Wednesday, March 31, 2010

KANDIDATONG DI SIKAT

Maraming kandidato bilang Senador ang hindi kilala ng madami.  Hindi sila ka-level ng kasikatan ng mga nangunguna sa survey.

 
Actually di ko maintindihan kung bakit iboboto si Bong Revilla o si Lito Lapid o si Jinggoy Estrada, siguro may kanya-kanyang dahilan ang bawat tao.  Anyway, eto ang mga kandidato bilang senador na hindi showbiz at hindi sikat.

 
(DISCLAIMER:  Di ko sure kung iboboto ko sila ha, at di ko sila kinakampanya, pero dapat pag-isipan kesa naman kay Bong Revilla):

 

 
ALEX LACSON

 

 

 
(contents from Wikipedia)
Alexander L. Lacson is a Filipino lawyer, author, lecturer, and philanthropist  He is best known as the author of "12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country.

 

 
Because of the significance of Lacson's advocacies in a country faced with as the Philippines', one biographer has noted that "Alexander Lacson is more than just an author – he is a nation-builder." [1]

 
12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country

 

 
When Lacson and his wife Pia made a conscious decision to remain in the Philippines instead of searching for greener pastures abroad, they also decided to advocate the idea that conditions in the Philippines could be improved if individual Filipinos took action to improve matters, rather than move to another country. Lacson reasoned: “The answer is in us as a people; that hope is in us as a people.”

 

 
To further that advocacy, Lacson wrote the 108-page booklet "12 Little Things Every Filipino Can Do To Help Our Country," and had it published at the Alay Pinoy Publishing House in Quezon City.

 

 
The twelve little things mentioned in the book title are:

 
  1. Follow traffic rules. Follow the law.
  2. Whenever you buy or pay for anything, always ask for an official receipt.
  3. Don’t buy smuggled goods. Buy local. Buy Filipino. (Or, if you read the book, he suggests: 50-50).
  4. When you talk to others, especially foreigners speak positively about us and our country.
  5. Respect your traffic officer, policeman and soldier.
  6. Do not litter. Dispose your garbage properly. Segregate. Recycle. Conserve.
  7. Support your church.
  8. During elections, do your solemn duty.
  9. Pay your employees well.
  10. Pay your taxes.
  11. Adopt a scholar or a poor child.
  12. Be a good parent. Teach your kids to follow the law and love our country.

 The book's first printing sold out in spite of the fact that Lacson did not initially sell in major bookstores because their markup price was too high.

2010 Philippine Elections - Senatorial Candidates

Here are the names of senatorial candidates approved by Comelec:


Nereus Acosta Jr. – LP

Sharuff Ibrahim Albani – KBL

Zafrullah Alonto – Bangon Pilipinas

Ana Theresia Baraquel – LP

JV Larion Bautista – PMP

Martin Bautista – LP

Silvestre Bello III – Lakas-Kampi-CMD

Rozzano Rufino Biazon – LP

Bong Revilla – Lakas-Kampi-CMD

Henry Caunan – PDP-Laban

Pia Cayetano – NP

Rizalito David – Ang Kapatiran

Joey De Venecia – PMP

Miriam Defensor Santiago – People’s Reform Party

Franklin Drilon – LP

Juan Ponce Enrile – PMP

Jinggoy Estrada – PMP

Ramon Guico – Lakas-Kampi-CMD

Teofisto Guingona III – LP

Jo Aurea Imbong – Ang Kapatiran

Kata Inocencio – Bangon Pilipinas

Alexander Lacson – LP

Raul Lambino – Lakas-Kampi-CMD

Rey Langit – Lakas-Kampi-CMD

Yasmin Lao – LP

Lito Lapid – Lakas-Kampi-CMD

Alma Lood – KBL

Apolinario Lozada – PMP

Regalado Maambong – KBL

Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr – NP

Liza Maza – Independent

Ma Judea Millora – KBL

Ramon Mitra – NP

Ramoncito Ocampo – Bangon Pilipinas

Satur Ocampo – Bayan Muna Party

Susan Ople – NP

Sergio Osmeña III – Independent

Jovito Palparan Jr. – Independent

Imelda Papin – KBL

Zosimo Paredes – Ang Kapatiran

Gwendolyn Pimentel – PDP Laban

Rodolfo Plaza – NPC

Reynaldo Princesa – Bangon Pilipinas

Ariel Querubin – NP

Ralph Recto – LP

Gilbert Remulla – NP

Ma. Gracia Riñoza-Plazo – Ang Kapatiran

Sonia Roco – LP

Adrian Sison – Ang Kapatiran

Vicente Sotto III – NPC

Adel Tamano – NP

Reginald Tamayo – Ang Kapatiran

Hector Tarrazona – Ang Kapatiran

Francisco Tatad – Grand Alliance For Democracy/Gabaybayan

Alexander Tinsay – Bangon Pilipinas

Manuel Valdehuesa Jr. – Ang Kapatiran

Hector Villanueva – KBL

Israel Virgines – Bangon Pilipinas

Tuesday, March 30, 2010

PAYATOT

Pag payat ka, alaskado ka rin.  Eto naman ang senyales na sobra na ang pagdi-diet mo at nangangayayat ka na.

