Tuesday, June 30, 2009

Palayaw

Ano ang unique sa palayaw ng mga (nakatatandang) PB?

...

...

Naisip mo na?

...

...

Come on! Gamitin ang utak at iangat sa sea level...

Ang sagot: Walang Letter R.

Di ko sure kung si Inang (lola) or si Lolo ang nahihirapang magsalita ng letter R. Baka si Ditse, hihihi. Ang only exception lang ata ay ang Ate, kasi panganay naman siya. Pero meron talagang mas malalim na kasaysayan ang mga pangalan ng mga PB (at least iyong mga born before the 80s).

Let me illustrate:

Ditse aka Irenea - Nayang (nawala ang R)
Ricardo aka Ricky aka Par - Boy (haha, binisto)
Jorge aka JohnLloyd - Idot
Robert - Boyet (well, I know talaga namang ganito, pero still)
Edgar - Egay
Mary Ann - Eyan
Darwin aka Isidro - Ido
Ronnie - One
Arnold - Ayo
James Evert - Ebot
Cheryll Ruth (ang daming R) - Tache
LeobenJr. aka Junior - Unyoy (nawala ang R)

Ano nga ba ang palayaw ni Ate? Rochie ba talaga? Or si Lolipot lang tumatawag sa kanya nun? Hindi ba Linda? Saling? Ochie? Osing? Haha.

Bigla ko tuloy naisip, paano kaya kung nabuhay dati ang 3G, paano kaya babuyin ang mga pangalan nila? Please help by providing suggestions for:

Karen
Kriza
Carlo
Rap Rap
Carl

Tourist Spots in Manila

Naubusan ako ng isasagot. Iyong bisita kasi naming German nagtatanong ng tourist spot na nasa Metro Manila. 1 buwan na rin siya dito, so nakapunta na siya sa Palawan, Boracay, Bohol, Banaue at Tagaytay. Gusto nya sa Metro Manila. Nakapunta na rin kasi siya sa Intramuros at sa Chinese Cemetery. Hmmm. Ang hirap pala.

Eto mga sinabi ko:
1) Mall of Asia - ayaw niya raw mag-shopping

2) UP - kaso di ko masabi kung ano ang gagawin nya dun

3) Bamboo Organ?

Saan pa nga ba?

Monday, June 29, 2009

Ang bilis

Ang bilis naman ng araw - katapusan na naman ng buwan. Suweldo na naman! E di ko pa nga ubos yung dati. haha. Since July na sa Wednesday, ibig sabihin lagpas na tayo sa kalahati ng taon. Ang bilis:

- Kakapasukan pa lang. Halos wala pang napapasok ang mga bata sa school dahil sa Signal no.1 &2 at saka sa suspension ng H1N1

- Eleksyon season na naman kasi. Sandamakmak ang constructions. Inaayos ang mga sira. Sinisira ang mga ayos, para may budget sa pag-aayos.

- May trabaho na daw si Kevin sa Makati? Totoo ba ang balita? So si Kriza na lang ang pal sa bahay nila.

- Kadalasan pag July bumabagyo. Pero ngayon kasi maski kelan puwede umulan ng malakas na malakas tapos aaraw ng ubod ng init.

- July din buwan ng pinakamaraming may bday sa PB, so malamang magkikita-kita mas madalas.

Sunday, June 28, 2009

Commercials

1) San Miguel Beer - Pale Pilsen

May bago na palang commercial ang SMB. Very iconic ang commercials ng San Miguel Beer dahil simula pa nuong dati - puro the best ang nandun. Iyong original na "Isang Platitong Mani" na commercial ang tinatawag na Best TV Commercial of the Century. Andun sila Flash Elorde, Bert Tawa Marcelo, Amang Parica, Jockey Domingo.

Sa updated 2009 version ng "Isang Platitong Mani", andun sila Manny Pacquiao, Efren Bata Reyes, Michael V. at Derek Ramsey. Hmmm. Naubos na ata ang budget nila kay Manny, at medyo mahina ang line-up na ito compared sa original version. Puwede na sigurong kasama si Michael V, pero di ko sure bakit kasama dun si Derek Ramsey, di siya bagay. Sobrang sikat na ba sya?


2. Nescafe - Pagbabalik
Very nice commercial. Sobrang konti lang ng talkies, halos wala nga. Pero OK ang scenery - ng Batanes. May touch of culture, people, at relationships. Parang masarap uminom ng kape sa Batanes - dahil maulan.

At marami pang mga cool at makabagong commercials

- Nice din yung commercial ng Red Mobile

- Pero di ko gusto iyong KAPANATAG, masyado madrama

- OK din yung commercial ni Zoren at Carmina para sa UFC

- Di masyado OK iyong bagong commercial ng Royal. INFERNESS kay Ralph Sacdalan, mas maganda yung commercial nila. Ralph, wala ka ng bagong commercial?

Manuod ng Sine

Isa sa mga exciting moments sa panonod ng sine ay ang pakinggan ang mga reaction ng mga kasamang nanunuod lalo na pagkatapos ng pelikula. Eto ang ilan sa mga comments:

From Transformers: ROTF
"Ang dami namang robots".

From Superman
" Parang hindi naman makatotohanan ang kuwento".

From Lord of the Rings
"Bakit naman sila lakad ng lakad".

More on Cebu inmates paying tribute to MJ

CEBU, Philippines (CNN) -- Amid the tropical heat of a Philippine prison, convicted murderers, rapists and drug dealers on Saturday paid tribute to Michael Jackson with a reprise of their YouTube dance hit, "Thriller."

A rendition of Jackson's 1980s smash hit by prisoners at the Cebu Detention and Rehabilitation Center in the central Philippines garnered more than 24 million views since 2007, when prison supervisor Byron Garcia first uploaded it to the video-sharing Web site.

The prison has since posted other dance videos, including performances to Van Halen's "Jump," Queen's "Radio Ga Ga," and Phil Oakey and Giorgio Moroder's "Together in Electric Dreams."
Jackson, known as the "King of Pop," died Thursday in Los Angeles, less than two weeks shy of the first in a series of comeback concerts in London, England.

