Sunday, March 21, 2010

Pizza Party

Ang ganda pala sa Taste of LA Cafe.  Marami sa amin ang first time lang makapunta dun.  Para siyang bahay nung panahon ng Kastila - na siyempre pinaganda pa para maging restaurant.  Parking pa lang maganda na, kasi galing nung mga ilaw.





Pagpasok mo sa loob, sosyal din ang ambience.  Ang dilim nga e, kaya kita nyo sa mga pictures na parang brown-out.  De-kandila ang bawat lamesa.  Sa mesa nga namin mga 7 ang kandila.





Nakarating ako ng almost 8pm na.  Late samadaling salita.  Pero not for lack of effort, dahil umalis ako ng Makati ng 5:45.  Sobrang traffic sa Edsa.

Pagdating ko andun na siyempre ang Birthday Pizza Boy Tito Jorge, Tita Helen, at Ia, yes nagbabakasyon siya sa Pilipinas until April 1.  Sabi ni Kuya Jorge, kararating lang daw nila Tiyong, Tiyang, JayE, Evot, Tito Jim, Julienne, at Ashlie.




Mga 15 minutes after dumating na rin sila Tito Boyet at Tito Rhoda.  Mga 8:40 naman dumating na sina Par, Ditse, Nanay, Tita Ate, Kevin, Ayka, Tito Ayo at Siony.  Para buo na ang barkada, dumating na rin sila Tito Egay at Tita Dang.  All-in-all, 24 apat kami.  Talagang Party!






Pagdating, may pagkain na kaagad.  4-cheese pizza ang una kong inupakan.  Sobrang CHEEEEEEESY!  Ang sarap talaga.  Masarap na ang topping, pero lalong mas masarap ang crust.  Sabi nga ni Tito JOrge, kasi nga pugon ang ginagamit, at nandun nga ang pinakamatandang Pugon sa Metro Manila.

May isa pang pizza dun na merong mushroom at meat.  Sorry di ko na inalam ang pangalan, kasi nga po tomguts na talaga ako e.  Meron din palang Buffalo Wings na ang sarap din medyo maanghang ng konti.

Tantya ko mga 30 pizza ang naihain sa amin.  Ako marami talagang nakain =).  Huwag na lang sabihin kung ilan.  Kasi, tapos na ang lahat kumain, may pizza pa rin ako hehe.

MARAMING SALAMAT TITO JORGE!  Nadala mo na naman kami sa isang kakaibang lugar.  Nag-level-up ka na talaga!  Sobrang sarap ng food, ang ganda ng ambience.  Pasaway lang ang katabi ko (Ashlie), otherwise a PERFECT PIZZA PARTY!

4 comments:

Che said...

Wow, kainggit!!! Ang saya. Masarap nga talaga ang pizza sa LA (medyo pricey nga lang), saka ok magkwentuhan over dim lights, para kayong nagpaplano ng rebolusyon na sosyal ang ambience...hehe...

Wala kayong nakitang celebrity? Dati madalas may taga ABS or GMA na tambay dun...

jorge said...

sayang Che at hindi ka nakasama, next time.

thank you sa mga pumunta. yung mga hindi nakapunta, mayron pa namang next time.

abangan na lang nating ang celebration ng birthday ni Tito Ido! ang dami kayang nag-aabang.

thank you Tito Ido sa pag-blog ng pizza party!

Evot said...

sarap ng pizza dun...pagumuwi si charisse at cyempre ako from states eh aayain ko si charisse kumain ng pizza dun...
Maraming salamat sa super sarap na pizza.

saan nman kya magcecelebrate si tito ido ng birthday nya? hmmmm...
abangan nlng sa pagblog ni tito ido kung saan...hehehe...

Charisse said...

Nkkainggit nga nmn..sana nga next time dalhin ako ni evot dun.hehe..