1) Nag-a-alay ang Africa para sa pagkain mo

2) Pag suot mo skinny jeans, mukhang slacks

3) Kinukuha kang model...sa Atanomy class

4) Kapag may bagyo, kelangan mong maglagay ng barya sa bulsa para di tangayin ng hangin

5) Nililibre a ng waiter pag kumain ka sa buffet

6) Meron kang 12-pack na abs

7) Pag nag-jo-jogging ka at nagdikit ang binti mo, tumutunog na parang chimes

MAJOBA

Pag summer, "in" ka kung sexy ka. Alaskado ang mga may bilbil. Eto ang listahan ng mga indikasyon na tumataba ka. Ayon sa Sunday Inquirer Magazine.


1) May nagtatanong sa iyo kung "Buntis ka ba?"

2) Pag pupunta ka ng buffet, nilalagyan ng waiter ng "Closed" ang restaurant

3) Kinukuha kang Artista sa TV ... para sa Biggest Loser

4) Sinisingil ka ng doble ng masahista - at bulag siya

5) Natutuwa si Sharon pag katabi ka

6) Ang XXXL na t-shirt ay tight-fit sa iyo

7) Pag nagpapa-picture sinasabihan ka ng photographer ng "Compress", e solo picture yon

8) Ang pinagliguan mo sa bath tub ay ginagawang pang-prito kinabukasan

9) Paborito ka ng mga surfers.  Pag lusong mo sa dagat, nagkaka-waves

10) Class 2 ang binabayaran mo sa toll maski kotse ang dala mo

Monday, March 29, 2010

Kung si TITO IDO ay... (The Trailer)



Exclusively for Ido's Bday. A PB Production. ABANGAN.

COLORS

Here is the challenge:  Give me 10 Colors in 1 minute?

Kaya nyo?  Eh, kaya rin ni Lolipot.  Yehey!  Congrats Lolipot.

Which means nakalabas na siya sa ospital kaninang hapon. 
Part ito ng memory-spelling-at-give-me tests =), officiated by the doctor.

More than Valedictorian

Pag ganito ang itsura ng mga natanggap na awards sa isang araw...



GOLD Medal for Best in Conduct Award

GOLD Medal for Academic Achievement

GOLD Medal Award of Distinction - 1st Place MTAP District Level

Trophy for Montessori School Quiz Grand Champion
....AND



The Most Prestigious Award

BIG TROPHY for MORNING STAR AWARD (parang Valedictiorian pero mas matindi pa).

Kasi may trophy na, may cash pa =).  At di cheap ang cash ha!




e si Gab na nga yan!

 

Congratulations Gab!  PB is extremely proud of you.

March, Medal, Meg

Alin ang paboritong month sa bahay nila Tito Egay at Tita Dang?  Malamang March



Meg receives 2 medals this year.
GOLD Medal for Best in Conduct. 



and SILVER MEDAL
for Academic Achievement



Congratulations Meg!

OK Naman

OK Naman pala si Lolipot.  Medyo pasaway pa rin at kain ng kain ng kung anu-ano. 

Lalabas na siya bukas.  Gusto na rin niya.  Yun na nga lang, kelangan nyang ipasa ang Memory Test at and Spelling Test.  Sabi ko na sa inyo may scientific relevance and mga spelling contests.

Medyo marami palang komplikasyon kaya ang hirap mag-prescribe ng gamot.  Gagaling ang isang parte pero maaapektuhan naman ng isa.  Lahat ng tests nagawa na raw nya - including MRI na sabi ni Miguel ay Magnetic Resonance (shucks! nakalimutan ko ang I).  Imaging pala!  Kinukuwento nga ni Tita Pin ang ginawa sa kanya sa MRI - na parang na-hypnotize daw siya.  Tulog daw siya, pero nakakasagot siya sa mga tanong ng doctor.  Shinampoo daw siya at kinabitan ng mga 6 na cable sa ulo niya.  Pina-taas ang kilay niya at pinangiti.