When he heard the news, Garcia, himself a fan of the 50-year-old pop icon, organized a free tribute performance by inmates for local people in the prison courtyard.

Dancing was introduced at the prison in 2007, as a means of rehabilitating prisoners at a facility once notorious for its gang problem. Watch more about the prison tribute »

Every able-bodied prisoner must dance. If they refuse, they lose privileges, mostly conjugal visits. According to Garcia, the dancing occupies up to five hours a day. However he rejected claims he's abusing the prisoners' rights by forcing them to dance so many hours a day.
He said it gives them a renewed sense of worth and confidence, breaking them of their violent ways. He is convinced his prison is a model for prison authorities everywhere, an example of how to crack the plague of violent prison gangs.

"It brought back their self esteem. We have happy inmates now -- we don't want to go back to the old jail where we had mad, sad inmates," he said.

In searing temperatures, 1,400 men in bright orange tracksuits performed the 15-minute

"Thriller" routine perfectly. They rehearsed for 10 hours the previous day, finally stopping at 3 a.m. to rest ahead of the show.

The superbly-choreographed moves, energy and obvious enthusiasm of the prisoners had the audience -- swelled by journalists from around the world -- captivated the audience. Several inmates even invited people from the crowd to dance with them.

"I never thought I would ever find myself dancing with a prisoner," one excited local said.
A local journalist even described the performance as Asia's best way of paying tribute to Jackson.
Garcia, who says the prison has witnessed no violence in three years, paid tribute to the performers. "I'm so proud of them," he said. "They got the dance exactly right."
Although it was "probably wishful thinking," he added that he had actually wanted Michael Jackson to come to Cebu to dance and play the role himself. "Now it's not going to happen," he said mournfully.

Convicted robber Mavin Cabido, 23, said: "I feel so sad as we idolize him really. The moonwalk is my favorite -- I like that."

Saturday, June 27, 2009

Beautiful Girls

May bisita kami kanina... babaeng ang sapatos ay may takong! at ang kanyang friend.

Friday, June 26, 2009

Dangerous Exhibition

Jologs talaga ako! Naalala ko kasi nung nabalitang namatay si Jay Ilagan, at umiiyak si Amy Austria habang sinasabi - sana talaga nag-helmet siya. Ang tagal na nun ano, bata pa ako. Favorite ko kasi si Jay Ilagan e, matalinong aktor (Kisapmata, Soltero, Palipat-lipat, Sr. Stella L. etc - lahat magagandang pelikula).

May pupuntahan lang daw kasi siya malapit nun, kaya hindi na siya nag-helmet nung nag-motor siya. Di na siya nakabalik ulit.

Sandamakmak na talaga ang motorsiklo sa paligid, maski na sobrang dami ng na-a-aksidente. Ang matindi, marami pa rin ang hindi natututo. Sa pagmamasid, eto ang mga "Exhibition" na nakikita namin sa mga nag-mo-motor: (dagdag din kayo)

1) HAPI HOUSE
- Si Itay, Inay, Kuya, Ate at Bunso sa isang maliit na motorsiklo. At lahat sila walang helmet.

2) UPONG 10 piso
- Dahil naka-skirt si Ms., sa harap siya nakaupo ng sideways (para hindi masilipan)

3) MAINIT
- One hand on the motor, One hand on the payong.

4) RMWT
- Riding the motorcycle while texting

5) SOSYAL
- One hand on the motor, the other hand drinking water in a plastic cup. (Di ko talaga ma-gets bakit nilagay pa sa cup). kahapon lang ito.

6) TOUCH THE CAR
- Habang nagmomotor, pupunta sa gilid nag kotse hahawakan ang kotse, at parang aandar na naka-angkas. wow talaga!

7) BIKE
Eto kanina lang. Driver na walang helmet. May angkas na na mama na nakahawak sa bisikleta. Sabay silang umaandar! hahaha

Wednesday, June 24, 2009

Horoscope for Cancer

Parang mas maraming may bday sa PB ng July kesa December?

Eto daw ang horoscope para sa mga may sign na Cancer.


Summary
You've had a lot of career matters on your mind lately, but June will be just made for fun and romance. No matter what your current social status - married, dating, or single - you'll feel sexy and desirable, and you are that and more!

You may want to book time in a salon or shop for some new things. You'll get plenty of compliments, especially in the last ten days of June. You will also have a certain optimistic glow that will be irresistibly attractive.

There will be one part of the month where pressures will be evident, however, and those will surface near the full moon Sunday, June 7. You may have a very heavy workload at the office in the days that surround that full moon, and you will likely be intent on wrapping up a major project. Whatever is going on may drain you, so be careful to keep your health robust. Long hours at the office, spotty meals, and not enough rest will be a recipe for disaster. Not only will your health suffer, but you will also have a higher propensity for errors too, so be smart and give yourself some tender loving care. Also, try to plan ahead so that you won't feel overwhelmed by the time you get to June 7-11.

The new moon in Cancer will arrive just at birthday time, June 22. Yet this new moon opposes Pluto, so you may be both attracted and repelled by the dominant nature of the partner (or potential partner) you are dealing with at month's end. This person is powerful, and may offer you strong financial security. With lovely greetings being beamed from Jupiter (happiness) and Neptune (inspiration), this new moon could bring you a better financial picture if you do link with that person. Creatively you'll hit on one idea after another, and each will be better than the next. Still, you seem to have approach / avoidance about this person, so you probably should simply keep talking before you decide.

If you have already decided you do want to move forward, then begin to negotiate, but allow more time than you may have assumed necessary to complete talks. By next month you won't be dealing with the same problems you are this month. This may mean that you will have softened the domineering person or that you've moved on and met another interested party. You seem to be in a good position, so see how things go.

Dates to keep in mind this month:
Most romantic evenings: June 2-5, 9, 13-14, 19, and 23.

