Wednesday, June 10, 2009

Gadgets and techies

Lalabas na nga ang bagong iPhone3Gs. Ang WII Fit, meron na ring sensor para ma-monitor ang heartrate habang nag-e-exercise. Magkakaroon ng bagong PSP at maglalabas ang Palm ng panlaban sa iPhone = iPhone+Blackberry in 1.

Ang interesting sa mga gadgets: phones, game consoles, techstuff - ang mga postive ay yun din ang mga negative. Eto mga example.

* Daming pagpipilian
+ sa dami ng kumpanyang gumagawa, meron talagang fons at mga gadgets na nababagay sa iyo. Maglalabas ang Nokia ng communicator. Gagawa naman ang Apple ng iPhone, tapos gagawa rin ang Samsung na merong touch screen
- dahil sa dami ng pagpipilian, di na puwedeng mag-mass produce. konti ang bibili ng bawat model&style. so mahal ang presyo

* Laging merong bago
+ ang bilis ng takbo ng buhay, ang bilis din ng labas ng mga gadgets. uso na rin na pinagsasama-sama ang mga features: phone+camera+video+musicplayer+IM+wallet+more. Tuwing may bagong pangangailangan, may bagong gadget. Nice.
- Ang problema, kabibili mo pa lang ng phone mo, laos na! May bago ng uso. So mag-swa-swap ka na o bibili ng bago.

Ikaw, gaano ka kadalas magpalit ng cellphone?

1 comment:

Che said...

Kuya, check this out: The Connected Car..hehe

http://www.economist.com/science/tq/displaystory.cfm?story_id=13725743