Apparently, hindi naman ganun nawala ang memory niya.

Pero gusto ata ng duktor na di niya mawala ang detalyadong memory ni Lolipot, kaya meron siyang memory tests halos araw-araw.  Ang medyo problema raw niya ay sense of balance.  Di siya makalakad ng diretso sa isang guhit.

Medyo sumablay nga lang pala siya kanina sa Sugar Test - mataas ng konti.  Kasi nga pasaway po di ba?

Anyway, overall OK naman si Lolipot.  Sana lang kung makalabas nga siya bukas from the hospital, e talagang magpahinga na siya.

Lolipot @ Asian

Mga 11:15 am ng dumating kami sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa.  Andun na si Tita Ate, at 2 araw na rin daw siyang nagbantay. 

Mga 1pm, dumating naman sila Tito Egay, kumpleto sila kanina, which means walang sidetrip sila Tita Dang after hospital hehehe.  Kasama sina Miguel, Gab, Meg at Pia.

Bago umuwi, nagpa-pizza pa nga si Tito Egay.  Sobrang sarap!  Thanks Tito Egay. (and Gab =))



















Saturday, March 27, 2010

Ala-ala

Bukod sa pera, edukasyon, successful career, ang pinakamahalagang bagay ata ay ang ating ala-ala.  Lalo na pag nagkakaedad, parang ang memory o ala-ala ng  ay mas lalong nagiging importante

Naalala ko nung:
- Unang nag-host si Karen sa PB at the age of 7.  English speaking pa siya
- Na sobrang pangit ni Kevin nung baby pa sya.  Di ko akalaing maging ampogi niya paglaki
- Di ko makakalimutan ang award-winning performance ni Tita Edith sa GAUF during a talent night
- Ang gold medal ni Tita Tetes sa 100 meters dash sa Araneta.  Diko nga alam na mabilis sya tumakbo
- Ang walking doll na pasalubong ni Tiyong kay Tita Cheche

Hindi pa nakakalabas ng ospital si Lolipot.  Meron pa raw siyang mga memory tests na kailangang gawin.  Ang good news di naman sya totally nawalan ng ala-ala, meron lang tests na kelangan pang gawin.

Get well soon Lolipot.

Wednesday, March 24, 2010

March na naman

During the Pizza Party, sinabi ni JayE na honor daw si Ashlie.  Congratulations!

Sabi naman ni Tita Yet, Top7 daw si Julienne.  Congrats!

Sabi din ni Tito Boyet, honor student din daw si Tricia.  Mahusay!

Katulad ng nakagawian na sa PB Blog, pakisabi naman kung sino ang honor student at irecognize natin.  And please don't forget to send the evidence (pictures).

More Pizza Party Pics










Tuesday, March 23, 2010

Laki sa GameandWatch vs Laki sa PSP


Octopus ng Nintendo


Virtua Tennis ng PSP


Ito ang dalawa sa PINAKA- PABORITO kong console GAMES sa kasaysayan.  Last week, inabot ako hanggang alas-Dos ng umaga dahil hindi ko matalo si Davenport sa Level 5 ng Very Hard Level.  At matindi diyan, pang-6 na beses ko na yon.  Bigla akong napaisip...

May kaugnayan ba ang ugali ng generation ng PSP kesa sa generation ng GameandWatch?

Ganito kasi yan.  Sa PSP games, tulad ng Virtua Tennis at ng halos lahat ng laro.  Kapag na-dead ka, tatanungin ka, "Do You Want To Continue?".  Pag sinabi mo "Yes" tutuloy ka kung saan ka natapos.  Kung na-dead ka sa Stage 5, babalik ka sa Stage 5.  Maski God of War, o iyong sikat na LUXOR, ganun din. 

Naisp ko lang din ang Game & Watch.  Lalo na ang Paborito kong Octopus.  Sa Game&Watch kasi, meron ka lang 3 Misses, o 3 pagkakamali.  Pag na-dead ka, talagang dead ka, at uulit ka talaga from 0.  Example, maski 850 ka na pag 3 misses ka, babalik ka sa 0.  Walang reset ng stage, at walang "Do you want to continue", talagang uulit ka.

Sa Game & Watch nga, di ka puwedeng matagal mag-"Pause".  Malamang maubos baterya mo.  Pag naubos, Dead ka.  Eto naman ang advantage ng PSP, galing ng "Pause", at di ma-dra-drain baterya mo.  Sabagay rechargeable naman kasi ang battery so actually does not matter.