A work-related project may bring tension: June 5-10.

Take very good care of your health at the full moon June 7, plus or minus four days.

Travel opportunities will be simply delicious and may bring on a spontaneous decision to pack and go: June 9.

If you apply yourself you might make a financial killing on a deal: June 16-17.

Launch a new venture or relationship: at the new moon in Cancer: June 22 plus 2 weeks.

If things don't go well in regard to serious relationship negotiations, due to a very demanding person you have to deal with at the time, wait until the solar eclipse in Cancer on July 21, and in the days that follow the eclipse.

Tuesday, June 23, 2009

Mga Tanong

Kaya mo bang mabuhay sa halagang 58.75 pesos, isang araw?
Sabi ng United Nations, eto raw ang "international poverty line". Kung mas maliit dyan ang pera mo, nasa ilalim ka ng poverty line. Sa Pilipinas, mahigit 20% ang namumuhay na maralita, sobrang dami talaga.

***********************

Bakit naka-pula na ng damit si Karen e pula pa ang Sapatos nya?
Eto yung picture nung 7th bday niya. Dapat ba talagang terno ang damit sa sapatos?

***********************

Bakit walang bumoboto sa Dianne-Revo love team, ni isa?
Hindi ba sila mabagay? May bago na bang BF si Dianne?

***********************

Sino naman sa Lising ang tingin nyo manggagaling ang bagong PB Baby? (nanalo sa voting)
Tita Vangie? (wow!). Tita Helen (mysterious). Lola Tiyang (mippst?). Tita Yet (ic).
Shiela(atnnj!)

Fast Facts - Philippines

Galing sa United Nations Site (2007):

Total population: 87,960,000

Annual no. of births: 2,295,000 (ang dami naman!)
Annual no. of under-5(yrs old) deaths: 64,000 (ang dami!)

Life expectancy at birth: 72 (yung mga lagpas dyan - BONUS na yun!)

Total adult literacy rate (%), 2000–2007*: 93%

% of population using improved drinking-water sources, 2006: 93% (ok na rin)
% of population using improved sanitation facilities, 2006: 78% (di ata OK)

Estimated number of people living with HIV, 2007: 8,300 (dami na pala)

% of phone users: 51% (parang ang baba. e lahat ata may phones na)
% of internet users: 6% (wow!, pero mali daw ito sabi ni Tita Che-Che and tama ata siya)

Population under 18 years old: 36,804,000 (42% of the population ay bata!)
Population under 5 years old: 11,005,000

Life expectancy, 1970: 57
Life expectancy, 1990: 65
Life expectancy, 2007: 72

% of population below international poverty line of US$1.25 per day, 2005: 23%
% of central government expenditure (1997–2006*) allocated to: education: 19%

Contraceptive prevalence (%), 2000–2007*: 51% (ang dami pala)

Child labour: 12%
Child marriage : 14% (marami pa pala ito?)

1Million in 3 Days

Masayang masaya ang Apple at ang CEO na si Steve Jobs dahil 1 Million units ang nabentang iPhone 3GS sa loob ng tatlong araw (simula nung Friday sa North America).

Mahusay talaga ang Apple. Mahigit kasing 50,000 applications ang nasa AppStore na puwedeng i-download sa phone. So nakaka-engganyo talaga. Pagkatapos sobrang ganda rin ng mga reviews - mabilis, hindi naghahang at lalong naging mas-user-friendly.

Magsimula ng mag-ipon. Mukhang sobrang OK nga ito.

18,100

Wow! 18,100 na ang hits ng PB Blog (clap clap). Maraming salamat sa laging pagbisita.

Interestingly, halos 300 ang hits ng past 2 weeks dahil sa (tadaaaaan)...Banal na Iglesia ng Bathalang Buhay. Bloggers from all over the world are interested about the group. Bakit nga hindi? Very interesting ang kanilang paniniwala. Ang malungkot, sobrang konti ang nakasulat tungkol sa grupo.

Naaalala kong na-feature sila maka-ilang beses sa mga documentary programs tulad ng Probe team. Ang naalala ko, naniniwala talaga sila na si Jose Rizal ang Son of God. Pero ang siste, at sa mga pag-aaral, si Rizal ay isang Mason, tulad ng guro nyang si Piy Margal. Maalala na ang mga Mason ay naniniwala sa mga sumusunod:

1) kalayaang maghanap ng 'knowledge'
2) seperation of Church and State
3) walang pagpigil sa kakayanan ng isang taong maging mahusay
4) walang diskriminasyon
5) hindi pagtangkilik sa relihiyon

Hmmm. Kaya nga lalong mas nagiging intriguing. Pero sabagay puwede naman siyang maging Anak ng Diyos, maski walang relihiyon. Ayaw kasi ni Rizal nun e.

Nung, 1980's may nagsulong sa Sainthood ni Jose Rizal. Hmmm. Obviously hindi nangyari ito, at hindi siguro mangyayari sa Catholic Church. Kaya rin siguro nagtatag ng Iglesia ng Bathalang Buhay, para papurihan si Rizal sa kanyang "Kabanalan", maski taliwas sa utos ng simbahan.

Sana talaga ininterview ko sila nung nakasabay namin sa SLEX, tutal traffic namin. Tapusin muna natin ito sa mga quotes from Jose Rizal. (para di natin makalimutan).


"There are no tyrants where there are no slaves."-- José Rizal, El Filibusterismo (translated by Charles Derbyshire as The Reign of Greed)

"Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.")

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"

"To foretell the destiny of a nation, it is necessary to open the book that tells of her past."-- José Rizal, quote inscribed in Fort Santiago


"While a people preserves its language; it preserves the marks of liberty."

"Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda."

And my favorite:
"It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice."

Monday, June 22, 2009

Sino ang mahilig sa gadgets?

Talaga? Ang mga BabyBoomers (edad 40 pataas) at Gen X (edad 26-40) daw ang nagiging mahilig sa mga tech gadgets, social networking at blog. Nalalaos na raw ang mga kabataan sa paggamit ng internet.

