Mukhang napasubo ata si Edith kay Tiyong nung Saturday, hahaha. Si Tiyong kasi ang next na mag-ce-celebrate ng Diamond Anniversary sa PB.
Ngayon pa lang, alam ko ng hindi ako aabot ng 75 years old. Masyadong stressful ang trabaho, at masyadong marami ang aking yosi, puyat, alak, at kung anu-anu pa. Ang tangi kong konsuwelo sa pampahaba ng buhay ay di talaga ako mahilig sa greasy food. Don't like iyong mga fried foods. Yoko rin ng french fries at generally lahat ng menu ng McDonalds hehe.
Kevin, lumabas na ang commercial against Second Hand Smoke. Eto iyong sinasabi mo dati na merong version si Obama. Sana next time naman may commercial against French Fries at McDonalds. Honestly, di ko sure kung mas masama ba ang 20,000 chemicals ng yosi o ang chicken nuggets (sigurado bang chicken yun?). hehe.
Kung gustong mabuhay ng matagal: eto raw ang 4 na golden rules:
- exercising regularly,
- staying slim,
- eating a healthy diet,
- and never smoking
Ayan, so tingin nyo tatagal kayo ng 75 years old?
3 comments:
kaya pala me sakit nako, di ko sinunod yung #2 and #3
naku sana...gusto ko lagpas 80 pa.
1. 5 hours of exercise a week, 3 times a week sa gym. improves sleep lalo na pag sa gabi ka nag-gym.
2. hindi slim pero i maintain within range ang bmi.
3. siyempre. tama yung avoid fatty foods lalo na pag diabetic. and sa oldies po: mabagal na po metabolism, avoid carbo po after 8 pm, para hindi maging diabetic and mahigh-blood.
4. hindi ako nag-iismoke..
Depende kasi kung kelan ako dapat mag-retire (from work).
If I retire at age 50, and I live 'til age 75, ang habang lakwatsa nun!...25 years of gala at gimik. Saraaap! Yun eh kung kaya pa physically... and perally, he he he.
Lesson is live a healthy life... and doble kayod!!!
Post a Comment