So, may kinalaman ba ang Ugali ng Generation dahil sa mga Laruan nila?

Di ibig sabihin na mas maganda ang PSP kesa Game&Watch.  Dahil parehas silang maganda.  For sure ma-co-cornyhan ang mga lumaki sa PSP pag naglaro ng G&W - boring 1 dimensional.  At malamang mainis naman ang mga laki sa G&W sa PSP dahil sobrang complex at di masyado challenging.

Tingnan nga natin:
Laki sa Game and Watch
- mas segurista.  mas maingat sa desisyon.  malaki ang kapalit pag nagkamali
- mas may pasensya
- mas matiyaga
- mas conservative

 
Laki sa PSP
- mas risk taker.  pag nagkamali, e di you learn from it, puwede namang ulitin
- mas adventurous
- mas creative, mas sumusubok ng anumang bagay
- mas daring


Monday, March 22, 2010

Tsismis at Updates

1) Last Saturday @ Taste of LA Cafe

Me:  Tita Rhoda, sabi po ni Dianne, mabait na siya

Tita Rhoda:  (no answer, just facial expression - sort of saying Diane's favorite expression - weh!)

mwa hahaha.

2) Byabyahe na po ulit si Tito Boyet sa April 12.  Korek, wala na po kasi ang tubo sa tiyan niya.

Me: Tito Boyet, natanggal na ba ang tubo mo?

Tito Boyet:  Ay oo, nung isang buwan pa

Me: Ah talaga, nakita mo ba yung tubo?

TB: Ah, hindi nga e.  tinapon na raw ng duktor

Me: Naku Tito Boyet, baka niloko ka lang nila, baka di talaga natanggal

TB:  Ah hindi na sumasakit e.

Me:  Naku baka nilipat lang nila yan sa ibang parte.

Manakot ba?
3)  Di ba nga si Tita Edith ay napunta sa Emergency Room nung Saturday dahil pa rin sa puso na yan.

Eto ang tsismis.  Paano naman daw, e pina-stress test ba naman siya ng duktor.  Iyon bang papatakbuhin ka sa treadmill habang nakakabit ang mga gadgets to measure your heartbeat.  Eh may sakit na nga siya e di ba.

Ayun, afterwards, sumakit daw talaga ang ulo niya ng sobra.  Tapos medyo namamanhid na raw ang ibang parts ng katawan niya.

Pero bago pa natin siya ma-get well soon dito sa PB Blog.  Aba, pumasok na siya sa Office kanina, Monday.  Mwa hahaha.  Astig talaga si Ate Edith.  Medyo pasaway din ano?

4)  Sobrang Blind Item

Nung Saturday after ng JL Pizza Party, nagkayayaan sina ______, _____ , _____, _____, _____, _____, _____, _____ at ____ na magpunta sa _____, dun sa _____.

Mukhang maagang na-_____ sila _____, kaya maaga palang ay umuwi na sila.  Di nga sila nakasama sa _____.

Ngapala, bago pa pumunta sa _____.  May isyu pa ng konti, dahil nag-kasagutan pa sila _____ at _____.  Kaya nga parang di na matutuloy.

Anyway,  _____ nga pala si _____ ng _____.  Yehey!! 

_____ na kami nila _____ at ni _____ nga mga _____ ng umaga =).  Pero _____ pa si _____ at si _____.  Adik!  mwa hahaha.

At least walang makakapagsabi na nagkalaglagan.  =).  Till next time.

Sunday, March 21, 2010

Welcome Back Ia

Marami ang nagulat dahil sa Special Guest ni TIto Jorge during the Pizza Party.  Yes!  Andito nga si Ia, for a couple of weeks.  Wala na kasing pasok.  So andito siya hanggang April 1.  April 1 babalik na siya ng Japan.



Magkatapat kami ni Ia sa table.  So sa pagitan ng mga subo ko ng pizza, nakapagkuwentuhan din naman ako.  hehe.  Marami nga kami napagkuwentuhan ni Ia.  Kaso nga itong si Ashlie e pasaway din, at ang sarap nga ng pizza, so ang daming interruptions.  Pero eto ang napagkuentuhan namin.

SALITA
Magaling na pong mag-Nihonggo (o Japanese) si Ia.  In fact, ang usap nila sa klase ay Japanese na nga.  Tinanong ko nga siya kung nanunood na siya ng sine in Japanese - the answer is yes!

