Noong, 80's buwan ng Mayo ang summer outing ng PB. Mga mayayaman lang ang nag-o-outing ng April. Isa pa, marami kasi kaming mga honor students dati e April madalas ang recognition.
Meron pang informal meeting bago mag-outing. Kasi nga kelangan mag-pa-reserve na ng jeepney sa Araneta - at siyempre kelangan ng 20-seater, para kasya lahat. Ito ata ang pinaka-OK sa mga PB OUting noon - sama-sama together maski mainit at ubod ng sikip. Kawawa rin ang mga bata nun, kasi either kandong sila o nakaupo sa Coleman. Astig din nun kasi lahat naka-bandana - dahil sa usok at alikabok.
Isa pang agenda sa meeting ay ang mga lulutuing pagkain. Di naman uso nun ang catering o kakain dun. Talagang lahat may dalang kasirola, kawali, pinggan, baso, tubig, soft drinks, beer, kutsilyo, tinidor at chichirya. Sikat ang adobo, kasi nga matagal masira. Madalas ding handa ang hotdog at iyong mga lumpia at menudo. Ah, barbecue din pala sikat.
Dati, talagang hindi kami matulog linggo bago mag-outing. Sobrang excited. Dati kasi maski saan basta may tubig. Kasama na diyan ang Villa Lorenzo, dun sa may Pandi at syempre the classic - carabao beach at Pulilan.
One time, nagtangka kaming maging sosyal at pumunta sa beach sa Batangas - Agila resort. Pangmayaman. Hindi ba naman kami papasukin. Kakatawa talaga. So dala namin ang jeep from Araneta, together with the kasirolas and kawali napunta kami dun sa katabing resort - ang PIPIT resort. Pagkatapos mag-swimming, e mga sumagatan kami lahat. Mabato pala ang beach at meron pang mga tibo at mga lata ng sardinas sa ilalim ng dagat. mwa hahaha.
Pero ang saya-saya namin nun. Vacation Paradise na dati yun, kasi nga sa Balara lang kami pumupunta o kaya sa New Site o minsan sa Lirag, so basta malayo bakasyon na yun.
For sure marami akong nakalimutang mga detalye...
4 comments:
ako yung umuwing sugatan doon sa Pipit beach sa Batangas, kasi merong biyak na drum sa ilalim ng dagat, eh natapakan ko kaya yun... laslas ang talampakan ko. pero enjoy pa din.
me naman, my feet got hurt by the sharp stones. kc there was no white sand there
At pag minamalas, ang jeep ay titirik, o may gagawa ng goto sa byahe!
Pero masaya... masaya din sa new site, kahit parang may lumot yung gilid ng pool ;-)
Naalala ko, may mga dala pang case ng softdrinks from tindahan ni nanay... hindi pa uso ang can nun, o baka uso but pangmayaman lang. So imagine, ang bigat bigat ng mga case ng softdrink! tapos lahat ng kasirola, mga tao mga bata, sa isang jeep! literally ang salbabida nakasuot na sa leeg habang nasa byahe. Sardinas galore!
Post a Comment