Siguro totoo nga ito. Sino ba kasi ang may pera, pambili ng mga yan, di ba?

Basahin ang detalye mula sa pag-aaral ng isang balita kong napakagandang kumpanya, Accenture:

*******************************
If you think years of experience in the electronics industry gives you a unique perspective into the consumer market and consumer behavior, you're probably wrong.

Accenture, a management consulting firm, recently conducted a survey among 3,000 consumers across the United States to create its annual report on consumer electronics products and services usage. The survey's results offer a host of surprising discoveries.

Here are a few highlights:
Baby boomers, defined in Accenture's survey as those 45 years old or older, are embracing popular consumer technology applications nearly 20 times faster than younger generations.
Compared to a year ago, Gen Y, consumers between the ages of 18 and 24, are decelerating their use of consumer electronics and related services (social networking, blogging, listening to podcasts, watching and posting video on the Internet).

The "connected home" isn't happening. Survey respondents picked game consoles, television and portable music players as three consumer electronics products whose ability to connect to the Internet either directly or through a home network is "unimportant" to them.

Last, 91 percent of survey respondents said they spend "zero hours per week" in a virtual world such as "Second Life."

Meanwhile, the faster growth of new consumer services adoption by baby boomers over the last 12 months appears to be something of a social imperative.

"Baby boomers are more hip with technologies than we usually give them credit for," said Kumu Puri, a senior executive with Accenture's consumer technology practice. Clearly, boomers want to "stay up-to-date," and "stay connected with children and their grand children," she said, through the use of popular consumer technology applications.

The survey showed a 67 percent increase among baby boomers reading blogs or listening to podcasts. In contrast, Gen Y's usage of such applications was flat, declining by less than one percentage point. Today, 45 percent of Gen Y are engaged in reading blogs or listening to podcasts, while 26 percent of baby boomers have begun to do so.

Similarly, baby boomers connected on social networking sites jumped by 59 percent. Meanwhile, the usage and activities among Gen Y on social networking sites have also plateaued, showing only a two percent increase.

The survey also indicated that Gen Y consumers watching and posting videos on the Internet declined by 2 percent over the last 12 months, while similar use among baby boomers increased by 35 percent.

In essence, among Gen Y, the use of consumer electronics and related services is showing an overall slowdown and, in some cases, a flattening or decline compared with boomers, Accenture's report concluded.

How to explain such a behavioral shift -- particularly among Gen Y?

Sunday, June 21, 2009

Happy Birthday Karen

The year was 1994. Probably, ang pinaka-bonggang 7th bday party celebration sa Santan. Merong clowns, magic, sosyal na lootbags, sosyal na cake at meron pang Ice Cream cart.

15 years na pala iyon. Sabay ang dami na rin nangyari kay Karen... Tingin ko mas mabait si Karen ngayon kesa dati. At siyempre naging mas confident na rin. Lagi na lang kinukuwento ni Lolipot kug gaano kasinop si Karen sa mga gamit nya - kinukumutan ang mga bag, nilinis ang mga sapatos araw-araw.

Pag nakita mo nga si Karen, parang walang problema, ano? Hindi nagmamadali, hindi nakukunsumi - lagi lang relax.

Pag meron ngang nag-de-describe kay Karen, lagi talagang 2 levels - kelangan talagang merong negative kasama ng mga positive. Well, siguro iyan ang dahilan kung bakit isa si Karen, sa mga pinakapaboritong pamangkin ng PB.

From Lolipot:
Kahit na makulit, tamad, at paggalitan mo - hindi nagtatampo, hindi
nagdadamdam at hindi nagtatanim ng galit. Happy Birthday
Karen (may regalo na ko sa yo ha!)

From Lola Maam
Ang pintas ko lang kay Karen, masyado siyang ARURAY. Pero, puwede kang
mainis, pero hindi ka magagalit kay Karen. Malambing kasi siya. Happy Birthday Karen. Sana magbagong buhay ka na.









Happy Birthday Karen!

Saturday, June 20, 2009

Happy Father's Day

Trivia:
- Si Tito Egay pala ang pinaka-Happy Father's Day sa atin with 4 kids.
- Medyo marami pala ang mga nawalang fathers ng PB - haha! kya hwa na nating isa-isahin
- First Father sa 2G ay si TIto Jim
- FIrst Father sa 3G ay si JE
- FIrst Father sa 4G? Andrei vs. Ian. Hula ko close fight ito.


Happy Day sa lahat ng mga Fathers ng PB.

Par's text

Bihira lang mag-text si Par. At lalo siyang bihirang mag-text ng ganito...

NO & YES

are the words which need a long thought...

most of the troubles in life are the result of

saying NO too SOON

or Yes too Late

OK now, please explain =).

Friday, June 19, 2009

Road Not Taken

Two roads diverged in a yellow wood,
And sorry I could not travel both
And be one traveler, long I stood
And looked down one as far as I could
To where it bent in the undergrowth;

Then took the other, as just as fair
And having perhaps the better claim,
Because it was grassy and wanted wear;
Though as for that, the passing there
Had worn them really about the same,

And both that morning equally lay
In leaves no step had trodden black
Oh, I kept the first for another day!
Yet knowing how way leads on to way,
I doubted if I should ever come back.

I shall be telling this with a sigh
Somewhere ages and ages hence:
two roads diverged in a wood, and I --
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.

Walang Pasok

Wala palang pasok sa school ngayon, Jun19...sa Laguna.

Rizal Day kasi. Nung isang araw nga, kalakasan ng ulan, nakita namin ang sunud-sunod na mga jeeps at buses na merong banners. Nagulat nga kami dahil ang pangalan ng isang van ay: La Liga Filipina de Rizal.

