend quality time together.



“In reality, making assignments is a way for parents and their children to bond,” said TDC spokesperson Emma Policarpio.



She said teachers would know how much work to give students for the weekend and said assignments were meant to “develop self-learning, self-discipline and time management” skills even without the supervision of teachers.



“The DepEd has good intentions for the memo ... But teachers know what kind of assignments to give students—those that they can do on their own. Homework is not intended to burden children,” Policarpio said.

Saturday, September 18, 2010

Happy Sweet 16th Bday Alex

Sept 20 is Alex's birthday.





Happy Birthday Alex!

Happy BIrthday Lola Tiyang

Sept 19 is Lola Tiyang's 73rd Birthday.




Happy Birthday po Lola Tiyang.

Thursday, September 16, 2010

Internet Killed the Video Star

Napanood nyo na ang video ng Internet Killed the Video Star?  Limousines ang pangalan ng grupo na kumanta nyan.  Interesting kasi, maaalala nyo nung 80's meron namang banda (Gaga) na kumanta ng Video Killed the Radio Star.

Marami talagang patayang nagaganap ngayon - gawa ng technology, gawa ng innovation at gawa ni Henry Sy.

Pinatay ng Cellphone
1) Beeper.  Sobrang sikat nung 90's, ngayon patay na ang beepers.  Alam ko si Par at si Tito Egay meron nito dati.
2) Telegram.  Napadala ang huling telegrama sa buong mundo nuong 2008. 
3) Naghihingalo na ang Yellow Pages na papel.  Kaya dyaryo na lang ang pinapambalot ng tinapa ngayon.  Wala na gumagamit ng Yellow Pages, maliban sa patungan.

Papatayin ng Internet
1) Music Stores/CDs.  Well malapit ng mamatay.  Naaalala natin malamang na ang Music/1 sa Glorietta at Quezon Avenue ay 3 stories.  Ngayon 0.5 na lang.  Wala na rin ang Tower Records
2) Encyclopedia.  Dati di puwedeng lumagpas ang isang linggo na walang naglalako ng Encyclopedia.  Ngayon naka-imbak na ang mga mabibigat na librong ito sa glass cabinet =(.
3)  Bookstores.  Mga isang dekada pa siguro.  Pero pag laganap na ang Amazon Kindle at ang iPad, malamang school supplies na lang ang laman ng National Bookstore.  Kaya bili pa tayo ng books please!

Pinapatay ng SM
1) Robinsons!  hahaha.  Grabe naman ang SM kung asan ang Robinson's tinatabihan tapos pinapatay.
2) Maliit na Groceries.  Naghihingalo na rin ang mga Hi-Top at South Supermarket.  Tabihan ka ba naman ang Hypermarket at Supercenter.  Pambihira.
3) Mais, Scramble, Fishball.  Dito ako kinakabahan.  Kung nakapasok kayo lately sa SM, ang tindi talaga.  Meron ng nagtitinda ng nilagaang mais, bananacue at scramble sa gilid.  At di sya sobrang mahal.  Example, nilagang mais ay 10 pesos lang.  Ang bananacue 10 pesos din.  Sa labas, 8-10 pesos ang bananacue.  So para sa mga natatakot sa hepa, sa SM na sila bibili ng bananacue.  How sad.  Sana ma-realize ng mga tao na nakakapagpalakas ng katawan ang alikabok.

Greenwich, KFC, Jollibee

Nakakain ako sa Greenwich after a very long time.  Nagulat ako dahil ang mahal naman.  Lagpas 200 pesos ang binayaran ko para sa pasta and pizza.  Naaalala ko dati na pag ganun ang inorder mga 125 ang babayaran.  Kasalanan ba ni John Lloyd ito?  hehehe.  Baka mahal ang bayad sa kanya.

Is it me, or papangit ng papangit ang lasa ng KFC?  Bakit ganun na.  Iyong pagkakain mo parang merong sumasabit na mapait na lasa sa ngala-ngala mo.  But why?  Naalala ko dati na 2 lang ang KFC sa buong Metro Manila.  Eto yung malapit sa Bonanza along Edsa, before Munoz (pag galing ka ng Santan).  Naaalala ninyo?  Dati pag KFC, asa silver plate ka pa kakain.  Tapos tuwa pa kami nung nagbukas ang KFC sa food court ng SM Cubao.  Those were the nicer days of KFC. 

OK nga pala ang Jollibee Chicken Barbecue.  Na-try nyo na?  Di kasi maganda ang itsura nya sa personal e, pero OK ang lasa.  Kaso ang naalala ko ay ang Chicken Barbecue ng Cindy's.  Naalala nyo ang Cindy's?  "When you're hungry (ta ta ta ta ta ta), Cindy's is the place to be".  Ewan nga bakit namatay ang Cindy's, dami namang kumakain dun dati.  Sarap talaga ng barbecue dun - mapa chicken or pork.