UNIVERSITY
After ng isang taon sa pag-aaral ni Ia ng Japanese, mag-a-aral na siya ng kursong Economics sa Shiga University.  Ito raw kasi ang ni-recommend ng teacher niya.  Nalimutan kong itanong kung sa Otsu campus ba siya o sa Hikone.  Malamang sa Otsu, kasi may lake dun.  Sabi ni Tito Jorge, in his next visit, mag-fi-fishing siya.

Ang Otsu ay paboritong tambayan ng sikat na poet na si (Matsuo) Basho.  Naging inspirasyon malamang niya ang lake sa kanyang mga Haiku (mga tula).  Kilalanin ninyo si Basho ha?  Mahusay talaga siya, at isa nga sya sa paborito kong poet.

MAG-ISA
Tinanong ko si Ia, kung nagluluto ba siya.  Ang sagot niya ay isang matamis na ngiti, at sinabing bumibili po.  Hehehe.  Sabi ko kasi sa kanya, isa sa mga problema ng mag-isa ay ang pagkain.  Minsan nakakatamad ng maghanda ng pagkain - dahil nga isa ka lang.  Pero kung bibili hehe, ayos yun!  at least lagi kang may pagkain.

PERA
Ang yen pala ngayon ay halos kalahati ng piso.  Ibig sabihin 500 Yen = 250 Pesos.  (tama ba ito, Ia?).   Tinanong ko kasi siya kung magkano ang sushi at sashimi dun e.  Iniisip ko kasi na baka sobrang mura dun.  Parang hindi naman pala sobrang mura, pero at least sashimi di naman sobrang mahal, compared sa ibang lugar.

CLASSMATE
Kinuwento rin ni Ia na (syempre) ang mga classmates niya ay foreigners.  (Parehas lang tayo kung di nyo naisip kaagad yun).  Di ba nga, language class iyon, so wala siyang classmates na Japanese =).  Meron daw siyang classmate from Mongolia at Romania, at kung saan-saan pa.  Pero nag-iisa raw po siyang taga-Pilipinas.

POCKY
May pasalubong si Ia sa mga nagpunta sa dinner.  Napakasarap na Chocolate Pretzels.  Sa sobrang sarap, sinantabi na ni Tita Yet ang kahihiyan niya at harap-harapang nagbulsa.  Silid sa bag, silid sa plastic.  Pati po kahon at plastic ay gusto pang iuwi, kung di ko lang napuna.

Promise, eto po ang best Chocolate Pretzel sa buong mundo.  (teka, wala namang Pretzel ang Royce ano?  Eto kasi ang pasalubong ni Ia kay Tito Jorge - ang mala-ginto sa presyong chocolate)






Pizza Party

Ang ganda pala sa Taste of LA Cafe.  Marami sa amin ang first time lang makapunta dun.  Para siyang bahay nung panahon ng Kastila - na siyempre pinaganda pa para maging restaurant.  Parking pa lang maganda na, kasi galing nung mga ilaw.





Pagpasok mo sa loob, sosyal din ang ambience.  Ang dilim nga e, kaya kita nyo sa mga pictures na parang brown-out.  De-kandila ang bawat lamesa.  Sa mesa nga namin mga 7 ang kandila.





Nakarating ako ng almost 8pm na.  Late samadaling salita.  Pero not for lack of effort, dahil umalis ako ng Makati ng 5:45.  Sobrang traffic sa Edsa.

Pagdating ko andun na siyempre ang Birthday Pizza Boy Tito Jorge, Tita Helen, at Ia, yes nagbabakasyon siya sa Pilipinas until April 1.  Sabi ni Kuya Jorge, kararating lang daw nila Tiyong, Tiyang, JayE, Evot, Tito Jim, Julienne, at Ashlie.




Mga 15 minutes after dumating na rin sila Tito Boyet at Tito Rhoda.  Mga 8:40 naman dumating na sina Par, Ditse, Nanay, Tita Ate, Kevin, Ayka, Tito Ayo at Siony.  Para buo na ang barkada, dumating na rin sila Tito Egay at Tita Dang.  All-in-all, 24 apat kami.  Talagang Party!






Pagdating, may pagkain na kaagad.  4-cheese pizza ang una kong inupakan.  Sobrang CHEEEEEEESY!  Ang sarap talaga.  Masarap na ang topping, pero lalong mas masarap ang crust.  Sabi nga ni Tito JOrge, kasi nga pugon ang ginagamit, at nandun nga ang pinakamatandang Pugon sa Metro Manila.

May isa pang pizza dun na merong mushroom at meat.  Sorry di ko na inalam ang pangalan, kasi nga po tomguts na talaga ako e.  Meron din palang Buffalo Wings na ang sarap din medyo maanghang ng konti.