Iyon pala merong big rally sa Luneta ngayong araw. Interesting talaga kung gaano karaming Rizalista sa Pilipinas, actually maski sa labas ng Pilipinas. Interesting na maintindihan kung bakit sa opinyon nila si Jose Rizal ang totoong Anak ng Diyos (Banal na Iglesia ng Bathalang Buhay).







Poker Addicts Update

Parang totoong buhay...namulubi na si Tito Ayo sa Zygna Texas Hold Em (Facebook). Maalala na lagpas $1,000,000 ang pera nya dati, ngayon $600 na lang. hahaha!

Pero si Kevin (addict) pa rin ang nangunguna with 1.1 Million
Si Tito Ido (na-a-addict) ay meron ng 1Million
Gumawa si Ayo ng pangalawang pangalan(adik nga e) with 200,000
Si Evot (pulubing addict) with less than 20,000

Wednesday, June 17, 2009

Wala

Nung Jan 2007, naipadala na ang huling telegrama sa America. Nakakalungkot na nakakatuwa. Nakakatuwa kasi ibig sabihin nag-i-improve na ang teknolohiya. May internet na kasi e, may cellphones na ang halos lahat. Aanhin mo pa ang telegrama? Nakakalungkot kasi, exciting talaga makatanggap ng telegrama - may thrill, may suspense may excitement. Isa pa, pang-matalino din ang telegrama, minsan mahirap maintindihan kung ano talaga ang message. Sabagay parang text din.

Wala na rin ang mga beepers. Cellphone naman ang pumatay dito. Aanhin ang 1-way communication kung puwede namang 2-way phone.

Matalino ang Yellow Pages. Alam nilang ang mga papel na Yellow Pages ay magiging pambalot ng isda sa palengke dahil sa internet at cp. Nagbago sila at nagkaroon ng Yellow Pages sa internet at sa cellphone. Mahusay.

Akala ko papatayin ng MTV ang Radio. Buti naman at di nangyari. Delikado kasing mag-drive habang nanunuod ng MTV.

Mawawala na rin kaya ang mga magazines? KAsi libre naman sa internet at madami pang puwedeng basahin. Ang planner kaya mamamatay din? Kasi nga may cellphone na.

Ano sa tingin nyo ang susunod na mawawala?

Tuesday, June 16, 2009

Pasarapan

Syempre ang mga pinakamasasarap na pagkain ang madalas pinaka-UNHEALTHY. Masarap kasi ang pagkain kapag:

1) maraming Sodium (V-Cut: yummy! Chiz-Curls, sarap!)
2) maraming asukal (Ice Cream, Coke - ansasarap)
3) maraming fat (balat ng lechon, crispy pata, balat ng manok na prito - anlutong)
4) maraming preservatives (hotdog, tocino)

Ayon sa isang online poll, eto daw ang mga pinakamasasarap na pagkain. So kung naniniwala kayo na ang buhay ay pasarapan...

Dark Berry Mocha Frapuccino ng Starbucks
Chocolate Truflle Premium Ice Cream ng Selecta
Lechon from CnT (in Cebu)
Pork Chop from Tuding's
Tapa Prince from Tapa King
Black FOrest Cake from Red Ribbon
Sizzling Sisig from Gerry's Grill
Bulalo (in Metro Manila) from Myrna's Bulalo at Tomas Morato
Bulala from Diner's Restaurant at Mendez, Tagaytay
Oyster's Rockefeller from Via Mare
Tokwa't Lechon from Max's

Ansarap!

Pahabaan

Kung naniniwala kayo na ang buhay ay pahabaan...Puwes, magsimula sa pagkain.

Kung conscious sa kalusugan, sa weight o sa figure, eto ang mga kalaban(pag marami):
Fat, Sodium, Sugar, Additives.

Naglabas ang Health Magazine ng mga pagkaing PINAKAMASUSTANSYA, at konti at halos walang Fat, Sodium Sugar at preservatives. Ex. Coke Zero walang Fat, walang Sodium, walang Sugar, pero sandamakmak ang additives.

Kung gusto ng buhay na mahaba, eto ang mga puwedeng kainin. Iyong iba nga lang sobrang mahal, at iyong iba di masyado masarap. Pero gusto nyo ng pahabaan di ba?
1. Black Beans
2. Blueberries
3. Carrots
4. Oats
5. Spinach
6. Tomatoes
7. Walnut
8. Yogurt
9. Turkey
10. Salmon
11. Almonds
12. Lean Tenderloin Beef

Naglabas din ang Health magazine ng WORST FOOD IN THE PLANET list. Again, kung gusto nyong humaba ang buhay ninyo...

10. Hotdog
9. Luncheon Meat/Tocino
8. Donuts
7. Pan/Thick Crust Pizza
6. Frapuccino with Whipped Cream
5. Fast Food Fried Chicken
4. Chips
3. Soft Drinks
2. Ice Cream
1. French Fries

Sunday, June 14, 2009

Ayka's 1st day

Tomorrow, June 15 is Ayka's 1st day at Work. Very happy for Aix and Tita Bhogs and Par. Sa Tandang Sora siya mag-wo-work, which is good kasi di masyado malayo at accessible sa transpo. Ang trabaho niya ay para sa supplier ng Jollibee. Very good!

Eto usapan namin kanina, habang nag-lunch:

Aix: Tito, magpapapila na po ba ako dahil may trabaho na ko?

Me: Oo naman, puwera na lang kung matanggal ka sa trabaho.

Aix: Ay sige po, magpapatanggal na lang ako sa December.

Ayos! 1st day pa lang, tanggalan na ang usapan.

Kidding aside. Good Luck Aix!

Edith's Apartments Blessing

Ate Edith, dapat mo na talagang bigyan ng pangalan ang apartments mo. Para na rin sa marketing. Pero nice talaga ang apartments na ito - dahil comfy, sosyal, bago at mura pa.

Sa 3 araw ng Independence Day weekend, 2 beses nagkita ang PB. At eto nga Sunday ang official blessing ng apartment complex ni Ate Edith.