Wednesday, September 15, 2010

Starbucks Instant Coffee, u like?


Nagulat ako sa Starbucks kanina.  Meron kasing ni-lau-launch na produkto na Via Brew.  In summary - Instant Coffee.  Di ko sure kung OK ito para sa Starbucks.  Di ko rin naman triny.

Na-try nyo na?

Be Happy

Alam nyo bang may Formal Training na about "Be Happy".  Medyo cynical nga kami nung una - kasi 200 kaming partners, tapos ang topic ay ito.  Pero interesting naman.

Iyong kumpanya sa UK ay nag-aral ng 10 taon para suriin ang lagpas 500,000 na tao sa buong mundo.  Ang topic:  alamin kung sino ba ang Masaya at kung ano ang dahilan kung bakit sila masaya.

Di ko na-memorize ang mga sinabi, dahil nga exciting at di ako nakapag-notes.  Pero eto ang mga naalala ko:

1) DI PORKET MAYAMAN, MASAYA NA
- Totoo raw na mas maraming mayaman (above poverty line) ang mas masaya
- Pero di ibig sabihin na ang mas mayaman ay mas masaya.  Sa katunayan daw, ang mga mas mayayaman, di na masaya. 
- Pero totoo rin na mas maraming mahirap ang hindi masaya (mga 80% daw)

2) HURRY SICKNESS
- Mga taong laging nagmamadali ay hindi masaya.
- Example niya, ang mga taong pumipindot ng "Close" sa elevator.  Sabi niya kasi, ang mga mabibilis na elevators automatic nag-close within 0.7 seconds.  Tapos iyon lang di mo pa mahintay =).

3) GARDENING
- 92% of people who does regular gardening are happy
- Galing ano?  Di niya sinabi kung bakit dahil iba iba ang reason ng mga tao. Pero sa 50,000 daw na mga taong nag-garden na na-aral nila 90+ ang masaya.  Ayos di ba.

4) MATAAS ANG SUWELDO, MASAYA?
- Di raw ganun.  Di porket mataas ang suweldo, masaya.
- Pero 90% ng mababang suweldo DI masaya.
- So importante na OK ang suweldo para maging masaya.  Pero pag tumataas ang suweldo HINDI ibig sabihin na mas masaya ka

5) SEX
- Sex makes a person temporarily happy.  Sex does not make a person happy for a long period of time =)

6)  RELIGION DOES NOT MAKE A PERSON HAPPY
- Ang personal spirituality daw ang source ng happiness

Monday, September 13, 2010

September

Halos araw-araw na mula ngayon, merong PB na may birthday sa buwan ng September.  At meron pang araw na 3 ang may bday.  So far 4 na PB na ang may bday.  Hanggang ngayon, di ko pa rin maisip kung anong common sa kanila.  So tumingin tayo sa zodiac, baka mag-ka-clue tayo.

Ang buwan ng September ay na-di-divide ng 2 zodiac signs:  Libra at Virgo.  So dito nga tayo magsimula:

Libra (Sept 23 hanggang Sept 30)
- Ang Libra ang kaisa-isang zodiac sign na hindi hayop o tao.  Timbangan nga kasi ang symbol dito.
- Kadalasan magaganda raw (kayo na ang humusga).  Or at least charming
- Merong strong critical mind
- Sumpungin. 
- Sensitive sa pangangailangan ng iba
- Naiinis sa pagpapamalupit at pagiging bulgar ng ibang tao
- Easygoing and sociable
- Generous by nature
- Matagal gumawa ng decision at parang pabago-bago ng isip
- Madaling ma-uto =)
- Mabilis magalit, mabalis mawala ang galit
- Mahilig magtanong ng "sa tingin mo, anong dapat kong gawin?"
- Ayaw ng pare-parehas ang ginagawa



Virgo (Sept 1 hanggang Sept 22)
- Magaganda raw =)

- Masigasig at practical
- Analytical
- Mapag-isip
- Medyo namomroblema madalas
- Conservative o makaluma
- Perfectionist
- Minsan overcritical to the point of being harsh

Tama po ba?

Banggaan: the Realization

Kung di gumanti ang BMW at sinagi ang Vios, sana ang Vios ang nagbayad ng insurance participation fee.  Nasagi ng Vios ang BMW, sinasadya man o hindi, so ang Vios ang talagang magbayad ng masakit sa bulsa.