Tantya ko mga 30 pizza ang naihain sa amin.  Ako marami talagang nakain =).  Huwag na lang sabihin kung ilan.  Kasi, tapos na ang lahat kumain, may pizza pa rin ako hehe.

MARAMING SALAMAT TITO JORGE!  Nadala mo na naman kami sa isang kakaibang lugar.  Nag-level-up ka na talaga!  Sobrang sarap ng food, ang ganda ng ambience.  Pasaway lang ang katabi ko (Ashlie), otherwise a PERFECT PIZZA PARTY!

A Taste of Tito JL's Pizza Party










Saturday, March 20, 2010

JL Pizza Party (Level-up na) Registration List

Sosyal talaga ng party na ito - may RSVP pa.

1) Tito Jorge
2) Tita Edith
3) Tito Ido
4) Tito Boyet
5) Tito Ayo
6) Tita Siony
7) Evot
8) Tito Par
9) Kevin
10) Ayka
11) Lola Nanay
12) Jim
13) Jaye
14) Sheila
15) Lolo Tiyong
16) Lola Tiyang
17) Tita Ate
18) Ditse

Bilang pagpupugay sa ating may-bday, Late na po ako darating sa party.  Actually baka late din si Tito Jorge darating (hahaha), so huwag masyado maaga dumating at wala naman pong picture-an dun.

Happy Birthday Siony

Friday, March 19, 2010

Peck?

Malamang nakita nyo na ang campaign ad niya sa likod ng mga Bus.  Di ko nga naintidihan kung ano ang kinakampanya nya, dahil nakita ko for President.  President ng ano?

So, eto ang picture galing sa blog ni ForgFiles.  Malinaw na malinaw kung ano ang tinatakbuhan niya.  At kung ano ang plano nyang gawin =).


Thursday, March 18, 2010

JL's Bday

By Special Request, we will start the party at 7pm.

And with another special request.  Puwede bang malaman kung ilan ang makakasama?  Please use the comments section to "register"

As of 3/18: ang dami naming pizza kung 3 lang kami

As of 3/19 9am: 7 na ang kasali! Isa na lang ang sobrang hiwa sa 8 pizza.
As of 3/19 12:30pm: 11 na! Sana makahabol pa ang iba sa Early Bird Award.  Register na


So far:
1) Tito Jorge
2) Tita Edith
3) Tito Ido
4) TIto Boyet
5) Tito Ayo
6) Tita Siony
7) Evot
8) Tito Par
9) Kevin
10) Ayka
11) Lola Nanay

Congratulations na naman

Grabe naman, may congratulations na naman for TIta Che-Che.  Napili na naman ang paper na isinulat niya.  At iniimbitahan siya na i-discuss ang kanyang isinulat live.  Ah  e sa Portugal lang naman.

Congratulations Tita CheChe.  We are proud of you (again and again)

************
Sent: Tue 3/16/2010 2:38 AM
To: Soriano Cheryll Ruth R.
Subject: [iamcr2010] Editorial Decision on Abstract

Dear Cheryll Ruth Reyes Soriano:

Congratulations, your submission "Rethinking the Relevance of Postcolonialism in the Information Age: The Case of Blogosphere Discussions on Muslim Separatism in the Philippines" has been accepted for presentation at IAMCR2010 which is being held in Braga, Portugal, from 18-22 July 2010.

The deadline for receipt of full papers is April 30. Full papers are submitted in order to facilitate the work of our panel chairs in running the panels.

Presentations should be no more than 10 minutes long and may be presented in any of the three IAMCR official languages (English, French and Spanish).

Concert ni Manny sa Hawaii - Na-cancel

(galing sa Philippine Star)

Poor ticket sales knock out Pacquiao's concert


HONOLULU (AP) – A promoter says poor ticket sales have forced the cancellation of Filipino boxer Manny Pacquiao's upcoming concert Sunday in Waikiki.

Ryan Chang of Island Fire Productions said Tuesday he stood to lose about $50,000 on the concert, even with late sales and walk-ups.

Only 603 tickets had been sold for the show at the Waikiki Shell just days after more than 45,000 people — the largest crowd to see a fight in the US in 17 years — watched Pacquiao retain his welterweight title against Joshua Clottey in Texas.

Pacquiao was going to earn $100,000 at the "Manny Pacquiao Live In Hawaii Concert Celebration." He made at least $12 million for last Saturday's fight.

