Ate Edith, dapat mo na talagang bigyan ng pangalan ang apartments mo. Para na rin sa marketing. Pero nice talaga ang apartments na ito - dahil comfy, sosyal, bago at mura pa.
Sa 3 araw ng Independence Day weekend, 2 beses nagkita ang PB. At eto nga Sunday ang official blessing ng apartment complex ni Ate Edith.
Eto ang mga naalala ko, please feel free to add:
1) Love the Food!
- Ngayon lang ako nag-second round na tilapia. Di ko kasi favorite iyon e (matinik kasi). Pero ang sarap talaga - minatch ko pa sa mango-tomato salsa, sarap. Nagustuhan ko rin ang macaroni na hinalo sa lettuce. Actually lahat masarap. Maski iyong fried chicken, naka tatlo nga ako. Yummy. Iyong lechon kawali din pinaliguan ko ng sauce, masarap talaga. OK din yung Paella. Nagustuhan daw ata ni Father.
And of course the alimango is so delicious. Malamang ang mahal nito hehe. Sosyal din ang dessert at healthy pa - lychees, pineapple at yellow watermelons.
Di ko natikman ang kare-kare at mga hipon. Dami ko na ngang nakain e. Kumusta?
2) Paagaw
Kung ang intensyon ng mga tao ay makakuha ng blessing mula sa paagaw, bakit kailangang bilangin at magkumparahan ng presyo? Sabagay, sabi nga nila count your blessings. hehe.
Marami nga nagsabi na di nila gagastusin ang mga naagaw na pera. Kung ganun bakit sandamakmak ang inagaw mo? haha
Pero masaya talaga ang paagaw. Kaso naghihintay ata sila ng mga 100. hahaha
3) 16 rooms
Alam ko pangarap eto nila Ditse e. Iyon bang magkaroon ng mga pinto ng apartments, tapos uupo na lang sa tumba-tumba (rocking chair) at maghihintay ng pera. Eto ata pangarap ng mga taga-Gapan.
So really very happy kay for Tita Edith - 16 rooms, wow! 4 nga lang OK na e. Pinaguusapan nga namin ni Tito Jorge kanina e. Nag-agree kami ni TIto JOrge na bagay na bagay kay Tita Edith ang ganitong negosyo, kasi ang ibang anak niya ANTATAMAD hahaha (sinabi ko ito habang naririnig ni Camae, so don't worry).
4) Walang kamatayan
inferness, nag-aalangang mag-Poker si Tito Jim, kasi nga blessing e. So si Tiyong ata ang nagpaalam kay Tita Edith.
Naisip ko nga, nakakahiya ba talagang mag-poker sa newly-blessed apartment complex, habang andun ang pare? Oo ata e. Kaya...
Nag black-jack na lang kami. Yoohoo. Kung nag-ayawan after 5 deals, e taob na sana ang bangka ni Par. KAso inabot na kami ng early-dinner, kaya ayan - everybody is a loser. Well except Tita Dang pala who won 100%. Congrats. Of course si Par ang nanalo.
5) Tsismis
Ang dami naman palang tsismis nung House Blessing. Kung gusto niyong malaman kung ano, sulat nyo lang sa akin.
Kung gusto nyo akong pigilan, hehe, sulat din kayo.
Hmmm. kelan kaya ang susunod na pagkikita-kita?
1 comment:
Ha? at ano naman kaya mga tsismis?
Meron ba? Pls email na lang sa yahoo ko para updated naman ako. Salamat
Post a Comment