Tandaan, kung kayo ay BMW huwag ng patulan ang Vios.  Pag nasagi siya at nasagi ka, actually hindi talaga kayo quits.  Lugi ka.  Huwag magpalugi at huwag gumanti.  Humanap na lang ng Hummer o Porsche hahaha.  joke ito syempre.

Happy Birthday Jullienne

Sept 13 is Jullienne's birthday (double L pala ang pangalan niya - I stand corrected)





Ayos naman sa posing dito.  Happy Birthday Jullienne.

Sunday, September 12, 2010

Banggaan

Isang araw, aksidenteng nasagi ng isang Vios ang isang guwapong-guwapong BMW.  Mukhang di naman sinasadya.  Huminto ang Vios.  Umandar ang BMW at sindyang sagiin ang Vios.  Bumukas ang bintana ng BMW, bumukas ang bintana ng Vios.  Sabi ng asa BMW, "Quits na tayo!", at nag-drive na paalis.

Ang estimate ng Toyota sa damage ng Vios ay 6,400 pesos.  Meron namang insurance, kaya participation fee lang ang binayaran - 3,700.

Ang estimate sa damage ng BMW ay 13,000 pesos.  Meron namang insurance kaya participation fee lang ang binayaran - 8,400.

Quits!

Lolo and Lola's Day

Happy Grandparents day, pala today!

So binabati natin ang buong 1G - 5 sisters from Tiyong, lahat sila ay bona fide na Lolo at Lola.

- On first place is Lolipot, with (1st degree) 17 apos (+ 2 apo sa tuhod).  Wow!
- On 2nd place is Nanay with 6 apos
- On 3nd place is Tiyong and Tiyang, with 5 apos( + 2 apo sa tuhod + 1 more to come)
- On 4th place is Lola Maam with 1 apo
- Si Ditse naman ay Lola ng lahat, so binabati natin siya.

Buong 2G pala ay Lolo at Lola na whether you like it or not.  So Happy Grandparent's day sa inyong lahat.

Ang Lolo ng PB ng si Lolo Joaquin ay namatay nuong 1972.  So di na namin nakita nila TIto One, Tito Ayo at Tita Che-Che.  Ang Lola ng PB na si Lola Inang ay namatay nuong 1981.

Ako, wala na kong 1st degree lolo at lola.  Kasi ang lolo't lola sa side ni Daddy ay wala na rin - nung 1990's.  So at the age of 25 wala na akong (1st degree) Lolo at Lola, actually wala na rin maski 2nd degree.  Unfotunately, di rin ako close sa kanila gaano, kasi nga sobrang bata pa ako nung nawala sila.

So sa mga meron pang lolo at lola, batiin natin sila ngayong Grandparent's Day.

Alam nyo san to?

Isa sa mga exciting part ng trabaho ni Tito Boyet, nakakapunta siya ng iba't-ibang bansa.  So para sa mga katulad kong mahilig sa geography at travel, lagi ko ngang tinitignan kung ano ang latest facebook profile, para malaman kung sya last nagpunta.

Eto latest profile pic ni TIto BOyet, guess saan ito?


Saturday, September 11, 2010

PB 2G - 2011 Asia Outing

Nakupo, tumaas na ng 400 pesos ang pamasahe for July 2011.  Suggestion, i-book na po natin talaga baka pa tumaas ng mga 1,000++  ang pamasahe.

Sino po ang kasama?  Pag marami ang kasama, tuloy, pag hindi po, postpone muna natin.

Sinungaling

Ano ba ang pagsisinungaling?  Sa Ingles kasi, meron tinatawag na "White Lies".  Eto yung, may naghahanap sa iyo, pero ayaw mo siyang makita o makausap, kaya papasabi mo na lang sa kasama mo sa bahay na umalis ka at di alam kung anong oras babalik.

Kung 3G ka na galing sa inuman, pag-uwi mo tinanong ka ng nanay mo kung uminom ka.  Kung sinabi mong "di ka uminom", pagsisinungaling yun.  Pero kung di naman tinanong, at di mo rin sinabi, OK ba yon?  Pagsisinungaling ba ang di pag sasabi ng totoo kung wala namang nagtatanong? 

Pag-sisinungaling bang matatawag kung maganda naman ang inensyon mo?  Kung alam mong pag-sinabi mo ang totoong sakit ng isang tao, malamang atakehin siya sa puso, dahil sobrang taas ng blood pressure niya.  Pag sinabi mo at intake siya, kasalanan mo ba yon?  Pag di mo sinabi, pagsisinungaling ba yon?

Ang pagsisinungaling ba ay talagang masama o depende sa sitwasyon at intensyon?

