Wednesday, June 17, 2009

Wala

Nung Jan 2007, naipadala na ang huling telegrama sa America. Nakakalungkot na nakakatuwa. Nakakatuwa kasi ibig sabihin nag-i-improve na ang teknolohiya. May internet na kasi e, may cellphones na ang halos lahat. Aanhin mo pa ang telegrama? Nakakalungkot kasi, exciting talaga makatanggap ng telegrama - may thrill, may suspense may excitement. Isa pa, pang-matalino din ang telegrama, minsan mahirap maintindihan kung ano talaga ang message. Sabagay parang text din.

Wala na rin ang mga beepers. Cellphone naman ang pumatay dito. Aanhin ang 1-way communication kung puwede namang 2-way phone.

Matalino ang Yellow Pages. Alam nilang ang mga papel na Yellow Pages ay magiging pambalot ng isda sa palengke dahil sa internet at cp. Nagbago sila at nagkaroon ng Yellow Pages sa internet at sa cellphone. Mahusay.

Akala ko papatayin ng MTV ang Radio. Buti naman at di nangyari. Delikado kasing mag-drive habang nanunuod ng MTV.

Mawawala na rin kaya ang mga magazines? KAsi libre naman sa internet at madami pang puwedeng basahin. Ang planner kaya mamamatay din? Kasi nga may cellphone na.

Ano sa tingin nyo ang susunod na mawawala?

2 comments:

ayo said...

me encyclopedia pa ba? Wiki na uso eh...

alarm clock, halos lahat kasi me cel na eh...

Anonymous said...

sana celphone ang mawala ano kaya gagawin ng mga cel adik mwahahaha!!!!