Octopus ng Nintendo
Virtua Tennis ng PSP
Ito ang dalawa sa PINAKA- PABORITO kong console GAMES sa kasaysayan. Last week, inabot ako hanggang alas-Dos ng umaga dahil hindi ko matalo si Davenport sa Level 5 ng Very Hard Level. At matindi diyan, pang-6 na beses ko na yon. Bigla akong napaisip...
May kaugnayan ba ang ugali ng generation ng PSP kesa sa generation ng GameandWatch?
Ganito kasi yan. Sa PSP games, tulad ng Virtua Tennis at ng halos lahat ng laro. Kapag na-dead ka, tatanungin ka, "Do You Want To Continue?". Pag sinabi mo "Yes" tutuloy ka kung saan ka natapos. Kung na-dead ka sa Stage 5, babalik ka sa Stage 5. Maski God of War, o iyong sikat na LUXOR, ganun din.
Naisp ko lang din ang Game & Watch. Lalo na ang Paborito kong Octopus. Sa Game&Watch kasi, meron ka lang 3 Misses, o 3 pagkakamali. Pag na-dead ka, talagang dead ka, at uulit ka talaga from 0. Example, maski 850 ka na pag 3 misses ka, babalik ka sa 0. Walang reset ng stage, at walang "Do you want to continue", talagang uulit ka.
Sa Game & Watch nga, di ka puwedeng matagal mag-"Pause". Malamang maubos baterya mo. Pag naubos, Dead ka. Eto naman ang advantage ng PSP, galing ng "Pause", at di ma-dra-drain baterya mo. Sabagay rechargeable naman kasi ang battery so actually does not matter.
So, may kinalaman ba ang Ugali ng Generation dahil sa mga Laruan nila?
Di ibig sabihin na mas maganda ang PSP kesa Game&Watch. Dahil parehas silang maganda. For sure ma-co-cornyhan ang mga lumaki sa PSP pag naglaro ng G&W - boring 1 dimensional. At malamang mainis naman ang mga laki sa G&W sa PSP dahil sobrang complex at di masyado challenging.
Tingnan nga natin:
Laki sa Game and Watch
- mas segurista. mas maingat sa desisyon. malaki ang kapalit pag nagkamali
- mas may pasensya
- mas matiyaga
- mas conservative
Laki sa PSP
- mas risk taker. pag nagkamali, e di you learn from it, puwede namang ulitin
- mas adventurous
- mas creative, mas sumusubok ng anumang bagay
- mas daring
5 comments:
Game n Watch!
Na never ako nagkaroon kahit gustong gusto ko at nanghihiram lang sa mga adik na ayaw magpahiram (i.e. Ido & Ayo)! Favorite ko tong octopus :D
Grabe palang simple ng buttons nun no, left and right lang? pero ang saya nang laruin at that time...
haha. ano nga ang game and watch natin dati? alam ko meron tayong parachute. at parang yun lang ata.
ah oo nga-- sa atin ba yung parachute?
meron pa yung nag ha-harvest ng eggs... pero kay tetes yata yun hindi din sa atin!
oo nga,, tama!. Di ba Tetes, sa inyo iyong Game and Watch na Egg?
oo che...ido akin ung egg na game and watch na kapag di mo nasalo parang nagiging sisiw tapos matatalo ka na kasi game over. Ang tagal ko yata hiningi kay tito par un, ragalo nya sa akin.
Post a Comment