Happy Birthday Kacey Faye

Sept 12 is Kacey's 5th bday.


Happy Birthday Kacey Faye!

Thursday, September 9, 2010

Baby James

The title of their Facebook post was "CJ or JC?".  Ibig sabihin, di pa sure kung girl or boy.  Pero suwerteng bata ito, biruin nyo malamang ang birthday niya ay April 4.  hahaha.

So ngayon pa man, Congratulations Evot and Cha.  Hoping for 7 healthy months.

Ngapala, si Evot is on his way to Germany - mag-tra-training siya ng SAP.



Tuesday, September 7, 2010

Happy Birthday Anton

Sept 8 is Anton's Bday.


Happy Birthday Anton!  Eto na po ang simula ng maraming may birthday ng September.  Since wala pa po tayong scheduled na pagkikita ngayong September, sana po ay maalala natin ang mga PB na may bday ngayong buwan.  Batiin sila sa blog, sa text, sa phone o live in person.

Happy Birthday Pia

Sept 8 is Pia's Birthday.




Happy Birthday Pia!  (Please greet in English ha =), kasi she cannot fully understand Tagalog)

Kriza

Mahirap din sigurong maging isang nurse sa malaking pamilya.  Merong unwritten rule na maging nurse ka sa kung sino mang may sakit sa buong PB.  Nagiging automatic kang taga kuha ng blood pressure, at nagiging default kang first aid.

Naalala ko lang nung magka-cramps ang isang PB nung outing.  Syempre, Kriza to the rescue.  Nakakatuwa rin minsan - kasi ang buong PB mega-pakialam sa kung paano ba gagamutin ang cramps.  E si Nurse Kriza, e syempre magalang talaga so di talaga nya masabi sa mga nakakatanda sa kanya kung ano ang dapat (itaas ba ang paa o hindi?  hehehe). 

So sana masanay na si Kriza na masabi sa mga Tito/TIta/Lolo/Lola nya kung ano ang nagpag-aralan, maski di ito sang-ayon sa nakagisnan na.  OK lang yan, di naman mamasamain ng PB iyan.  Explain mo lang mabuti at makikinig naman kami.  Pag di sila naniwala, birahan mo na lang ng mga scientific terms ex. the hemoglobin traversing from the right aorta is blocked by a nervous congestion in the right tibia - in Tagalog, pulikat.  hehe

Wala akong maisip sa 2G at 3G na bagay or may natural inclination na maging nurse.  Tita Ate? huwag.  Ate Edith?  no!  Tita Yet?  please no.  Tita Che-Che?  patay ang pasyente.  Sa 3G naman, Karen?  mwa haha masisilaw ang pasyente sa Bulgari nya.  Camae, Dianne, Rap, Kevin?  No, please mahalaga ang buhay. 

Anyway, ako at ang buong PB malamang ay masaya na meron tayong nurse sa PB. At mas masaya tayo na ang ating nurse ay si Nurse Kriza.

Monday, September 6, 2010

2G Pic


Not sure kung kelan tayo makukumpleto talaga na 2G, very International kasi tayo.  Pero yan ang 2G pic.  This time OK naman ang istsura ng lahat.  All smiles everyone at walang nakapikit =).

Thanks to Tito Jim, Shiela and Aix for all the Outing pics.

PB Banal na Pic


Post na natin itong one-of-a-kind pic dito.  Kasi pag nagpalit ng banner, mawawala na yan.  Sabi nga nila "A Picture Tells a Thousand Words".  Ibig sabihin, sa isang picture lang, marami na kayong ma-ge-gets na mga kuwento.  Analyze nga natin ha:

STAND-OUTs.  
- Kacey Faye.  Look at her, mukha siyang Pilyang Anghel sa picture (well, kayo na magsabi sa totoong buhay hahaha).  Great pose, plus amazing eye contact with the camera.  Panalo!

- Andrei.  Mag-emote ba!  Magaling talaga itong batang ito.  At malamang maakusahan na ko ng favoritism.  Pero naman tignan nyo naman siya picture.  Banal ba ang gusto nyo?  Puwes, ayan ang sa inyo.  Good Job Andrei, sabay lagi naman!

- Meg looked really pretty in this picture

- Kriza has a nice side-view pose.  Parang may sty ata siya last weekend e, so nakuha pa nyang mag-pose ng maganda.

Ang dami talagang bungisngis sa PB, pero natawa ko kay Popoy, mukhang ma-e-ebak. Corny ang  2G dito sa picture na ito.  Walang stand-out.  OK lang, pagbigyan naman natin ang mga iba to shine this time.

PB Outing Pics

FOOD









ACTIVITIES













POOL