Eto ang mga naalala ko, please feel free to add:

1) Love the Food!
- Ngayon lang ako nag-second round na tilapia. Di ko kasi favorite iyon e (matinik kasi). Pero ang sarap talaga - minatch ko pa sa mango-tomato salsa, sarap. Nagustuhan ko rin ang macaroni na hinalo sa lettuce. Actually lahat masarap. Maski iyong fried chicken, naka tatlo nga ako. Yummy. Iyong lechon kawali din pinaliguan ko ng sauce, masarap talaga. OK din yung Paella. Nagustuhan daw ata ni Father.

And of course the alimango is so delicious. Malamang ang mahal nito hehe. Sosyal din ang dessert at healthy pa - lychees, pineapple at yellow watermelons.

Di ko natikman ang kare-kare at mga hipon. Dami ko na ngang nakain e. Kumusta?

2) Paagaw
Kung ang intensyon ng mga tao ay makakuha ng blessing mula sa paagaw, bakit kailangang bilangin at magkumparahan ng presyo? Sabagay, sabi nga nila count your blessings. hehe.

Marami nga nagsabi na di nila gagastusin ang mga naagaw na pera. Kung ganun bakit sandamakmak ang inagaw mo? haha

Pero masaya talaga ang paagaw. Kaso naghihintay ata sila ng mga 100. hahaha

3) 16 rooms
Alam ko pangarap eto nila Ditse e. Iyon bang magkaroon ng mga pinto ng apartments, tapos uupo na lang sa tumba-tumba (rocking chair) at maghihintay ng pera. Eto ata pangarap ng mga taga-Gapan.

So really very happy kay for Tita Edith - 16 rooms, wow! 4 nga lang OK na e. Pinaguusapan nga namin ni Tito Jorge kanina e. Nag-agree kami ni TIto JOrge na bagay na bagay kay Tita Edith ang ganitong negosyo, kasi ang ibang anak niya ANTATAMAD hahaha (sinabi ko ito habang naririnig ni Camae, so don't worry).

4) Walang kamatayan
inferness, nag-aalangang mag-Poker si Tito Jim, kasi nga blessing e. So si Tiyong ata ang nagpaalam kay Tita Edith.

Naisip ko nga, nakakahiya ba talagang mag-poker sa newly-blessed apartment complex, habang andun ang pare? Oo ata e. Kaya...

Nag black-jack na lang kami. Yoohoo. Kung nag-ayawan after 5 deals, e taob na sana ang bangka ni Par. KAso inabot na kami ng early-dinner, kaya ayan - everybody is a loser. Well except Tita Dang pala who won 100%. Congrats. Of course si Par ang nanalo.

5) Tsismis
Ang dami naman palang tsismis nung House Blessing. Kung gusto niyong malaman kung ano, sulat nyo lang sa akin.

Kung gusto nyo akong pigilan, hehe, sulat din kayo.

Hmmm. kelan kaya ang susunod na pagkikita-kita?

Saturday, June 13, 2009

Congratulations Charisse

Na-promote si Charisse to General Manager last week. Ang company niya ay ang Lucky Clover Trading. Puwede nyong bisitahin ang site nila sa www.luckyclovertrading.com.

Mahusay! Evot, puwede ka ng di masyado magpakahirap sa kumpanya mo. hehe

Eto ang description ng Luck Clover:

Our Baskets Division We carry a fine selection of wholesale gift baskets, tray baskets, planter baskets, home accent baskets, utility baskets, wicker baskets, and closeout baskets. For years, The Lucky Clover Trading Co. has served the wholesale gift basket industry, the wholesale floral and garden industry, the restaurant and hospitality industry, other industries with specific niche requirements for wholesale wicker baskets. Today, our company has firm footing as one of the industry's most experienced wholesale gift baskets distributor, offering one of the greatest selections of wholesale baskets when it comes to quality and price.

Friday, June 12, 2009

Happy Birthday Ian

Happy 1st Birthday Ivan Aaron Neil!

Pag dating namin sa Meycauyan ng 12:10. Aba malapit ng matapos kumain ang mga bisita. Sabi nga ni Tito One, sobrang excited naman ang mga tao. At inferness, di late si Tito Jorge hehe.
- Catered ang food siyempre. Mga 6 na ulam ata + 3 desserts. Tapos bottomless softdrinks.
- May lechon din na pagkalutong-lutong ang balat
- Dahil sa clubhouse ginawa, meron ding swimming pool

Eto ang mga natatanging ala-ala mula sa bday party.

1) WHATTA PLATO?!
- Nagulat, natawa at nalito ako dito. Talagang pinipilit kong tanggalin ang pinggan sa plastic. UNtil sawayin ako ni Tita Yet, to say na sa plastic kakain. Hahaha. Kakaiba naman ang patakaran ng catering na ito, talagang ayaw ng maghugas. ayaw pang magpalit ng pinggan. Baka puwedeng wag ng pinggan next time - sa kawali na lang kumain!

Hmmm. baka puwedeng ganyan na lang sa bahay.



2) 3G in-charge
- Nice to see the tweens in charge of the program
- Sila Camae, Rap-Rap and Unyoy na ang humahataw ng program
- At si Ralph Kevin Domingo din ang mabangis na host.
- Good Job 3g




3) Nagkasakit si Karen


4) Ang walang kamatayang parlor games
Naalala ko nung 1980s at 1990s eto mga palaro natin: Dance Contest, Trip to Jerusalem, Kembot-Kembot.
Wow, 2009 na yan pa rin ang mga laro natin. Haha. Pero OK lang, mababaw naman kaligayahan ng PB


6. Ang pinakamukhang Artista sa PB

Lumapit si Andrei sa akin. Sabi niya picture-an ko raw siya. E di pinicturean ko nga. Tapos hinihingan ako ng 100pesos pagkatapos. Talagang magiging artista nga ito balang araw.


7. Masayang Audience



8. For the first time
Nanalo si Tito Jim sa Poker. Nice! Considering 8 ang pinataob nya. Di ko sure kung natuloy pa ang Round2?
Ano pang naalala nyo from the Party?
Kita-kita sa Sunday.