Reproductive Health Bill

Kontrobersyal ang Reproductive Health Bill.  Kasi nga kumokontra ang Catholic Church dito.  Nagiging criteria nga ito kung sinong kandidato para sa presidente ang iboboto o susuportahan ng simbahan.

Ano nga ba ang Reproductive Health Bill...alamin.

There are four bills pertaining to reproductive health and/or population management that have been filed for deliberation in both the House of Representatives and the Senate for the 14th Congress. These are House Bill No. 17 authored by Rep. Edcel Lagman, House Bill No. 812 authored by Rep. Janette Garin, Senate Bill No. 40 authored by Sen. Rodolfo Biazon and Senate Bill No. 43 authored by Sen. Panfilo Lacson.

The most controversial of these bills is House Bill No. 17 authored by Rep. Edcel Lagman. This bill, according to Rep. Lagman, promotes information on and access to both natural and modern family planning methods that are medically safe and legally permissible. It assures an enabling environment where women and couples have the freedom of informed choice on the mode of family planning they want to adopt based on their needs, personal convictions and religious beliefs.

House Bill No. 17, also known as the proposed "Reproductive Health and Population Development Act of 2008," will cover the following areas:

information and access to natural and modern family planning;

maternal, infant and child health and nutrition;

promotion of breast feeding;

prevention of abortion and management of post-abortion complications;

adolescent and youth health; prevention and management of reproductive tract infections, HIV/AIDS and sexually transmitted diseases;

elimination of violence against women; counseling on sexuality and sexual and reproductive health;

treatment of breast and reproductive tract cancers;

male involvement and participation in reproductive health;

prevention and treatment of infertility; and

reproductive health education for the youth.

The bill is controversial, as it is being opposed by the Catholic Church. The Catholic Church is against the use of artificial contraceptives.

Rep. Edcel Lagman, however, says that the bill does not have any bias for or against either natural or modern family planning. Both modes are contraceptive methods with a common purpose of preventing pregnancies.

Taste of LA Cafe

Location: 171 A. Roces Avenue cor. Tomas Morato, Quezon City

Ang Taste of LA Cafe ay merong "Fusion" theme or menu.  Di rin talaga siya pang-LA style.  Daming OK na food dito, pero ang pizza nga nila ay kakaiba.  Eto ang isang comment galing sa isang blogger sa multiply accoun niya:

Their pugon-baked,thin-crust pizza is something that you would keep coming back to. Its ingredients are fresh and generous and the taste made me and my best friend and food critic go "ohhh my god.".

Exciting di ba?
 
See you on Saturday?
 
(Tito Jorge, meron ka bang program?  games?  hahaha)

Wednesday, March 17, 2010

Pambansang Awit

So, asa balita na naman pala ang pagkakakanta ni Arnel Pineda ng Lupang Hinirang nung laban ni Manny nung Linggo.  Dapat atang kabahan ang bawat singer na maaatasang kumanta.  Madalas kasing na-i-issue sila.

(Panuorin ang kanta nina Christian Bautista, Martin Nievera, Kyla, La Diva at ni Arnel sa video sa itaas).

Sabi ni Arnel sa interview, sobra daw talaga siyang passionate at nadala ng emosyon, kaya napabirit siya nung bandang huli.  Inferness sa kanya, maganda naman ang kanta niya until nga nung huli.  Pero ewan kung dapat ba itong maging issue.  Sa dami ng kumanta ng Lupang Hinirang sa boxing match, for sure hindi naman ata ito ang worst - for sure mas pangit ang version ni CHristian Bautista - dahil nakalimutan niya ang isang stanza.  Panuorin na rin at kayo ang humsuga.

Monday, March 15, 2010

Happy Birthday Tito Jorge


Happy Birthday Kuya Jorge!  (anong oras nga sa Saturday =)

Get Well Soon Tita Edith

Di marami ang may alam, pero kakalabas lang ni Tita Edith today(Sunday) from the hospital.  Nagpapa-check-up lang sya ng regular last Thursday, pero di na siya pinaalis ng doctor.  Parang arrythmea ata ang nakita. 

Kelangan nyang mag-rest sa bahay ng mga 1 linggo.  So sana makapahinga nga siya ng mabuti.

Get well soon Tita Edith!

Sunday, March 14, 2010

Happy Birthday Tita Rhoda

Spun and Pork

Sobrang saya ng buong PB nung grumaduate si Karen last year.  Pero pagkatapos, medyo kinabahan din ako.  I mean, we love Karen to death, pero ano ang gagawin niya pagka-graduate di ba?  Kinakabahan akong magtrabaho siya sa hotel o sa restaurant, dahil baka makabasag siya ng pinggan.  O baka matapunan ng kape ang customers niya.

