Friday, June 26, 2009

Dangerous Exhibition

Jologs talaga ako! Naalala ko kasi nung nabalitang namatay si Jay Ilagan, at umiiyak si Amy Austria habang sinasabi - sana talaga nag-helmet siya. Ang tagal na nun ano, bata pa ako. Favorite ko kasi si Jay Ilagan e, matalinong aktor (Kisapmata, Soltero, Palipat-lipat, Sr. Stella L. etc - lahat magagandang pelikula).

May pupuntahan lang daw kasi siya malapit nun, kaya hindi na siya nag-helmet nung nag-motor siya. Di na siya nakabalik ulit.

Sandamakmak na talaga ang motorsiklo sa paligid, maski na sobrang dami ng na-a-aksidente. Ang matindi, marami pa rin ang hindi natututo. Sa pagmamasid, eto ang mga "Exhibition" na nakikita namin sa mga nag-mo-motor: (dagdag din kayo)

1) HAPI HOUSE
- Si Itay, Inay, Kuya, Ate at Bunso sa isang maliit na motorsiklo. At lahat sila walang helmet.

2) UPONG 10 piso
- Dahil naka-skirt si Ms., sa harap siya nakaupo ng sideways (para hindi masilipan)

3) MAINIT
- One hand on the motor, One hand on the payong.

4) RMWT
- Riding the motorcycle while texting

5) SOSYAL
- One hand on the motor, the other hand drinking water in a plastic cup. (Di ko talaga ma-gets bakit nilagay pa sa cup). kahapon lang ito.

6) TOUCH THE CAR
- Habang nagmomotor, pupunta sa gilid nag kotse hahawakan ang kotse, at parang aandar na naka-angkas. wow talaga!

7) BIKE
Eto kanina lang. Driver na walang helmet. May angkas na na mama na nakahawak sa bisikleta. Sabay silang umaandar! hahaha

3 comments:

Che said...

Eto pa, HOOD INSTEAD OF HELMET!

...from Rina Jimenez-David's article nung wednesday

..."Just last week, we were turning into Aguinaldo Highway in Tagaytay when we saw a sign proclaiming: “No helmet, no travel.” Just then, a couple on a motorcycle passed us. The driver was wearing a helmet but his passenger, a woman, was not. “Hey don’t you see the sign?” I wondered aloud. At this point, the woman raised the hood of her sweater, and we had a good laugh. “No, a hoodie is not a proper substitute for a helmet,” I said aloud, though of course she didn’t hear me."

BF said...

Eh yung iba naka-helmet nga, di nanam nakasuot all the way, tipong nakapatong lang sa batok nila yung helmet!

ayo said...

grade school pupil, naka school uniform pa, me angkas na mas bata pa sa kanya, parehong walang helmet, travelling at 50 KmH (paliko)!!! Gosh