Thursday, June 11, 2009

Happy Birthday Tito One!

Si Tito One ang most-awarded male Performer ng PB. Basta may contest ng performance, lagi siya nananalo. Singing, Dancing, Acting, Costume, Joke - lahat yan napalunan na niya.

Pero para sa mga di nakakaalam, honor student din siya. Asa ibaba pa nga ang mga ebidensiya.














Happy Birthday Tito One!

Wednesday, June 10, 2009

Kusa

Ang pagkukusa ay iyong hindi mo pa inuutos e ginagawa na. Pro-activeness kung baga. Bihira lang meron nito, kaya nga pag meron ka nito e mabilis kang umangat sa school o sa trabaho.

Example:
Kapag ang Tito o Tita mo e kumakain ng tanghalian. Aba e di ikuha mo ng juice o tubig ng hindi na kelangan utusan pa.

Mainit? E di paypayan mo na sila.

Ang may pagkukusa naalala sa pilahan =).

Gadgets and techies

Lalabas na nga ang bagong iPhone3Gs. Ang WII Fit, meron na ring sensor para ma-monitor ang heartrate habang nag-e-exercise. Magkakaroon ng bagong PSP at maglalabas ang Palm ng panlaban sa iPhone = iPhone+Blackberry in 1.

Ang interesting sa mga gadgets: phones, game consoles, techstuff - ang mga postive ay yun din ang mga negative. Eto mga example.

* Daming pagpipilian
+ sa dami ng kumpanyang gumagawa, meron talagang fons at mga gadgets na nababagay sa iyo. Maglalabas ang Nokia ng communicator. Gagawa naman ang Apple ng iPhone, tapos gagawa rin ang Samsung na merong touch screen
- dahil sa dami ng pagpipilian, di na puwedeng mag-mass produce. konti ang bibili ng bawat model&style. so mahal ang presyo

* Laging merong bago
+ ang bilis ng takbo ng buhay, ang bilis din ng labas ng mga gadgets. uso na rin na pinagsasama-sama ang mga features: phone+camera+video+musicplayer+IM+wallet+more. Tuwing may bagong pangangailangan, may bagong gadget. Nice.
- Ang problema, kabibili mo pa lang ng phone mo, laos na! May bago ng uso. So mag-swa-swap ka na o bibili ng bago.

Ikaw, gaano ka kadalas magpalit ng cellphone?

Fon Chat

Ilalabas na ng Apple ang bagong iPhone next week sa America, at sa ibang mga bansa sa August. Ang pangalan ay iPhone 3GS. Mas mabilis daw ng di hamak sa iPhone ngayon.

Eto pa mga features:
- bagong camera na puwede sa video, at puwedeng mag-zoom! i-ta-tap mo iyong parte ng picture na gusto mong i-enlarge at mag-zo-zoom dun. Nice!
- longer battery life
- Di rin tataas ang presyo. Ibaba ang presyo ng lumang iPhone
- Eto ang astig, pag nawala mo phone mo:
If you lose your phone, Mobile Me will display a Google Map that shows where your iPhone is, as long as it's turned on. You can then send a message to the phone, and it will sound an alarm, alerting nearby people to save it for you. If you think you've lost the phone permanently, you can remotely wipe all your data; if you find your missing phone later, you can plug it into iTunes and restore all your data.

http://edition.cnn.com/2009/TECH/06/08/apple.iphone.wwdc/index.html?iref=mpstoryview


Mag-ipon na kung gusto ng bagong iPhone.

Another 1 from Kevin

"It's funny how day by day nothing changes...

but when you look back,

everything is different"


Wow! please explain.

Tuesday, June 9, 2009

Lahat Kinakain Mo?

Pag tinatanong tayo kung kumakain tayo ng ____, minsan nasasabi natin na "lahat kinakain ko".
Pero gaano ba ka-totoo ito? Ano ang ibig sabihin ng lahat kinakain mo?

Nung bata ako, ang dami kong hindi kinakain. Halos lahat ng gulay di ko kinakain hehe! Akala ko kasi pag di ka kumakain ng gulay e sosyal ka. Malaking kalokohan. Pero syempre ngayon, ang dami ko na ring kinakain.

- Ampalaya with egg? Yes!
- Natuto akong kumain ng okra dahil naloko ako sa Japan - akala ko Tempura.
- Puso ng Saging, dahil sa Kare-Kare (hehe)
- Frog Legs kasi inorder ng mga Singaporean. yoko namang magpa-cute.
- Camel steak sa Dubai (sayang naman ang pagkakataon)
- Ipis sa Peru. Inihaw naman e =)
at marami pang iba!

Kayo ano ang mga pambihirang nakain nyo na? Huwag yung sobrang kadiri ha.

Monday, June 8, 2009

Kevin strikes again

think of this simple irony of life...

"When you've fallen asleep in the midst of noise, the only thing that can wake you up is silence..."

OK, now please explain. Ano raw?

What's the best BBQ in town?

Naniniwala ako na ang pagkain ay dapat multi-sensory. Meaning nararamdaman ng maraming senses. Eto ang example:

Taste - obvious
Sight - dapat masarap tignan ang bbq. Walang dugo-dugo at di naman nagtututong
Touch - dapat di kadiri na malagkit, at malabsa
Hearing - haha syempre not applicable
Smell - dapat masarap
Sense of Cost - he he, dapat hwag naman sobrang mahal

Maraming may gusto sa Ineng's bbq. Kasi nga accessible - dami na sa paligid-ligid. Medyo mahal nga lang.

OK din sana ang Floring's bbq. Kaso nakaka-turn off ang smell. Amoy hindi masarap, although masarap naman pati ang sauce.

Para sa inyo ano ba ang best bbq in town?