Actually pinipilit ko talaga siyang mag-aral sa ENDERUN, eto yung Culinary/HRM school sa may McKinley.  Iniisip ko kasi na wala siyang ma-da-damage habang nag-a-aral.  hahaha.

Nagtanong tanong din ako sa mga ibang hotels at restaurants tungkol sa mga prospects for Karen.  Kaso maliit talaga siya e =(.

So nung nabalitaan ko na today na pala ang mangyayari, I am excited for Karen.  Finally, eto ang bagay na trabaho para sa kanya.  At buti na lang din kasama niya si Christian (para may totoong magtratrabaho talaga).

Congratulations Karen!













Saturday, March 13, 2010

Busy Busy

Sobrang the past week.  Promotions nga kasi so ako ang official tagapagsalita ng kumpanya namin para mag-lecture sa mga bagong promote na supervisors, managers, at senior managers. Nakakasawa rin pala ang magbabad sa mga hotel.

Tapos dumating naman ang mga kliyente kong Pranses - at tatlong araw sila dito.  So buong linggo ay sobrang busy.  Matindi ito, kasi Pranses nga so nagyoyosi din.  So maski na yosi break at coffee kasama ko pa rin sila.  Wala talaga akong magawa.

Bukas na ang laban ni Pacquiao at Clottey.  Hmmm parang wala masyadong hype dito kumpara sa ibang laban ni Manny.  Sana maging madaling laban ito.

Tuesday, March 9, 2010

Korek Kayo sa BMI

Tama nga po talaga si Ka Ernie at si Vicky B - kinokonsider nga pala ang Gender at Age sa pagkuwenta ng BMI.  Kaya ayan na po ang mas high-tech na BMI calculator sa itaas.

Ipasok lang po ang mga datos (huwag na po tayong maglokohan sa weight and height at lalo na sa age, kung puwede lang). 

I-click ang SUBMIT.  Huwag nyo po i-click ang EMBED, dahil panggulo.

Lalabas ang report na may 3 tabs.  Ang unang report ay kung ilang calories ang dapat nyong kainin sa isang araw (medyo exag).  Ang pangalawang report ay ang BMI report - at sasabihin kung kayo ba ay overweight o obese.  (Maliban kay RapRap - malamang lahat tayo overweight).  Overweight daw ako!!!!  Gosh, sinungaling.

The 3rd report naman ay magsasabi kung ano ang ideal weight ninyo, mula sa iba't ibang theorists.

Enjoy!

Monday, March 8, 2010

Happy Birthday Kriza

Happy Birthday Ayka

BMI

Ang BMI o Body Mass Index ang isang panukat na ginagamit para sa kalusugan.  Sa pamamagitan ng BMI, malalalaman kung gaano kalusog ang isang tao.  O gaano kahindi.  Ito ang karaniwang ginagamit na panukat kung ang isang tao ba ay "Normal Weight", "Underweight", Obese.  Malalaman din dito kung high-risk ka ba sa Obesity.

Madali lang ito. 
1) Kelangan alamin mo ang timbang mo.  Dahil karamihan sa timbangan sa Pilipinas ay (English system) asa pounds.  Eto ang nasa ibaba.
2) Pangalawa, alamin ang height.  Gamitin din natin ang feet at inches, since ito ang pangkaraniwan.
3)  Tapos pagtapatin ang vertical at horizontal reading using the table below.  Pag Green ang kulay = OK!  Pag hindi, tignan ang table sa ibaba.  (tinanggal ko na nga pala ang mga 260 pounds and up, wala naman sa PB na ganun).


Halimbawa.  Kung kayo ay 5' 4" at 148 inches.  Kayo ay OK!  Pero kelangan lang mag-ingat kasi malapit na maging overweight.


Sayang

Sayang at hindi man lang kami nagkita ni Evot sa Dusit kanina.  Asa kabilang section kasi siya.

Evot, marami na ang nagtatanong.  Kelan ka raw manlilibre sa PB?

Friday, March 5, 2010

Tita Che-Che in Canberra

Tulad nga ng nasabi first time natin mag-post ng mga pics ng isang PB from Australia.  These are pics from Tita Che-Che, our Tita and cousin in Canberra.  (Tita Che-Che, please explai the sites)


Hindi po Sydney o Melbourne ang Capital ng Australia.  Ang capital ng Australia ay Canberra.



















Che, inferness pumayat ka ng mga 4 na guhit.  Congratulations!