Thursday, June 4, 2009

PB Christmas 2009 Theme suggestion: PILAHAN ALL DAY

Pilahan all-day! Di ba ang saya?

Kung matutuloy pa ang PB Christmas in 2009...Pinagsama-sama ang mga comments & suggestions sa 2 posts. Puwedeng maging masaya ito. Puwede rin maging malungkot.

Ang magpapapila ang gagawa ng program, tapos ang mga pipila ang mag-e-entertain. Nice!

- Kung ayaw magpa-program at gusto lang magpa-pila lang, puwede rin.
- Kung gustong magpasayaw o magpakanta. Astig - lahat ng pipila kakanta o sasayaw. Depende sa performance: makukuha ang kaukulang pila
- Kung magaling, malamang maraming pila. Kung walang kakuwenta-kuwenta, malamang limos ang makukuha.
- OK dito, naka-prente lang ang mga magpapa-pila maghapon. Parang hari at mga cleopatra. Susundin ang utos. Nice!!!!!!
- Ang mga alipin naman, este mga pipila ay magtratrabaho buong araw
- Pag tatamad-tamad walang mapapala. Sa hirap ng buhay ngayong kumita ng pera amidst the crisis, parang bagay ito

Already like this!!!! What do you think?

7 comments:

evot said...

I AGREEEEE!!! hehehe =)

Che said...

I VOTE FOR THIS! hahaha

Pwede din magpa quizbee, spelling bee(ang magkamali walang pila), fashion show, magpalaba, magpaplantsa... ang saya saya!

charisse said...

Agree din ako...Kung mgpapapila na din me...hehehe...

ayo said...

ang saya nyan!... Teka san nga ba ako? Pipila ba ako? Wag na lang yan, corny, hehe...

jorge said...

ok ako sa ideya na to! basta relaks ang nagpapapila, agree ako!

boyet said...

ok ang idea mo tito Ido kung ang objective ay mailabas ang talent ng mga kids ng PB na pipila, 100% agree ako dyan! pero kung ang pahirapan ang mga kids na pipila para lang makakuha ng aginaldo sa pasko ay di ako pabor diyan. pwede naman cla mag-present ng talent nila. Hindi kailangan ibase ang halaga ng matatangap nila sa gagawin nila sa pila. Di ba noong panahon natin ay di tayo pinahirapan ng mga nagpapapila hangang sa maka-graduate na nga tayo sa tradisyonal na pilahan? Ito naman ay opinyon ko lang.

Anonymous said...

eh paano ung mga sanggol? d na pipila?

O ung mga magulang ang magpeperfom?