Tula para sa Suman

Merong maliit ng tindahan sa kanto namin. Simple lang talaga, at ang tindi ay suman at bibingka. Maski nga si CHe-Che adik sa suman nila. Dahil masarap talaga. Lagi kasing bagong luto

Nainspire tuloy akong gumawa ng tula

Ang Suman sa Kanto Namin

Masarap
Mabili
Kaya Masarap Kasi Mabili
Kaya Mabili Kasa Masarap
Kaya Masarap, Kaya Mabili
Kasi Mabili, Kaya Masarap

Adik sa Poker

Official na - adik na talaga si Tito Ayo sa POker sa Facebook. Inuumaga na siya madalas. Tapos maski bago mag-dialysis e nag-po-poker pa rin. Ang virtual money nya ay more than 1Million pesos na! Si Kevin medyo palang - more than 500k pa lang pera niya. Ako ang pinakabaguhan sa poker, at ang pera ko ay 100k pa lang at di pa talaga ko adik.

Ang mga usong on-line games ay Mafia Wars, Yoville at Street Racing. Di pa rin mawawala ang Cabal at Left for Dead, syempre.

So huwag magpahuli at maglaro na. Bawal lang ma-adik.

Saturday, June 6, 2009

Tennis Fans

Para sa mga tennis fans: Si Roger Federer ang maglalaro sa Finals ng French Open. Kalaban nya si Robin Soderling ng Sweden. Magsimula ang laban ng 8pm - only on Balls channel.

Friday, June 5, 2009

Who will win?

Among our "ali-pila-lipins", sino sa tingin nyo ang pinakamaraming makukuhang pila? Kung ito ang mga contests?

Singing Contest -
Pinakamasunurin -
Dance Contest -
Drama Contest -
Spelling Bee -
Math -
Pagtula -
Papogian Contest -
Pagandahan Contest -
Search for the PB's Top Model -
Paramihan ng makakaing saging na saba -
Sino ang susumpungin at walang makukuha -

Thursday, June 4, 2009

PB Christmas 2009 Theme suggestion: PILAHAN ALL DAY

Pilahan all-day! Di ba ang saya?

Kung matutuloy pa ang PB Christmas in 2009...Pinagsama-sama ang mga comments & suggestions sa 2 posts. Puwedeng maging masaya ito. Puwede rin maging malungkot.

Ang magpapapila ang gagawa ng program, tapos ang mga pipila ang mag-e-entertain. Nice!

- Kung ayaw magpa-program at gusto lang magpa-pila lang, puwede rin.
- Kung gustong magpasayaw o magpakanta. Astig - lahat ng pipila kakanta o sasayaw. Depende sa performance: makukuha ang kaukulang pila
- Kung magaling, malamang maraming pila. Kung walang kakuwenta-kuwenta, malamang limos ang makukuha.
- OK dito, naka-prente lang ang mga magpapa-pila maghapon. Parang hari at mga cleopatra. Susundin ang utos. Nice!!!!!!
- Ang mga alipin naman, este mga pipila ay magtratrabaho buong araw
- Pag tatamad-tamad walang mapapala. Sa hirap ng buhay ngayong kumita ng pera amidst the crisis, parang bagay ito

Already like this!!!! What do you think?

Ulan, Araw, Ulan at Araw

kakaiba naman ang panahon ngayon ano? uulan 15 minutes, tapos aaraw. tapos babagyo, tapos aaraw - lahat yan sa loob ng isang oras.

dami nga umaangal sa traffic dahil sa pag-ulan at pagbaha.

Kahapon 2.5 hours ang byahe naman papuntang airport. Back to Singapore na si Tita Che-Che. Buti na lang maaga kami umalis. Pero dahil na rin sa panahon, ang flight ni Tita Che-Che na scheduled for 1:30 nakaalis ng 5pm. Nye! Parang 3 oras siya nakaupo sa eroplano na hindi umaandar - naghihintay ng araw. Mabuti na rin siguro mag-ingat, nabalitaan nyo naman siguro nangyari sa Air France 447. Misteryosong nawala sa radar at nag-crash pala sa Atlantic Ocean, 3 hours into the flight.

Pauwi naman kagabi, another 2.5 hours. Traffic sa Makati, traffic maski sa Skyway. 2 oras ata ng byahe sa skyway lang. Nahilo na nga si Ma e.

Kayo, di na-trapik?

Tuesday, June 2, 2009

Pilahan Mania

Sobrang nakakatawa at nakakatuwa naman ang mga comments tungkol sa post ng pilahan. Pero ang masasabi ko lang ay...EXAGG!!!! hahaha

At sino ba ang nagsabi na tatanggalin ang pilahan? haha. pakibasa nyo nga ang post bago mag-reak. ang sabi ay: baguhin ang pilahan, i-improve, pagandahin, gawin exciting not necessarily tanggalin.

So thanks sa mga suggestions - na nice naman. Iyong iba walang kuwenta hehe. Meron pa kayo suggest?

Wow! Tsismis and others

Talagang tumatanda na kami! Malapit ng magkatrabaho sila Kevin, Kriza and Ayka! Amazing.
Kaya pala meron akong nabalitaang nagbakasyon sa Bora. Haha na-nyismis pa.

Parang kelan lang ay ang cu-cute na mga bata ng tatlong yan. Tapos ngayon magtratrabaho na sila. Very nice. at hindi na pipila!!!

Tingin ko ibahin na dapat ang format ng pilahan na yan. Nagiging corny na rin. Saka 2009 na e, dapat bago na. Agree ba kayo Kevs, Kriz and Aix? hehehe

Ngapala, anong cellphone iyong "at iba pa"? wala na kong maisip sorry.

Monday, June 1, 2009

Talaga lang ha?

At sino naman ang 4 na merong iPhone sa PB? haha talagang inungkat pa. Dahil naiinggit ako, at iniisip ko talagang bumilinito.

Sino po ang apat na merong iPhone sa PB?

Deep Quote from Kevs

"While we're busy looking up at the balloon...


We never realize that there's an ice cream melting in our hand."


DI ba ang lalim? Anyone willing to attempt and explain?