Nung Monday, lipad akong Cebu via PAL. Mukhang OK naman, on schedule ang boarding and all. Kaso bago kami mag-take-off naku sira daw ang communications, so mula sa take-off area bumalik pa kami sa terminal. Na-delay ang flight namin ng 3 oras. Haaaay.
Celebrity Sighting: Rowell Santiago at isa pang director na di ko maalala ang pangalan
Dapat uuwi na ko ng Tuesday night, kaso you know what happened. Ginamit ng PAL na excuse ang weather dahil sa cancelled flights. Alam ko ito, kasi tinignan ko ang site ng Cebu Pacific at lahat ng flights nila papuntang Manila ay lumipad naman.
So nag-stay ako ng Cebu ng 1 more day. By Wednesday, strike pa rin ang PAL at mas malala pa. So nag-file ako ng exception para mag-fly ng Cebu Pacific, bawal kasi kami dun e.
Celebrity SIghtings: Doug Kramer, Alex Crisano at buong basketball team nila. Ano bang team nila?
Nung nag-check-in na ko sa Cebu Pac, "body weight" daw. Sabi ko ano yon? Tumuntong daw ako dun sa weighing scale nila. Hahaha, natawa nga ako, dahil first time lang akong timbangin. Dapat naisip ko na ang susunod na mangyayari.
Ang eroplano pala namin ay yung may propeller at konti lang ang pasahero. hahaha. At ang matindi imbes na 45 minutes ang flight naging 1 hour and 40 minutes. Utang na loob talaga. Ano pang magagawa kung hindi enjoy the ride. Well, yun lang since sobrang liit ng plane e nararamdaman mong hinahangin kami. at ang TURBULENCE namin ay talagang TURBULENCE, para kang asa dagat.
1 comment:
natawa naman ako nung tinimbang ka...hahaha...bakit yun yung eroplano na sinakyan nyo??? hehehe...
Post a Comment